Karaniwang sitwasyon na hinaharap ng tao ang anxiety. Kung tutuusin, ito ang automatic at natural na response ng katawan sa iba’t ibang level ng stress. Iba-iba rin ang tindi ng anxiety ng tao, maaaring magdulot ng mga anxiety disorder kung tumindi ito. Mayroong gamot para makatulong sa paglaban sa mga sintomas ng ilang karamdaman. Gayunpaman, hinihikayat ang mga tao na subukan ang mga natural na gamot sa panic attack.
Alamin dito kung paano.
Paano Nakaaapekto Sa Buhay Ang Anxiety
Gayunpaman, mahalagang malaman kung paano labanan ang anxiety anuman ang iyong diagnosis, hindi lang para sa sarili kundi para rin sa ibang tao.
Para sa mga magulang, makatutulong ito sa iyong tatahakin bilang magulang at sa iyong anak kung may kaalaman sa mga bagay na tulad nito, at pang-unawa sa mga paraan o mga natural na gamot sa anxiety ng mga bata.
Para sa mga guro o nagtatrabaho kasama ng mga bata o teen, mahalagang malaman ang mga posibleng paraan ng gamot sa panic attack ng mga teenager, o mga natural na gamot para sa mga teenager. Sa ganitong edad kasi nangyayari ang mga pagbabago sa hormones.
Taliwas sa paniniwala ng karamihan, pagdating sa paglaban sa anxiety, mayroon ding benepisyo ito kahit sa mga taong na-diagnose ng anxiety disorder. Bukod sa mga gamot na reseta ng doktor, mayroong mga natural na gamot para sa anxiety na hindi lamang over-the-counter na gamot.
Mga Natural Na Gamot Para Sa Anxiety
Maraming mga recreational activity na makatutulong sa pagpigil ng anxiety at pagkakaroon ng mapayapang kalagayan ng pag-iisip.
Mindfulness Activities
Karaniwang rekomendasyon ang paggawa ng mga mindfulness activity. Kabilang dito ang yoga at meditation. Maraming mga podcast, video, application, at resources na makikita sa online upang makatulong sa pagsisimula ng yoga o guided meditation. Makagagawa ng magandang resulta ang paglalaan ng kahit 2 minuto sa isang araw para sa estado ng iyong pag-iisip laban sa pag-aalala o anxiety.
Journaling
Isa pang recreational habit na maaaring matutunan ang journaling o pagsusulat ng mga nangyayari at iniisip araw-araw sa digital na paraan o tradisyunal na panulat at papel. Hinahayaan nitong masabayan mo ang iyong damdamin tulad sa ginagawa ng mindfulness activities. Binibigyan ka nito ng oras upang maproseso at maunawaan ang sariling nararamdaman sa kasalukuyan.
Avoiding Triggers
Nakatutulong ang anumang bagay na nagpapahinga at naglalayo sa iyo mula sa mga stressor sa ilang oras ng iyong iskedyul. Nakaiiwas din upang hindi masyadong ma-overwhelm sa ilang stimuli ang pagkakaroon ng time-out o pag-e-enjoy ng ilang nakalilibang na gawain. Narito ang ilan sa mga gawainng maaaring makatulong na maalis sa isipan ang pag-aalala:
- Pagpapamasahe
- Pagsali sa mga crafts workshop o dance class
- Tai chi
- Hindi pagtatrabaho tuwing katapusan ng linggo
Mga Alternatibong Pamamaraan
Kapag nangyari ang panic attack, na-ti-trigger ang fight o flight response ng katawan. Nangangahulugang maaaring hindi maisagawa ang mga bagay na naiplano bago ang panic attack. Ang pinakamainam na gawin ay aralin ang mga paraan ng natural na gamot sa panic attack o alamin ang dapat gawin sakaling nasa sitwasyon tayo kung saan tayo o ang sinoman sa ating kakilala ang nakararanas ng panic attack.
Narito ang ilan sa mga natural na gamot sa panic attack:
Paggamit Ng Logic
Una ang rationalization o ang paggamit ng logic at pagkuwestiyon sa ating mga iniisip. Sa panahon ng panic attack, madalas na nakatuon lang sa mga stressor ang isip natin at binibigyan tayo ng hindi makatwiran at pangit na reaksyon. Kung pagdududahan natin ang ating sarili, o papansinin ang mga pagkakamali sa paraan ng ating pag-iisip kapag na-realize o nahuli natin ang sariling nalalagay na sa isang sitwasyon, mas madali na nating mapipigil ang ganitong pag-iisip.
Breathing Exercises
Pangalawang paraan ng pagpapakalma ang focused breathing. Paraan ito kung saan nakatuon lang ang iyong pansin sa sariling paghinga, gaya ng ipinapahiwatig ng pangalan nito na focused breathing. May mga online resources na makatutulong bilang gabay sa pagsasagawa ng focused breathing na may kasamang bilang at pampakalmang tunog upang hindi ka mag-hyperventilate at bumalik sa isa pang panic attack.
Grounding
Karaniwang paraan na gamot sa panic attack ang grounding. Kabilang dito ang pagtutuon ng pansin sa mga materyal na bagay na nasa kasalukuyan. Naglalayon itong ilipat ang iyong atensyon mula sa mga nagdudulot ng anxiety patungo sa ibang bagay. Nakatutulong ang pagtukoy sa mga bagay na iyong nakikita, naririnig, naaamoy, nalalasahan, at nararamdaman para mailipat sa kasalukuyan ang iyong atensyon mula sa pinagmumulan ng stress.
Aromatherapy
Isa pang paraan ng pag-ground ng sarili ang aromatherapy. Nakatutulong sa maraming tao na gamot sa panic attack ang pagkakaroon ng diffuser o mga posibleng inhaler para sa pampakalmang amoy. Parehang nakatutulong din ang pagbabad at pag-inom ng tsaa bilang pang-relax at pang-ground ng tao.
Lifestyle Changes
Bukod sa paghingi ng propesyonal na tulong at pag-diagnose, kabilang sa mga paraan ng pagpigil ng anxiety ang pag-alam sa mga nag-ti-trigger nito. Lubos na nakatutulong sa pagpigil ng anxiety ang pag-alam at pangangasiwa sa mga trigger na ito.
Kung nais humingi ng tulong propesyonal, hihilingin ng iyong doktor na i-monitor at isulat ang iyong mga stress trigger. Nakatutulong sa pagharap sa stress ang pag-unawa sa mga trigger na ito. Maaaring magawa ito sa pamamagitan ng mga consultation, counseling, at cognitive behavior therapy.
Ang pagkakaroon ng mga healthy habit ang susi para sa holistic growth ng sarili at upang makaiwas sa negatibong emosyon. Kasinghalaga ng pag-alam sa mga issue na dapat masolusyunan ang pagbibigay tuon sa iyong kalusugan. Mahalaga rin ang pagbibigay pansin sa mga solusyong makatutulong upang magkaroon ng healthier lifestyle at mindset.
Key Takeaways
Samakatuwid, maraming paraan upang harapin ang anxiety. Mahalagang alam ng isang tao kung paano pakalmahin ang sarili anuman ang nakalipas na diagnosis o pagkukulang nito. Maaari din nilang matulungan ang ibang tao na dumaranas ng panic attack.
Komunsulta sa iyong doktor para sa tamang diagnosis. Makatutulong ito upang maihanda ang sarili sa mga natural na gamot sa panic attack.
Matuto pa tungkol sa Anxiety at Healthy Mind dito.