backup og meta

Specialty Ng Massage Therapy: Alamin Dito Kung Anu-Ano Ang Mga Ito

Specialty Ng Massage Therapy: Alamin Dito Kung Anu-Ano Ang Mga Ito

Madalas ang unang maiisip sa massage therapy ay spa o mga fancy hotel services. Gayunpaman, maraming mga specialty ng massage therapy type na siguradong tutugon sa iba’t ibang natatanging kondisyon. 

Basahin ang mga ito at alamin kung paano makakatulong sa iyo ang massage therapy na mapabuti ang iyong pangkalahatang emosyonal at pisikal na kagalingan.

Ano Ang Masahe?

Sa madaling salita, ang masahe ay tumutukoy sa manu-manong therapy ng soft tissues. Ito ay ginagawa sa pamamagitan ng paghawak o paglalagay ng presyon sa mga partikular na lugar. Maaaring kabilang sa masahe ang paglalapat ng magaan o malalim na presyon sa mga partikular na ligament, tendon, o kalamnan. Depende sa uri ng masahe na ginagawa.

Matuto pa tungkol sa iba’t ibang type at nakakagulat na mga benepisyo ng masahe — nag-aalok ng insight sa kung paano ito magagamit para sa minor ailments at wellbeing.

Specialty Ng Massage Therapy: Mga Benepisyo Ng Masahe

Bakit Kailangang Magpamasahe?

Karamihan sa mga tao ay nagpapamasahe para makapag-relax. At maalis ang anumang hindi kinakailangang tensyon sa kanilang mga katawan. Gayunpaman, ang mga masahe ay mayroon ding maraming benepisyo para sa kalusugan ng isang tao. Maaari din nitong mapagaan ang ilang sintomas na nauugnay sa ilang kondisyong medikal.

Arthritis pain. Ang masahe ay maaaring makatulong sa anumang sakit o discomfort sa mga kasukasuan. Dulot ng dalawang pangunahing uri ng arthritis katulad ng osteoarthritis at rheumatoid arthritis.

Back pain. Makatutulong din ang mga masahe sa pananakit ng likod na dulot ng mga pagbabago sa katawan na sanhi ng pagbubuntis ng isang babae.

Stress at pagkabalisa. Gayunpaman, ang mga masahe ay hindi lamang nakaaapekto sa pisikal na kalusugan ng isang tao. Ipinakita rin ng data na ang specialty ng massage therapy ay makatutulong na bawasan ang antas ng stress at pagkabalisa.

Ang masahe ay hindi dapat palitan ang gamot na inireseta ng isang health professional. Gayunpaman, maaari itong gamitin kasama ng mga traditional treatment methods. Para makatulong sa pagpapagaan ng ilang mga sintomas. O gawing mas epektibo ang paggamot.

Anu-Ano Ang Mga Specialty Ng Massage Therapy?

Kung interesado kang magpamasahe. Pinakamahusay na matuto nang higit pa tungkol sa iba’t ibang uri ng mga specialty sa massage therapy na magagamit. Sa ganitong paraan, matutukoy mo, kung aling uri ang pinakaangkop sa’yong mga pangangailangan. Ang pag-aaral tungkol sa iba’t ibang uri nito ay ang pag-alam din sa mga pangmatagalang benepisyo ng masahe na makukuha mo mula sa mga regular na sesyon.

Mga Gamit At Benepisyo

Ang mga masahe ay maaaring magkakaiba sa pamamaraan, pati na rin ang layunin. Ang ilang mga uri ng massage therapy specialty ay para lamang sa pahinga at pagpapahinga. Habang ang ibang mga masahe ay maaaring makatulong sa paggaling ng mga muscle o pinsala.

Nasa ibaba ang mga karaniwang uri ng masahe:

Aromatherapy Massage

Ang mga aromatherapy massage ay nailalarawan sa pamamagitan ng paggamit ng essential oils na maaaring imasahe sa balat. O malalanghap, sa pamamagitan ng paggamit ng diffuser sa silid. Kung saan magaganap ang masahe. Ang iba’t ibang essential oils ay nagsisilbi sa iba’t ibang layunin. Narito ang ilang halimbawa ng essential oils at mga benepisyo nito:

  • Lemongrass/white fir. Kapag inilapat sa balat, maaari itong mabawasan ang pamamaga ng tulong.
  • Helichrysum. Ang paggamit ng Helichrysum ay maaaring makatulong sa paglitaw ng mga peklat.
  • Lavender. Kapag nilalanghap, makakatulong ang Lavender na maibsan ang pagkabalisa at maisulong ang mas magandang pagtulog.
  • Lemon. Ang lemon essential oil kapag nilalanghap ay maaaring magkaroon ng mga positibong epekto sa pangkalahatang mood ng isang tao.

Specialty Ng Massage Therapy: Chair Massage

Ang chair massage ay ginagawa sa isang upuan na idinisenyo para tulungan kang sumandal at mag-relax. Habang nakakatanggap ka ng masahe sa posisyong nakaupo. Ang mga masahe na ito ay tumatagal lamang ng humigit-kumulang 15 hanggang 30 minuto. At perpekto ito kung ginugugol mo ang karamihan ng iyong oras sa posisyong nakaupo.

Habang nasa chair massage, ang mga bahagi tulad ng ulo, kamay, balikat, at likod ay binibigyan ng higit na pansin. Kung ikaw ay isang taong patuloy na naghihirap mula sa sakit sa likod, ito ang magandang uri ng masahe para sa’yo.

