Maraming bawal na pagkain sa may skin asthma ngunit may basehan nga ba?
Malamang na narinig mo na ang kaugnayan sa pagitan ng mabuting kalusugan at kung ano ang iyong kinakain. Alinsunod dito, mahalaga na baguhin mo ang iyong diet kapag may problema sa kalusugan.
Mahigit 80 porsyento ng mga taong may skin asthma ay kaugnay na kondisyon tulad ng eczema, hay fever o allergy sa pagkain. Ang skin asthma ay maaaring magresulta sa mga allergens at iba pang bagay gaya ng sumusunod:
- Pollen
- Buhok ng alagang hayop
- Dust mite
- Pawis
- Stress
- Labis na timbang
- Sabon at detergent
- Alikabok
Maliban dito, mayroong mga pangunahing sanhi na maaaring magpalala sa skin asthma. Ang mga bata ay maaaring makaranas ng mga sintomas ng skin asthma mula sa mga pagkain tulad ng itlog, gatas, wheat at toyo.
Itlog
Ang mga sintomas ng allergy sa itlog ay kadalasang lumalabas pagkatapos kumain ng mga itlog o mga pagkaing naglalaman ng mga itlog. Maaaring mapansin mo ang mga sintomas ilang minuto o hanggang ilang oras pagkatapos makonsumo ito.
Maaaring banayad o maging malubha ang mga sintomas ng allergy gaya ng:
- Pantal sa balat
- Hives
- Pagsisikip ng ilong
- Pagbahin
- Wheezing
- Pagsusuka
- Problema sa pagtunaw ng pagkain
Bihirang magdulot ng anaphylaxis, isang reaksyong nagbabanta sa buhay, ang allergy sa itlog. Maaaring magsimula ang allergy mo sa pagkabata hanggang paglaki. May iba naman na kusang nawawala ang allergy sa itlog.
Gatas ng baka
Ang gatas ng baka ay karaniwang sanhi ng allergy sa mga sanggol at bata kung kaya bawal ito na pagkain sa may skin asthma. Pwedeng mawala ang iyong allergy sa gatas pagtungtong mo sa edad na tatlo hanggang limang taon.
Ito ay isa sa mga pagkaing nagdudulot ng mga malubhang allergic reaksyon gaya ng anaphylaxis. Habang ang gatas ng baka ang nangungunang dahilan ng allergy, maari din namang magkaroon ng allergic reaction sa gatas ng kambing, kalabaw, o ng ibang hayop.
Ang allergy sa gatas ay kadalasang sanhi ng allergy sa gatas ng baka, bagaman ang ilang mga tao ay allergic sa gatas mula sa ibang mga hayop tulad ng kambing, tupa at kalabaw. Ang mga triggers nito ay ang mga protinang whey at casein. Iba ito sa lactose intolerance kung kaya mas mabuting kumunsulta sa doktor upang malaman kung anong klaseng allergy mayroon ka.
Mani
Ang mga bawal na pagkain sa may skin asthma ang nagsisilbing trigger. Kapag natukoy ito ng iyong immune system, ito ay tutugon sa pamamagitan ng paggawa ng mga antibodies. Ito ang nagiging sanhi ng paglabas ng mga kemikal gaya ng histamin na nagdudulot ng sintomas ng allergy.
Kadalasang nakikita agad sa loob ng ilang minuto ang mga sintomas ng allergy sa mani tulad ng:
- Pamumula o pamamaga
- Nangangati ang paligid ng bibig o lalamunan
- Pantal sa balat
Maaaring maging seryoso at magdulot ng banta sa buhay ang allergy sa mani kung ikaw ay may atopic dermatitis.
Huwag hayaang humantong ang allergy sa mas delikadong sitwasyon ang iyong buhay gaya ng anaphylaxis. Kapag nangyari ito, kinakailangan mabigyan agad ng epinephrine ang pasyente at dalhin sa emergency room.
Mga sintomas ng anaphylaxis:
- Paninikip ng mga daanan ng hangin
- Pamamaga ng lalamunan
- Bukol sa iyong lalamunan na nagpapahirap sa paghinga
- Sakit ng tiyan at cramping
- Mabilis na pulso
- Ang pagkabigla, na may matinding pagbaba sa presyon ng dugo
- Pagkahilo o pagkawala ng malay
Bakit dapat iwasan ang mga bawal na pagkain sa may skin asthma?
Bagama’t walang lunas, may mga over-the-counter na cream at mga gamot na makakatulong upang mabawasan ang sintomas ng allergy. Walang diet na nakakapag tanggal 100% ng tsansa ng pagkakaroon ng allergies. Subalit mas mabuting iwasan na lamang ang mga bawal na pagkain sa may skin asthma.