Maraming tao ang regular na nagpapamasahe upang makatulong sa pananakit ng katawan at muscle. Gayunpaman, maaaring maitanong mo ang siyentipikong paliwanag sa likod ng pagtatanggal ng sakit at pagmamasahe. Narito ang isang quick look sa mga benepisyo ng massage therapy at paano mo ito magagamit para sa iyong kapakinabangan.
Paano Nakatatanggal Ng Sakit Ang Massage Therapy?
Lumilikha ang masahe ng pisyolohikong pagbabago sa katawan ng tao. Ang mga pagbabagong ito ay nagdudulot ng dalawang klase ng responses na nagreresulta sa emosyonal at pisikal na mga benepisyo ng massage therapy.
Relaxation Response
Ang unang response ay ang relaxation response. Isa itong involuntary response mula sa iyong nervous system.
Ang relaxation response ang malaking dahilan kung bakit nakararanas ang mga tao ng pagkawala ng nararamdamang sakit. Bumabagal ang iyong heart rate at paghinga kasabay ng blood pressure. Ni-re-relax din ng relaxation response ang iyong muscles at binabawasan ang produksiyon ng stress hormones.
Nakatutulong ang relaxation response na mabawasan ang mga pisikal na epekto ng stress sa tao. Bukod pa dyan, maaari nitong mapababa ang mga panganib na nagmumula sa stress gaya ng digestive disorders, anxiety, persistent fatigue, insomnia, at iba pa.
Mechanical Response
Kapag naglagay ka ng pressure sa soft tissues ng katawan, puwede itong lumikha ng pangalawang response na tinatawag na mechanical response. Nakatutulong ang response na ito upang madagdagan ang sirkulasyon ng dugo at lymph dahil nailalabas ang mga kemikal. Salamat sa relaxation response, habang ang soft tissues ay pisikal na minamanipula.
Isa sa mga kilalang benepisyo ng massage therapy ay ang magandang sirkulasyon ng dugo. Nakatutulong ito sa mga selula na madala nang mas mabuti ang mga sustansya at oxygen sa muscles. Nakatutulong ang masahe upang gumana nang maigi ang tissues. Binabawasan din ang pamamaga ng soft tissue, at pinabubuti ang pagsipsip ng sobrang fluids.
Dagdag pa, gustong-gusto ng mga tao ang pagpapamasahe lalo na ng mga nakararanas ng madalas na pamumulikat ng muscles at masasakit na contractions. Nakatutulong kasi ito upang matanggal ang sakit. Kasabay nito, maaari ding makatulong ang masahe na mabawasan ang nerve compression, na nakapagpapababa ng iyong tsansang magkaroon ng pinched nerve.
Anong Klase Ng Massage Therapy Ang Nakatatanggal Ng Sakit?
Maaaring makatulong ang pagpapamasahe na makatanggal ng sakit. Ngunit upang makuha ang pinakamagandang resulta, pinakamabuting pumili ng tamang masahe para sa iyo. Narito ang ilang karaniwang klase ng mga masahe:
Swedish Massage Therapy
Ang napakakaraniwang full-body gentle massage ay tinatawag na Swedish massage. Magandang uri ng masahe ito para sa mga unang beses pa lang na magpapamasahe. Maganda rin ito sa mga sensitibo at may mga tension. Gumagamit ang massage therapist ng mga paggalaw gaya ng kneading, deep circular motions, at tapping, upang matanggal ang muscle knots.
Deep Tissue Massage Therapy
May pagkakapareho ang Deep Tissue massage sa Swedish massage. Ngunit kung mapapansin mo sa kanyang katawagan, may mas pressure itong kasama. Gumagamit ng deep finger pressure at slow strokes ang massage therapist upang mawala ang tension sa pinakamalalim na layers ng connective tissues at muscles. Bagaman mas matinding klase ng masahe ito, hindi ka dapat makaranas ng soreness o sakit.
Hot Stone Massage Therapy
Maganda ang hot stone massage para sa mga taong may tension at muscle pain. Nakapagpapaganda ng daloy ng dugo, nakatatanggal ng stress, at sakit ang masaheng ito. Sa masaheng ito, naglalagay ang therapist ng pinainitang mga bato sa magkakaibang bahagi ng katawan. Puwede rin siyang gumamit ng Swedish massage techniques na may kasamang gentle pressure upang mamasahe ka habang may hawak na bato. May ilang mga therapist na nag–aalok ng mga cold stone massage.
Trigger Point Massage
Para sa mga taong may mga natatanging kondisyon/problema, injuries, o chronic pain, maaaring maganda ang Trigger Point massage para sa kanila. Nakatuon ang klase ng pagmamasaheng ito sa mga “trigger points”. Ito ang mga tiyak na bahagi ng katawan na kadalasang nagdudulot ng sakit.
Nakadaragdag Ba Sa Benepisyo Ng Massage Therapy Ang Essential Oils?
Mabilis ang naging pagsikat ng mga benepisyo ng massage therapy at essential oils. Kadalasang kasama sa ginagamit sa pagmamasahe ang essential oils. Nakatutulong ang essential oils upang mapabuti ang pagmamasahe.
Aromatherapy
Sa katunayan, ang isa sa sikat na klase ng pagmamasahe na gumagamit ng essential oils ay tinatawag na aromatherapy. Hindi lamang ito nakatutulong upang matanggal ang sakit ng katawan, ngunit kaya rin nitong:
- Mapaganda ang iyong mood
- Mapalakas ka
- Makagamot ng insomnia
- Mapakalma ka kung balisa o stress
- Mabawasan ang mga sintomas ng depression
Madalas na pinipili ang aromatherapy ng mga taong gustong mawala ang kanilang nararamdamang pisikal at emosyonal na sakit.
Puwedeng magdesisyon ang massage therapist sa klase ng essential oils na pinakamainam na gamitin para sa iyong kondisyon. Puwede mo ring sabihin sa kanila kung may partikular kang gusto. Maaaring may magkakaibang epekto ang bawat essential oil. Halimbawa, may calming effect ang lavender at chamomile, habang may energizing effect naman ang rosemary oil.
Gayunpaman, hindi basta-basta gumagamit ng essential oils sa iyong balat ang mga therapist. Kailangan palaging haluan ang oils bago ipahid sa balat. Malalanghap mo rin ang essential oils mula sa diffuser. In-a-absorp naman iyong katawan ang essential oils na ipinangmamasahe sa iyo.
May Side Effects Ba Ang Massage Therapy?
Sa pangkalahatan, bagaman magandang karanasan ang pagpapamasahe, posible pa ring magkaproblema (karaniwang dahil sa hindi lisensyadong therapist). May ilang mga taong nagkakaroon ng kaunting side effects dahil sa pagpapamasahe, ngunit hindi na umaabot sa puntong kailangan pang i-report.
Soreness
Ang karaniwang side effect na puwede mong makuha sa pagpapamasahe ay ang post-massage soreness at malaise. Isa itong kaunting pananakit ng katawan na napakadaling i-manage para sa karamihan. Karaniwan naman itong nangyayari mula sa matinding pagpapamasahe gaya ng deep tissue massage.
Posibleng Nerve Damage o Pagdurugo
Kapag sobrang tindi ng pagmamasahe, puwede itong maging sanhi ng nerve damage o internal na pagdurugo. Gayunpaman, bibihira itong mangyari.
Allergic Reaction
Dagdag pa, puwedeng magkaroon ang tao ng allergic reaction sa mga langis o creams na ginamit ng therapist. Kaya naman, mahalagang ipaalam sa iyong therapist ang iyong medical history bago magpamasahe upang maiwasan ang mga ganitong panganib.
Sino Ang Dapat Umiwas Sa Massage Therapy?
Sa pangkalahatan, ligtas ang pagpapamasahe. Ngunit kung may dati ka nang iniindang kondisyon gaya ng osteoporosis o blood clots, puwedeng lalong lumala ang mga ito o magkaroon ng komplikasyon. Pero kung iiwasan ng massage therapist ang ilang partikular na bahagi ng katawan kung saan naroon ang kondisyon (gaya ng pag-iwas sa sugat) at marahan lang ang pagmamasahe, puwede pa ring mas ma-enjoy ito.
Key Takeaways
Sa pangkalahatan, puwedeng maging kasiya-siyang karanasan ang pagpapamasahe. Maaari ding isa itong simpleng paraan upang matanggal ang mga sakit na iyong nararamdaman. Bagaman hindi ito gamot sa sakit, puwede itong makatulong upang mabawasan ang mga sintomas nito at mas maging relax. Mag-book ng sesyon sa isang therapist. Subukan sa unang pagkakataon ang napakaraming benepisyo ng massage therapy.
Matuto pa tungkol sa Herbals & Alternatives dito.