Specialty Ng Massage Therapy: Hot Stone Massage

Isa sa mga pinaka-natatanging type ng specialty ng massage therapy  ay  ang hot stone massage. Sa hot stone massage, inilalagay ang mga pinainit na bato sa strategic areas tulad ng mga braso, binti, o sa kahabaan ng linya ng gulugod. Karaniwan, ang mga flat, basalt stones ay ginagamit sa ganitong uri ng masahe. Ang iyong massage therapist ay maaari ding gumamit ng pinainit na mga bato. Para maglapat ng presyon sa ilang bahagi ng katawan. Sa ilang mga hot stone massage, malamig na marble stone ang ginagamit para tapusin ang tritment.

Ang mga hot stone massage ay pinaniniwalaang nagpapabuti ng sirkulasyon. Ang paggamit ng parehong pinainit at pinalamig na mga bato sa mga masahe ay maaaring magbawas ng pamamaga. At makatulong sa pag-decongestion sa ilang bahagi ng katawan.

Specialty Ng Massage Therapy: Swedish Massage

Kung ito ang iyong unang pagkakataon na magpamasahe. Ang Swedish massage ang pinakamagandang opsyon para sa’yo. Ang Swedish massage ay more on sa gentle side na nagsasangkot sa long kneading strokes. Pinakamainam ang Swedish massage para mapawi ang tensyon ng muscles. At isa ito sa pinakasikat na uri ng mga specialty ng massage therapy.

Narito ang mga karaniwang stroke na maaari mong asahan mula sa isang Swedish massage:

  • Tapotement. Ito ay stroke na mailalarawan sa mga kamay na nakakuyom.
  • Petrissage. Isang stroke na nakatuon sa kneading o pagmamasa at pagpiga.
  • Effleurage. Klase ng stroke na ginagamit sa simula at dulo ng Swedish massage na kinabibilangan ng malambot, at makinis na paghaplos.
  • Friction. Nagsasangkot ang mas malalim na presyon. Para mabatak ang mga hibla ng muscles. Ito’y ginagamit upang tulungan ang sirkulasyon ng dugo.

Paano Maghanda Para Sa Isang Masahe?

Bago magpamasahe, may ilang bagay ka na maaaring gawin para mapakinabangan ang iyong masahe. Anuman ang uri ng mga specialty sa massage therapy na iyong nais.

Mag-research ka. Bago mag-book ng appointment. Subukang alamin ang mga uri ng mga specialty ng massage therapy at mga presyo na pinakamainam para sa’yo. Kung may mga partikular na lugar ka sa katawan na gusto mong pagtrabahuhan ng iyong massage therapist. Siguraduhing sabihin sa kanila nang maaga.

Kung ikaw ay buntis, nasugatan, o mayroon nang mga paunang kondisyon. Siguraduhing ipaalam sa’yong doktor na gusto mong magpamasahe. Sa ganitong paraan, maaaring ipaalam sa’yo ng iyong physician kung aling masahe ang magiging ligtas para sa’yo.

Magsuot ng komportableng damit. Makatutulong ito lalo na kung plano mong magpamasahe. Dahil kinakailangan mong maghubad para sa pagmamasahe. Ang pagsusuot ng komportableng damit ay maiiwasan din ang anumang discomfort pagkatapos ng iyong masahe.

Iwasan ang caffeine. Laktawan ang kape o tsaa bago ang iyong appointment. Para matiyak na ganap kang magiging komportable sa panahon ng iyong sesyon ng masahe.

Key Takeaways

Ang masahe ay isang mahusay na paraan para ma-unwind at makapagpahinga ang iyong isip at katawan. Bukod doon, ang pagpapamasahe ay maaari ding magkaroon ng maraming benepisyo sa kalusugan. Tulad ng pagbabawas ng pananakit ng muscles at pamamaga. Para makamit ang mga resulta para sa’yong mga natatanging pangangailangan. Pumili ng mga uri ng mga specialty ng massage therapy na epektibo para sa’yong kondisyon.
Kung gusto mong malaman ang higit pa tungkol sa kaligtasan ng masahe. Kumunsulta muna sa iyong physician.

Matuto pa tungkol sa Herbals & Alternatives dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Massage, https://www.betterhealth.vic.gov.au/health/conditionsandtreatments/massage, Accessed July 20, 2020

Massage and Medical Treatments, https://www.amtamassage.org/resources/massage-and-health/medical-treatments/, Accessed July 20, 2020

Aromatherapy: Do Essential Oils Really Work, https://www.hopkinsmedicine.org/health/wellness-and-prevention/aromatherapy-do-essential-oils-really-work, Accessed July 20, 2020

What is Chair Massage, https://www.msccollege.edu/blogs/massage-therapy/what-is-chair-massage/, Accessed July 20, 2020

Hot Stone Massage, https://www.amtamassage.org/publications/massage-therapy-journal/hot-stone-massage/, Accessed July 20, 2020

Swedish Massage, https://www.healthdirect.gov.au/swedish-massage, Accessed July 20, 2020

Kasalukuyang Version

04/27/2023

Isinulat ni Lornalyn Austria

Narebyung medikal ni Stephanie Nera, RPh, PharmD

In-update ni: Vincent Sales


Mga Kaugnay na Post

Halamang Gamot Sa Muscle Pain, Anu-Ano Kaya Ito?

3 Mga Halamang Gamot Sa Goiter, Anu-Ano Nga Ba Ito?


Narebyung medikal ni

Stephanie Nera, RPh, PharmD

Pharmacology


Isinulat ni Lornalyn Austria · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement