Ayon sa mga mananaliksik, humigit-kumulang 8% ng mga bata at 5% ng mga matatanda sa buong mundo ay may allergy sa pagkain. Habang ang mga allergy na ito ay hindi palaging nagbabanta sa buhay, ang paggawa ng mga hakbang upang mabawasan ang mga epekto o kahit na maiwasan ang isang allergy sa pagkain ay mahalaga. Ang isang paraan upang gawin ito ay sa pamamagitan ng pag-alam at pag-unawa kung ano ang food allergy introduction.
Ano Ang Food Allergy Introduction?
Gaya ng ipinahihiwatig ng pangalan, ang food allergy introduction ay nangyayari kapag sinimulan ng mga magulang na ipakilala ang “allergy foods” sa mga sanggol.
Ang mga naturang allergy foods ay karaniwang mga pagkaing kilala na nagdudulot ng allergic reaction. Kabilang dito ang mga sumusunod:
Kung nag-aalangan ka kung ano ang food allergy introduction at halaga nito, nararapat na maunawaan mo ang layunin nito. Ginagawa ito habang maaga at bata pa lang upang maiwasan ang posibleng food allergy.
Bagaman ito ay kadalasang ginagawa habang bata pa lamang ang mga anak, mayroon mga iba na nasa hustong gulang na sinusubukang gamutin ang kani-kanilang mga allergy at bumuo ng tollerance laban sa mga ito.
Ano Ang Food Allergy Introduction At Bakit Nagkakaroon Ng Allergy Sa Mga Pagkain?
Upang maunawaan kung ano ang food allergy introduction at paano ito nakatutulong, kailangan muna nating maunawaan kung bakit ang mga tao ay may mga allergic reactions.
Ang mga allergy ay tumutukoy sa kung ano ang nangyayari kapag ang katawan ay tumutugon sa isang foreign substance. Sinusubukan ng immune system na “atakihin” ang mga sangkap na sa tingin nito ay nakapipinsala, kahit na hindi naman.
Nagreresulta ito sa mga sintomas na nauugnay sa mga allergy, tulad ng pangangati, pamamaga, pagbahing, o matubig na mga mata. Sa mas malalang kaso, maaari itong mag-trigger ng anaphylaxis, na isang overreaction ng immune system na maaaring maging sanhi ng pagkabigla ng isang tao. Kung kaya, mahalagang laging nagagabayan ka ng iyong kapag sumasailalim sa therapy na ito.
Ano Ang Food Allergy Introduction At Paano Ito Naisasagawa?
Ang pinakamainam na oras upang masimulan ang tinatawag na food allergy introduction ay sa lalong madaling panahon.
Ang nakaraang rekomendasyon ay ang mga sanggol ay dapat na hindi bababa sa 12 buwang gulang bago magsimula ng pagpapakilala sa mga naturang pagkain. Gayunpaman, inirerekomenda na rin ngayon ng mga doktor na i-expose ng mga magulang ang kanilang mga anak sa mga allergy foods kapag sila ay bata pa, mga 6 na buwang gulang pa lamang.
Ito ay dahil sa oras na ang sanggol ay umabot sa 12 buwan, maaari na silang magkaroon ng ilang mga allergy. Sa pamamagitan ng paggawa nito nang mas maaga, mababawasan ng mga magulang ang pagkakataong magkaroon siya ng allergy.
Kapag ang mga ito ay napakilala na, ang katawan ay unti-unting masasanay dito. Sa halip na isipin ng immune system ang mga ito bilang mga banta, tinatrato ito bilang regular na pagkain lamang at hindi mag-trigger ng anumang allergic reaction.
Inirerekomenda din ng mga doktor ang pagpapakain ng iba’t ibang uri ng mga allergy food sa mga sanggol. Hindi lamang ito nakatutulong sa mga sanggol na magkaroon ng tolerance, ngunit maaari rin itong makatulong sa mga magulang kung aling mga pagkain ang maaaring mag-trigger ng allergic reaction sa kanilang mga anak.
Gayunpaman, ang proseso ay hindi kasing simple ng pagpapakain lamang ng mga allergy food sa mga sanggol. Mayroong ilang mga alituntunin na kailangang sundin ng mga magulang pagdating sa kung ano ang food allergy introduction.
Paano Mo Maisasagawa Ang Food Allergy Introduction?
Narito ang ilang mga mahahalagang bagay na dapat tandaan ng mga magulang patungkol sa kung ano ang food allergy introduction:
1. Ipakilala ang mga pagkain sa maliliit na halaga
Ang unang bagay na dapat tandaan pagdating sa pagpapakilala ng allergy food ay ang pagpapakilala ng mga ito sa maliit na halaga.
Huwag subukan pakainin ang iyong anak ng buong pagkain ng mga mani at iba’t ibang allergy food. Sa halip, magdagdag ng kaunting halaga sa kanilang regular na pagkain, at patuloy na dagdagan ito sa paglipas ng panahon.
2. Gawin ito gamit ang isang pagkain kada pagkakataon
Ang isa pang bagay na dapat tandaan kapag nagsisimula ka na ay kailangan mong ipakilala ang mga pagkain nang paisa-isa. Makatutulong ito na mabawasan ang posibilidad ng allergic reaction. Katulad ng nabanggit, mainam din ito sa mga magulang. Kung sakali, malalaman nila ano ang mga partikular na uri ng pagkain na maaaring may allergy ang kanilang anak.
Kapag natiyak mong hindi allergic ang iyong anak, maaari mo itong idagdag sa diyeta niya.
3. Pansinin ang reaction ng iyong anak
Siguraduhing tandaan kung ano ang reaksyon ng iyong sanggol sa allergy food na iyong ipinakilala. Suriin kung mayroon silang anumang pangangati, pamamaga, at anumang ibang mga posibleng allergic reaction. Ipinapaalam nito sa iyo kung ligtas na ipagpatuloy ang pagbibigay sa iyong anak ng pagkain na iyon.
4. Patuloy na pakainin ng allergy food
Panghuli, kapag nakasisiguro ka na walang allergy ang iyong anak sa anumang pagkain, ipagpatuloy ang pagbibigay sa kanila ng mga ito. Nakatutulong ito sa pagbuo ng tolerance at tinitiyak na hindi sila magkakaroon ng allergy sa bandang huli ng buhay.
Key Takeaway
Ang food allergy introduction ay nangyayari kapag pinahintulutan ng mga magulang ang kanilang mga sanggol na kumain ng kaunting mga karaniwang pagkain na nakaka-allergy. Kabilang dito ang mga mani, gatas, mani, at shellfish. Ang pagsasagawa nito nang mas maaga ay maaaring makatulong sa pag-iwas sa mga posibleng allergy sa pagkain kalaunan.
Alamin ang iba pa tungkol sa Mga Food Allergies dito.
Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o gamot.