backup og meta

3 Mga Halamang Gamot Sa Goiter, Anu-Ano Nga Ba Ito?

3 Mga Halamang Gamot Sa Goiter, Anu-Ano Nga Ba Ito?

Naranasan mo na bang maghanap ng mga halamang gamot sa goiter o herbal medicine para sa pananakit ng lalamunan? Marahil ang sagot ay “oo” dahil maraming Pilipino ang naniniwala sa mga benepisyo ng halamang gamot sa kalusugan. Ngunit ang tanong, anu-ano nga bang mga halamang gamot sa goiter ang pwedeng magamit para sa pagharap sa kondisyong ito?

Pero bago natin sagutin ang katanungang ito, alamin muna natin ang mga mahahalagang impormasyon tungkol sa goiter na dapat mong malaman.

Ano Ang Goiter?

Ayon sa Mayo Clinic ang goiter ay ang hindi regular na paglaki ng thyroid gland. Ang thyroid ay isang butterfly-shaped gland na makikita sa base ng leeg sa ibaba lamang ng ating Adam’s apple.

Kadalasan sa mga taong nagtataglay ng goiter ay wala silang anumang sintomas na tinataglay maliban sa pagkakaroon ng pamamaga (swelling) sa base ng leeg. Dagdag pa rito, ang goiter ay karaniwang maliit na madidiskubre lamang sa routine medical exam o sa paggamit ng imaging test.

Ang iba pang mga sintomas ng goiter ay nakadepende sa kung gaano kabilis lumalaki ang goiter at kung paano nakakasagabal sa iyong paghinga.

mga halamang gamot sa goiter

Mga Halamang Gamot Sa Goiter

Maaaring nakakatakot para sa iba ang pagkakaroon ng goiter lalo na’t may malaking ugnayan ito sa paglaki ng thyroid gland. Sinasabi na pwedeng makaranas ang ilang mga taong nagtataglay ng goiter ng pananakit at discomfort. Kung saan maaari itong humantong sa pag-ubo at sa kahirapan sa paglunok ng mga kinakain. 

Gayunpaman, ang goiter ay maaaring magamot sa pamamagitan ng wastong medical care at treatment. Kaya naman ipinapayo sa bawat isa na magpakonsulta sa doktor para sa angkop na medikal na atensyon. Ngunit, mayroon pa ring mga pagkakataon na ang tao ay sumusubok sa paggamit ng halamang gamot sa goiter dahil sa mura at pwede itong makita sa likod ng ating mga bakuran. Subalit dapat mong tandaan na sa paggamit ng mga halamang gamot para sa paggamot ng goiter ay mainam na ipaalam ito sa’yong doktor upang maiwasan ang anumang medikal na komplikasyon.

Narito ang ilang halamang gamot sa goiter na kilala sa kanilang mga benepisyo:

Halamang Gamot Sa Goiter: Turmeric

Ang turmeric ay maaaring mahusay na paggamot sa goiter dahil sa mga medicinal benefits na taglay nito. Nagtataglay kasi ang turmeric ng medicinal properties at myriad health benefits na maganda para sa ating pangangatawan. Dagdag pa rito, kilala rin ang turmeric sa pagtataglay ng anti-inflammatory, antimicrobial, antibacterial, at antioxidant properties na pwedeing mabisa para sa paggamot sa goiter para mapahupa ang pamamaga ng thyroid gland.

Halamang Gamot Sa Goiter: Bawang

Nagtataglay ang bawang ng medicinal properties na mahusay sa pagpapabuti ng kalusugan at presyon ng dugo. Sinasabing malaki rin ang naitutulong ng bawang sa paggamot sa goiter dahil may kakayahan ang bawang na pasiglahin ang produksyon ng glutathione sa katawan. Ang glutathione ay nagtataglay ng selenium na kailangan natin para sa angkop na paggana ng ating thyroid gland.

Halamang Gamot Sa Goiter: Sorrel Leaves

Ang sorrel leaves o spinach dock ay mayaman sa iodine na tumutulong upang maiwasan ang goiter. Maraming tao ang gumagamit nito sa paniniwala na makakatulong ito para hindi sila magkaroon ng goiter.

Key Takeaways

Ang lahat ng nabanggit sa artikulong ito ay hindi kapalit ng anumang medikal na payo, diagnosis at treatment na nagmumula sa doktor at ospital. Ipinapayo sa lahat ng magkaroon ng konsultasyon sa doktor bago uminom o mag-take ng halamang gamot upang maiwasan ang anumang medikal na komplikasyon. Maaari kasi na ang mabisa para sa’yo ay hindi naman maging angkop para iba, dahil sa iba’t ibang mga kadahilanan na doktor lamang ang pwedeng makapagpaliwanag sa’yo.
Huwag mo ring kakalimutan na ang goiter ay maaaring magamot, kaya naman huwag kang matakot na magpakonsulta sa isang espesyalista para sa medical treatment na angkop sa’yong kasalukuyang kondisyon.

Matuto pa tungkol sa Alternatibong Medisina dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Try These 5 Simple Remedies To Treat Goiter At Home, https://www.onlymyhealth.com/remedies-to-get-relief-from-goiter-1643347094, Accessed August 5, 2022

Goiter disease in traditional Chinese medicine: Modern insight into ancient wisdom, https://journals.lww.com/jcma/Fulltext/2021/06000/Goiter_disease_in_traditional_Chinese_medicine_.5.aspx, Accessed August 5, 2022

Goiter, https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/goiter/diagnosis-treatment/drc-20351834, Accessed August 5, 2022

5 natural remedies for managing goiter, https://www.thehealthsite.com/photo-gallery/5-natural-remedies-for-managing-goiter-719452/, Accessed August 5, 2022

Goiter, https://my.clevelandclinic.org/health/diseases/12625-goiter#:~:text=What%20is%20a%20goiter%3F,neck%2C%20below%20your%20Adam’s%20apple, Accessed August 5, 2022

Goiter, https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/goiter/symptoms-causes/syc-20351829#:~:text=A%20goiter%20(GOI%2Dtur),just%20below%20the%20Adam’s%20apple, Accessed August 5, 2022

Kasalukuyang Version

12/06/2022

Isinulat ni Lornalyn Austria

Narebyung medikal ni Mae Charisse Antalan, MD

In-update ni: Lorraine Bunag, R.N.


Mga Kaugnay na Post

Halamang Gamot Para Sa Gout Na Pwedeng Subukan, Alamin Dito

Gamot Sa Sakit Ng Lalamunan o Tonsillitis: Subukan Ang Mga Ito!


Narebyung medikal ni

Mae Charisse Antalan, MD

General Practitioner


Isinulat ni Lornalyn Austria · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement