Bagaman kilala ng nakararami ang honey bilang superfood, mabuti ba ang bee pollen sa iyong kalusugan? Alamin dito ang tungkol sa benepisyo ng bee pollen at mga side effect nito.
Ano Ang Bee Pollen?
Tinuturing na “male” fertilizing agent ng mga halaman ang pollen. Karaniwan itong maalikabok o nasa powdery yellow substance na makikita sa mga namumulaklak na halaman. Isa ang pollen sa mga pinakakaraniwang nagdudulot ng allergy.
Naglalakbay ang mga bubuyog at iba pang hayop mula sa isang bulaklak patungo sa iba pang bulaklak nang may dala-dalang pollen. Ang kinuha at inilipat na pollen mula sa bulaklak ang nagdudulot ng fertilization. Ito ang nagiging dahilan para magbunga ang bulaklak. Napakahalaga ng mga honey bee sa ecosystem dahil responsable sila sa pag-pollinate ng isang-katlo ng mga pananim na pagkain sa mundo.
Pagtapos kolektahin ng mga honey bee ang nectar sa mga bulaklak, bumabalik sila sa pugad nila. Habang ginagamit ang nectar sa paggawa ng honey, humahalo ang ilan sa mga pollen. Tinatawag na bee pollen ang mga pollen na galing sa mga bulaklak na nahaluan ng bee saliva. Ito ang pinaghalong enzyme, vitamin, mineral, protein, at antioxidant.
Bakit Mabuti Ang Bee Pollen Sa Kalusugan?
1. Nakakababa ito ng cholesterol at fat.
Nakita sa mga klinikal na pag-aaral na may hypolipidemic o fat-lowering properties ang bee pollen. Sinusuri ang bee pollen sa mga sample ng dugo. Matapos magbigay ng pollen, nagkaroon ng kapansin-pansing pagbaba ng blood lipid concentration at cholesterol.
Kilala rin ang low-density lipoproteins (LDL) bilang “bad” cholesterol at kadalasang nauugnay sa hypertension at atherosclerosis. Nagiging sanhi din ng mas advanced na sakit sa puso tulad ng heart attack at stroke ang dalawang kondisyon na ito.
Bilang dagdag sa masustansyang low-fat diet at moderate exercise, maaaring makatulong ang bee pollen pang-iwas sa dyslipidemia at sakit sa puso.
2. Nakatutulong ang bee pollen sa paglaban ng diabetes.
Katulad ng naunang nabanggit na benepisyo ng bee pollen, nakitang kaya ring pabutihin ng bee pollen ang hormone levels at response. May kaugnayan din ang pagbaba ng blood lipid concentration sa pagbabago sa insulin, testosterone, at thyroxine. Responsable ang mga hormones na ito para sa lipid breakdown at kinukuha ng cells.
Kaya rin magpababa ng blood sugar o hypoglycemic effects ang bee pollen. Sinasabing responsable dito ang mga unsaturated fatty acid, phospholipid, at phytosterol. Dagdag pa rito, nakatutulong din ang maraming insulin para pababain ang blood glucose levels.
3. Mayroon itong detoxifying properties.
Sa isang pag-aaral, binigyan ang mga daga ng maraming toxin at gamot na sumisira sa atay. Kabilang sa toxins ang paracetamol at alkohol. Ang naging resulta, tumaas ang liver enzymes sa dugo. Pagkatapos bigyan ng bee pollen, bumaba naman nang husto ang liver enzymes (sa safe levels). Ang bee pollen, na ibinigay kasama ng mga toxin, ang nagprotekta sa liver cells sa pagkasira nito.