backup og meta

Benepisyo Ng Masahe Na Siguradong Hindi Mo Inaasahan!

Benepisyo Ng Masahe Na Siguradong Hindi Mo Inaasahan!

Alam mo ba na ang massage therapy ay isa sa mga matandang porma ng lunas sa mundo? Lahat ng sibilisasyon sa mundo ay may tradisyon ng masahe sa iba’t ibang porma. Ang kahanga-hangang benepisyo ng masahe ay malawak at marami.

Ano Ang Massage Therapy?

Ngayon, ang masahe ay tinitignan bilang porma ng relaxation, isang pamamaraan upang pagaanin ang katawan. Ang ilang mga tao ay nalilimutan o hindi malay sa mga tradisyon na lunas sa likod ng pamamaraan na ito.

Ang masahe ay ang pagsasagawa ng manipulasyon, handling, at kneading ng mga muscle at iba pang malambot na tissues ng katawan. Kadalasan, ang manipulasyon ay ginagawa nang manual, ngunit mayroong mga tradisyon na ginagamitan ng gamit at iba pang implements.

Ang massage therapy ay isang umbrella term na ginagamit upang tumukoy sa lahat ng uri ng manual stimulation sa katawan ng isang tao bilang porma ng lunas. Ipinakita ng pag-aaral na ang masahe ay maaaring gamitin upang lunasan ang mga sumusunod na karamdaman:

  • Delayed onset muscle soreness (DOMS)
  • Sakit sa ibabang bahagi ng likod
  • Sakit sa ulo
  • Anxiety
  • Stress
  • Mataas na presyon ng dugo

Sa isang pag-aaral na iniulat ng Journal of Bodywork and Movement Therapies noong 2000, ipinakita na ang hypertension at ang mga sintomas na kasama nito ay maaaring mawala sa paggamit ng mga massage therapy. Ang mga kalahok ng pag-aaral ay naglaan ng ng 30 minuto sesyon na masahe sa loob ng limang linggo. Lahat ng mga kalahok ay nakararanas ng hypertension at nag-ulat sila ng low blood pressure at iba pang mga positibong epekto matapos ang pag-aaral.

Nakamamanghang Benepisyo ng Masahe

Isa sa mga pangunahing benepisyo ng masahe ay ang pagiging kalmado at relaxation na maibibigay nito, na lumalaban sa pakiramdam na stress. Ito ang pangunahing rason bakit maraming mga tao ang pinipiling magpamasahe. Ang epektong ito ay sanhi ng flood ng endorphins na nagagawa ng masahe. Ang endorphins ay mga kemikal sa utak na nagbibigay ng pakiramdam ng kasiyahan. Nakatutulong din ang masahe sa pagbawas ng stress hormones sa katawan.

Maliban sa relaxations, mayroon pang ibang nakamamanghang benepisyo ng masahe. Kabilang dito ang mga:

  • Nakapagpapabuti ng sirkulasyon ng dugo
  • Stimulation ng lymphatic system
  • Nakababawas ng muscle tension
  • Nakapagpapabuti ng paggalaw ng joint
  • Mas magandang skin tone

Ang masahe ay pangunahing ginagamit upang makatulong na mabawasan ang sakit at pamamaga ng muscle.

Sa isinasagawang pag-aaral tungkol dito, marami ring gumagamit ng massage therapy na kasama ng ibang porma ng lunas. Bagaman, ito ay napatunayan na epektibo, ang massage therapy ay hindi para gamitin na pamalit sa aktuwal na medikal na lunas.

Banta Ng Masahe

Kung may benepisyo ng masahe, ano ang mga banta? Katulad ng ibang porma ng lunas, mayroong ilang mga banta na kaugnay ng massage therapy. Karamihan ng mga tao ay kailangan na ma-enjoy ang sesyon sa masahe tuwina.

Gayunpaman, kung ikaw ay nakararanas ng mga sumusunod na kondisyon, mainam na konsultahin muna ang iyong doktor. Ang masahe ay maaaring hindi inirerekomenda para sa mga sumusunod na problema sa kalusugan:

  • Bleeding disorder
  • Ikaw ay kumokunsumo ng blood-thinning na gamot
  • May fractures
  • Nakararanas ng malalang osteoporosis
  • May thrombocytopenia 

May mga ibang uri ng masahe na mag-iiwan ng pakiramdam na masakit agad o isang araw matapos maranasan ang lunas. Sa pangkalahatan, ang benepisyo ng masahe ay hindi dapat nag-iiwan ng pakiramdam na masakit.

Ano Ang Aasahan Sa Sesyon Ng Masahe?

Wala kang dapat na gawin na paghahanda bago ang masahe. Bago magsimula ang sesyon, tatanungin ka ng therapist kung ikaw ba ay may medikal na kondisyon o kung umiinom ng gamot. Ipaliliwanag dapat ng therapist sa iyo kung ano ang mangyayari at kung anong uri ng lunas na masahe ang gagamitin.

Kadalasan, kinakailangan na ikaw ay maghubad. Kung hindi ka komportable na maghubad, maaari mong sabihin sa iyong therapist kung pwede kang magsuot ng loose na damit. Susuriin ng therapist kung gaano kadiin ang pressure na akma para sa iyo. Ang ibang mga tao ay mas gusto ang mabigat na pressure ngunit ang sobrang pressure ay maaaring humantong sa pamamaga ng muscles.

Sa normal na pamamaraan, ang oil o lotion ay ilalagay sa iyong balat habang minamasahe upang makabawas ng friction. Kailangan mong sabihin sa iyong therapist kung ikaw ay may allergies bago sila maglagay ng kahit na ano sa iyong balat. Ang haba ng sesyon sa masahe ay nakadepende sa uri ng pamamaraan ng masahe na ginagawa. Ang sesyon ay maaaring tumagal sa pagitan ng 15 minuto hanggang isang oras at kalahati.

Para sa mga komportable na gawin ito sa kanilang bahay, maaari mong bigyan ng masahe ang iyong kapareha, na marami ring benepisyo.

Mahalagang Tandaan

Ang massage therapy ay may mayaman at matagal nang tradisyon sa iba’t ibang bansa sa buong mundo. May magandang rason bakit ang mga tao ay ginagamit ito na porma ng lunas. Hindi lamang ito relaxing, ngunit ito rin ay epektibo na magpagaan ng ibang mga sintomas na sanhi ng stress at ibang mga kondisyon.

Kinokonsiderang ligtas ang pagmamasahe. At sa pakikipagtulungan sa iyong massage therapist, madali kang makakahiling na i-adjust ang diin at iwasan ang mga bahagi ng katawan na masakit. Subukan ang iba’t ibang masahe – mula sa masahe sa Swedish hanggang sa tradisyonal na Hilot, na ginawa upang matugunan ang mga isyu sa kalusugan.

Matuto pa tungkol sa Herbals & Alternatives dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Massage, https://www.betterhealth.vic.gov.au/health/conditionsandtreatments/massage, Accessed July 6, 2020

The Benefits of Massage for Hypertension, https://www.pacificcollege.edu/news/blog/2015/01/24/benefits-massage-hypertension, Accessed July 6, 2020

Physiotherapy, https://www.nhs.uk/conditions/physiotherapy/how-it-works/, Accessed July 6, 2020

Allergies, https://www.aaaai.org/conditions-and-treatments/allergies, Accessed July 6, 2020

Generalised anxiety disorder in adults, https://www.nhs.uk/conditions/generalised-anxiety-disorder/, Accessed July 6, 2020

Kasalukuyang Version

12/16/2022

Isinulat ni Jerra Mae Dacara

Narebyung medikal ni Stephanie Nera, RPh, PharmD

In-update ni: Vincent Sales


Mga Kaugnay na Post

Halamang Gamot Sa Muscle Pain, Anu-Ano Kaya Ito?

3 Mga Halamang Gamot Sa Goiter, Anu-Ano Nga Ba Ito?


Narebyung medikal ni

Stephanie Nera, RPh, PharmD

Pharmacology


Isinulat ni Jerra Mae Dacara · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement