Kung nakararanas ka o ang iyong anak ng pananakit ng tiyan at pagkakaroon ng sipon matapos kumain ng dairy, may posibilidad na mayroon kang allergy sa gatas. Narito ang ilang quick facts na kailangan mong malaman tungkol sa allergy sa gatas, mula sa mga uri at sanhi nito, hanggang treatment.
Ano ang allergy sa gatas?
Ito ang tawag sa immune reaction sa isang protein na makikita sa gatas ng hayop. Isa itong karaniwang food allergy sa mga bata.
Kadalasang nangyayari ang allergic reaction matapos uminom ng gatas ang bata. Ngunit kahit ang gatas ng baka ang karaniwang sanhi ng mga allergy, maaari din maging sanhi ng allergic reaction ang gatas ng iba pang mammal tulad ng kambing at tupa.
Mga uri ng allergy sa gatas
Nahahati sa dalawa:
- IgE. Kadalasang nangyayari kaagad ang IgE-mediated allergic reaction.
- Non-IgE mediated. Maaaring tumagal ng hanggang 48 na oras bago mangyari ang mga non-IgE mediated reaction.
IgE-Mediated Cow Milk Allergy
Maaaring mangyari sa loob ng ilang minuto hanggang dalawang oras ang mga sintomas tulad ng pantal at pagtatae matapos uminom ng gatas ng baka. Kasama sa iba pang sintomas ang hirap sa paghinga at mga sintomas ng hay fever. Sa mga malubhang reaksyon, maaari ito magdulot ng anaphylactic shock.
Non-IgE Cow Milk Allergy
Maaaring lumabas ang mga sintomas ng non-IgE mediated cow milk allergy 2 oras o ilang araw pagtapos uminom ng gatas ng baka. Bagaman halos katulad lamang ng sintomas ng IgE-mediated reaction, maaaring samahan ito ng iba pang sintomas tulad ng eczema, constipation, colic-like symptoms, at iba pa.
Mixed Reaction
Posibleng makakuha ng mixed allergic reaction ang mga sanggol na may allergy sa gatas ng baka. Maaari silang magkaroon ng mga sintomas mula sa parehong uri at maaari din itong lumabas kaagad o pagkatapos ng ilang araw.
May ilan ding kaso kung saan nagdudulot ng allergic reaction sa mga sanggol kapag uminom ng gatas ng baka ang nagpapasusong ina, kadalasan itong nangyayari habang sanggol na sanggol pa. Gayunpaman, may matibay na ebidensya na nagsasabing maaaring maiwasan ng pagpapasuso ang mga allergy.
Iba pang uri ng allergy sa gatas
Isa ang allergy sa mani sa mga pinakakaraniwang allergy, kaya maaaring isipin ng mga tao na gumamit ng mga alternatibo tulad ng almond milk. Gayunpaman, maaaring allergic din ang ibang tao sa nut milk kung susubukan nilang lumipat sa gatas ng baka mula sa gatas ng hayop.
Mahalagang maunawaan kung paano nakakaapekto sa katawan ang allergy sa gatas upang makakuha ng tamang diagnosis at treatment para dito.
Magkapareho ba ang allergy sa gatas at Lactose Intolerance?
Bagaman maraming nag-iisip na magkapareho ang allergy sa gatas at lactose intolerance, magkaiba ang dalawang kondisyon na ito. Maaaring mag-overreact ang iyong immune system kapag kumakain ng mga dairy product, na posibleng mauwi sa allergic reaction.
Kung lactose intolerant, nangangahulugan ito na kulang ka sa lactase, isa itong enzyme na kinakailangan para ma-metabolize ang lactose. Maaaring magdulot ng mga sintomas sa taong lactose intolerant ang pagkain ng dairy, tulad ng pananakit ng tiyan, pagtatae, at hangin sa tiyan.
Tinatayang humigit-kumulang 2.5% ng mga batang wala pang 3 taong gulang ang may allergy sa gatas at marami sa kanila ang posibleng kalakihan na lang ito. Gayunpaman, maaaring magkaroon ng lactose intolerance anumang edad.
Mga Sanhi at Panganib
Hindi pa natutukoy ang sanhi ng allergy sa gatas sa mga tao. Gayunpaman, naniniwala ang mga mananaliksik na maaaring genetic ang allergy dito.
Bukod pa rito, maaari pa tumaas ang posibilidad na magkaroon ng allergy dahil sa ibang risk factor. Kung may family history ng allergy sa pagkain o kasalukuyang may allergy sa pagkain, malaki ang posibilidad na may allergy sa gatas ang isang tao.
Maaaring mataas din ang posibilidad na magkaroon ng allergy ang mga taong may atopic dermatitis. Isang uri ng eczema ang atopic dermatitis, at isa itong kondisyon sa balat na nagdudulot ng makati at mapulang balat.
Mga Senyales at Sintomas
Maaaring iba-iba ang sintomas ng allergy sa bawat tao. Kabilang sa mabibilis na sintomas ang mga sumusunod:
- Pagsusuka
- Mga pantal
- Hinihingal
- Kinakapos sa paghinga
- Pangangati sa paligid ng bibig o labi
Para sa mas mabagal na reaksyon, kabilang sa mga sintomas ang sumusunod:
- Pagtutubig ng mata
- Sipon
- Pagtatae/matubig na dumi (posibleng naglalaman ng dugo)
Isa pang halimbawa ng sintomas ng allergy sa mga bata ang colic.
Dahil walang lunas ang kondisyong ito, nakatuon ang treatment ng allergy sa gatas sa pag-iwas at pagbibigay ng treatment sa mga sintomas nito.
Gamutan at Paraan ng Pag-iwas
Paano nalalaman ang allergy sa gatas?
Ang pagpunta sa doktor ang pinakamabuting paraan para malaman kung may allergy ang isang tao. Karaniwang inirerekomenda ng doktor na magkaroon ng detalyadong food diary ang pasyente, at ang elimination diet. Maaari din sila magsagawa ng blood at/o skin test.
Kung hindi matukoy ng mga resulta sa test at examination ang allergy sa gatas, maaaring magbigay ng oral challenge ang doktor. Kabilang dito ang pagpapakain ng mga pagkaing maaaring naglalaman ng gatas sa magkakaibang dami o tuluyang walang gatas.
Paano Maiiwasang Magkaroon ng Allergy sa Gatas?
Dahil hindi pa tiyak ang sanhi ng allergy sa gatas, nangangailangan ng karagdagang pananaliksik tungkol sa pag-iwas sa dito. Sa karaniwan, inirerekomenda ng mga medical professional ang treatment sa sintomas nito, at nagbibigay din sila ng patnubay kung paano maiiwasan ang allergic reaction.
Paano Labanan ang Allergy sa Gatas?
Umiwas sa gatas at sa mga produkto ng gatas
Para sa parehong mga bata at matatanda, ang hindi pag-inom ng gatas at pagkain ng mga produktong may gatas ang pinakamabuting paraan para maiwasan ang pagkakaroon ng allergic reaction sa gatas. Ang pag-iwas ang pinakamabuting solusyon para labanan ang allergy.
Ngunit maaaring maging mahirap ito dahil gatas ang kadalasang sangkap sa karamihan ng pagkain at inumin. Gayunpaman, may mga kaso kung saan kayang kumain ng gatas ng mga taong may allergy dito sa ilang partikular na anyo.
Halimbawa, maaaring kainin ng ilang tao ang mga processed milk tulad ng yogurt, o heated milk sa mga baked goods.
Pinakamainam na makipag-usap sa medical professional tungkol sa kung anong mga pagkain at inumin ang kailangan iwasan.
Pagbabasa ng mga label sa pagkain
Maaari din makatulong ang pagbabasa ng mga label sa pagkain para maiwasan ang allergic reaction. Hindi palaging nilalagay nang direkta ang gatas. Mag-ingat sa casein, isang derivative ng gatas na nasa mga hindi inaasahang produkto ng pagkain tulad ng sausage o de-latang tuna.
Hindi sinasadyang makain
Kung hindi mo sinasadya na makainom ng gatas o kaya naman ang iyong anak, may mga treatment pa rin na maaaring makuha. Halimbawa, maaaring labanan o mabawasan ang mild allergic reaction sa pag-inom ng antihistamine.
Sa mga bihirang kaso, maaaring magdulot ng anaphylactic shock ang allergic reaction sa gatas kaya kinakailangan na pumunta sa emergency room para kumuha ng epinephrine shot. Maaari kang bigyan ng injectable epinephrine ng doktor kung nanganganib mula sa malalang reaksyon.
Key Takeaways
Matuto pa tungkol sa Allergy dito.