backup og meta

Gamot sa Kabag, Anu-ano nga ba ang pwedeng gamitin? Alamin Dito!

Gamot sa Kabag, Anu-ano nga ba ang pwedeng gamitin? Alamin Dito!

Normal lamang na magka-kabag sa tiyan. Kaya huwag magtaka kung ang masang-Pilipino ay mahilig maghanap ng gamot sa kabag. Ang kabag o “gas pain” ay normal lamang sa ating digestive system. Ito ay bahagi ng normal process ng digestion. Pwede itong maalis sa pamamagitan ng pagdighay (burping) at pag-utot (flatulence). Subalit, maaaring makaranas ng pananakit ng tiyan kung ang masamang hangin ay hindi makalabas o nakulong sa’yong digestive system. 

May mga pagkakataon na kapag nakararanas ng kabag ang isang tao. Bumibigat ang pakiramdam ng kanilang tiyan — na para bang punong-puno ng hangin. Ito ay maaaring magdulot ng balisang pakiramdam dahil pwede itong maging makirot at masakit — at maging sanhi ng pagbagal ng iyong pagkilos.

Kaugnay ng mga ito, dito na pumapasok ang paghahanap ng mga tao ng gamot para sa kabag. Basahin ang artikulong ito para sa mga sumusunod na mahahalagang detalye para sa’yong kamalayan.

Bakit nagkakaroon ng kabag ang isang tao?

Ang pagtaas ng hangin ay pwedeng resulta ng mga pagkaing maaaring makapag-produce ng gas. Ayon na rin kay Dr. Veloso, isang gastroenterologist, normal lamang na kabagin. Ang isa pa sa mga dahilan ng kabag ay ang natural byproduct ng mga bakterya sa intestines. Sapagkat, trabaho talaga ng bakterya ang mag-break down ng sugar, starch at fiber mula sa pagkaing napupunta sa ating tiyan. 

Narito ang mga sumusunod na dahilan ng kabag ng isang tao:

Food digestion

Ang small intestines ay kulang sa ilang partikular na enzymes na kailangan upang ma-digest at ma-absorb ang carbohydrates, sugar sa sweets, starchy at fibrous food. Tandaan na ang mga hindi natutunaw na pagkain ay pumapasok sa large intestine kung saan ang mga harmless bacteria ay brine-break down ang pagkaing bumubuo ng hydrogen at carbon dioxide gases. Ang ganitong proseso ay kadalasang responsable at humahantong sa pag-utot. Sa ilan pang mga kaso, ang intestinal bacteria ay gumagawa rin ng methane gas.

Swallowing air o Paglunok ng hangin

Maaaring makakuha ng hangin ang tao sa pamamagitan ng paglunok. Ang hangin ay naglalaman ng oxygen, nitrogen at carbon dioxide. Sinasabi, na kapag nagsusuot ka ng maluwag na pustiso — maaari kang makalunok ng maraming hangin – dahilan para magka-kabag ang isang tao.

Sino ang madalas na nagkakaroon ng kabag?

Ang pagkakaroon ng sobrang gas sa tiyan ang dahilan kung bakit ang tao ay bloated, o umuutot ng mabaho.

Narito ang mga sumusunod na indibidwal na madalas magkaroon ng kabag:

  • Mga taong mahilig kumain ng chewing gum, umiinom ng alak at nakikipag-usap habang kumakain
  • Indibidwal na may dietary choices ng gas-producing foods, tulad ng beans at potato at high-fiber products
  • Taong may digestive problem, tulad na irritable bowel syndrome, lactose intolerance at celiac disease
  • Mga indibidwal na may intestinal infections
  • Indibidwal na nagte-take ng medications o mayroong motility disorders.
  • Smokers o mga taong naninigarilyo

Narito naman ang mga sumusunod na sintomas ng kabag na dapat mong malaman:

  • Pag-utot
  • Pagdighay
  • Cramps at pananakit sa tiyan
  • Pakiramdam ng sobrang kabusugan
  • Pagiging bloated
  • Paglaki ng tiyan (distention)

Mga Gamot Para sa Kabag: Over-the-counter remedies

Ang pag-inom o pag-take ng mga sumusunod na over-the-counter remedies ay pwedeng makatulong sa pagbabawas ng gas symptoms. Narito ang mga sumusunod:

    • Alpha-galactosidase. Ito ay nakakatulong sa pag-break down ng carbohydrates. Pwede itong i-take bago kumain.
    • Lactase supplements. Tumutulong ito sa pag-digest ng sugar sa dairy products. Ngunit kumonsulta muna sa’yong doktor kung ikaw ay buntis o nagpapasuso.
    • Simethicone. Nakakatulong naman ito para ma-break up ang “bubble in gas” at mailabas sa’yong digestive tract.

Mga Gamot Para sa Kabag: Home Remedies

Mayroong mga home remedy na pwedeng gamitin para sa kabag ng tao. Narito ang mga sumusunod na maaari mong i-konsidera:

Gamot sa Kabag: Peppermint Oil

Ayon sa ilang mga pag-aaral, nakita na may kakayahan ang peppermint oil para mapakalma ang digestive system. Sa madaling sabi, nmaaaring akakatulong ito para maibsan ang sakit ng tiyan dulot ng kabag.

Gamot sa Kabag: Tsaa at iba pang herbs

Lumalabas sa mga pag-aaral na ang tsaa at iba pang herbs ay nakatutulong sa discomfort na dala ng kabag. Ang turmeric, anise, caraway, coriander at fennel ay ilan lamang sa mga pwedeng i-konsidera, upang ihalo sa pinapakulong tubig. Maganda na inumin ito sa oras na mainit pa.

Gamot sa kabag: Hot compress

Isa pa sa mga home remedy na pwedeng gawin ay ang paggamit ng hot compress para mainitan ang tiyan. Maaaring gumamit ng heating pad o hot water bottle para makalabas ang masamang hangin sa tiyan.

Gamot sa kabag: Ang paggalaw

Pwede mong subukan ang yoga poses at paggalaw. Tulad ng stretching, pagtalon-talon na squats para lumabas ang hangin sa tiyan.

Gamot sa kabag: Pagbabago ng iyong lifestyle

Ang pagkakaroon ng lifestyle changes ay maaaring makatulong na maiwasan mo ang pagkakaroon ng kabag — maging ang sintomas na dulot nito. Narito ang mga sumusunod na paraan na pwedeng gawin:

  • Pagkain ng smaller portions ng pagkain. Para maiwasan ang pagkain ng malalaking tipak o bahagi ng pagkain na mahirap tunawin kung minsan.
  • Pagnguya ng mabuti at maayos sa pagkain
  • Pag-inom gamit ang straw
  • Pag-check ng iyong pustiso kung maayos at hindi pa maluwag
  • Pag-iwas sa paninigarilyo
  • Mag-eehersisyo

Kailan dapat magpakonsulta sa doktor?

Dapat kang agad na magpakonsulta sa doktor kapag sobrang sakit na ang nararamdaman na sintomas dahil sa kabag. Pwede kasing indikasyon din ang severe symptoms sa more-serious conditions. Magpatingin kaagad sa doktor kapag nagkaroon ka ng additional symptoms, tulad ng mga sumusunod:

  • Bloody stools o dugo sa dumi
  • Pagbabago sa consistency sa dumi
  • Pagkakaroon ng pagbabago sa dalas ng pagdumi
  • Pagbaba ng timbang
  • Constipation o diarrhea
  • Patuloy na pagduduwal at pagsusuka
  • Matagal na pagdanas ng abdominal pain
  • Pananakit ng dibdib o chest pain

Lagi mong tandaan na kapag pabalik-balik ang kabag — baka hindi sapat ang home remedies at over-the-counter medications para dito. May mga pagkakataon kasi na may mas malalim pa itong dahilan na dapat mong malaman. Maaaring isagawa sa’yo ang mga sumusunod na test, para malaman ang sakit na pwedeng maiugnay sa pagkakaroon mo ng kabag.

  • Blood test – sa pamamagitan ng test na ito malalaman kung may celiac disease ang isang tao.
  • Breath test – ang hydrogen breath test na ito ay nakakatulong sa pagtukoy kung may lactose intolerance o abnormal bacterial growth ka sa intestine o bituka.
  • Colon screening – malalaman sa test na ito gamit ang colonoscopy kung may colon cancer ka o Crohn’s disease.
  • Gastrointestinal tract exam — makikita sa test na ito kung ano ang pwede mo pang mga sakit na taglay kaugnay sa’yong gastrointestinal.

Key Takeaways

Ang kabag ay isang kondisyon na madaling gamutin. Maraming home remedy at over-the-counter medicine na pwedeng gamitin. Subalit, sa oras na may severe symptoms na maranasan. Maganda kung magpakonsulta agad sa doktor. Dahil baka sanhi ito ng mas malalang kondisyon na nangangailangan ng agarang medikal na atensyon.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Gas in the Digestive Tract https://www.niddk.nih.gov/health-information/digestive-diseases/gas-digestive-tract Accessed May 2, 2022

Gas-Related Complaints https://www.merckmanuals.com/professional/gastrointestinal-disorders/symptoms-of-gastrointestinal-disorders/gas-related-complaints?redirectid=246?ruleredirectid=30 Accessed May 2, 2022

Gas and gas pains https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/gas-and-gas-pains/diagnosis-treatment/drc-20372714 Accessed May 2, 2022

Gas and gas pains https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/gas-and-gas-pains/symptoms-causes/syc-20372709 Accessed May 2, 2022

Gas and gas pain

https://my.clevelandclinic.org/health/diseases/7314-gas-and-gas-pain Accessed May 2, 2022

Peppermint oil for the treatment of irritable bowel syndrome: a systematic review and meta-analysis https://pubmed.ncbi.nlm.nih.gov/24100754/ Accessed May 2, 2022

 

Kasalukuyang Version

12/05/2022

Isinulat ni Lornalyn Austria

Narebyu ng Eksperto Dexter Macalintal, MD

In-update ni: Lorraine Bunag, R.N.


Mga Kaugnay na Post

Halamang Gamot Sa Vertigo, Anu-Ano Nga Ba Ito? Alamin Dito

Nakatutulong Ba Ang Essential Oil Para Sa Sakit Ng Ulo?


Narebyu ng Eksperto

Dexter Macalintal, MD

Internal or General Medicine


Isinulat ni Lornalyn Austria · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement