backup og meta

First aid sa severe allergy attack: Heto ang dapat mong gawin

First aid sa severe allergy attack: Heto ang dapat mong gawin

Ang allergic reaction ay maaring mula sa isang mild attack hanggang sa umabot sa isang potensyal na life-threatening allergy attack. Sa ganitong malalang kaso, mahalagang alam natin kung ano ang gagawing first aid sa severe allergy attack.

Lalong mahalagang malaman ang mga gagawin sa kaso ng isang allergy attack dahil ang impormasyong ito ay maaaring magligtas ng mga buhay.

First Aid sa Allergy Attack: Mga Dapat Malaman

Bago ang lahat, mahalagang manatiling kalmado at huwag mag-panic sa panahon ng emergency. Ang pananatiling kalmado ay makakatulong sa iyo na maalala ang mga bagay na kailangan mong gawin, at sa gayon matutulungan mo ang isang taong nangangailangan sa abot ng iyong kakayahan.

Ngunit paano mo malalaman kung ang isang tao ay may severe allergy attack o anaphylaxis? Narito ang ilang bagay na dapat tandaan:

  • Hirap sa paghinga o pag-ubo
  • Paninikip ng lalamunan
  • Namamaga ang dila
  • Sakit sa tiyan
  • Pagsusuka
  • Nahihilo o malapit nang bumagsak
  • Namumutla
  • Mga pantal o welts sa balat
  • Namamaga ang labi, mukha, at mata

Kung nalaman mo na ang isang tao ay talagang inaatake ng allergy, narito ang kailangan mong gawin: 

Tumawag sa emergency services

Ang unang bagay na kailangan mong gawin ay tumawag sa mga serbisyong pang-emergency. Sa Pilipinas, ang numero para sa mga emergency ay 911. Kung mayroong malapit na ospital at alam mo ang kanilang emergency number, tawagan sila para sa tulong.

Napakahalaga na gawin ito sa lalong madaling panahon, dahil kung mas maagang dumating ang tulong, mas maagang matutulungan ang pasyente.

Pahigain Siya

Susunod, kung ang tao ay may malay, hilingin sa kaniya na humiga, at pagkatapos ay itaas ang kaniyang mga binti. Sa paggawa nito, nababawasan mo ang panganib na makaranas siya ng biglaang pagbaba ng presyon ng dugo, na maaaring maging lubhang mapanganib.

Sa first aid sa severe allergy attack, ang pagtataas ng mga binti ay tinitiyak din na dumadaloy ang dugo sa mahahalagang organ ng katawan.

Kung nagsusuka, itagilid siya

Kung sakaling nagsusuka ang tao, ipihit siya patagilid. Ito ay para hindi mabulunan ng kaniyang suka. Nakakatulong din ito kung ang tao ay may pagdurugo sa bibig.

Magandang ideya din na tiyaking normal ang paghinga niya, at walang nakaharang sa kanyang mga daanan ng hangin.

Gawin ang CPR kung walang senyales ng paghinga

Kung ang tao ay biglang huminto sa paghinga o hindi nagpapakita ng senyales ng paggalaw,  una subukang gawin na gisingin siya at kausapin. Maari ninyong tapikin, o diinan ang gitna ng dibdib niya, o magbigay ng masakit na stimulus tulad ng pagkurot sa daliri upang subukang gisingin siya. Kung sakali hindi parin siya nagigising at humihinga, agad na magsagawa ng CPR para sa first aid sa severe allergy attack.

Narito ang mga hakbang upang maisagawa ang CPR:

  • Buksan ang kanilang bibig at tiyaking walang nakabara sa mga daanan ng hangin.
  • Ilagay ang iyong dalawang kamay sa gitna ng kanilang dibdib, at itulak nang malakas. Dapat gawin ang pag-push sa bilis na halos dalawang beses sa isang segundo. Gawin ito ng humigit-kumulang 30 beses.
  • Pagkatapos, pisilin ang ilong, at huminga sa kanilang bibig nang dalawang beses. Kung sakali hindi mabigyan ng rescue breaths dahil hindi marunong o hindi kayo sigurado sa gagawin, ituloy na lamang ang pagibbigay ng chest compressions hanggang sa dumating ang mga taong medikal.  Huwag kalimutan i-check bawat 3 minuto ng pagbibigay ng chest compressions kung nagigising na siya, o may pulso. 
  • Ulitin ang chest compression at rescue breath hanggang sa matauhan siya o dumating ang tulong.

Bagama’t kahit na ang mga hindi nag-training ay maaaring gawin ang CPR, mabuting mag-undergo ng training kung maaari. Nakakatulong ito na matiyak na talagang alam mo kung ano ang gagawin, at matututunan mo rin kung paano magsagawa ng CPR nang maayos.

Samahan siya hanggang sa dumating ang tulong

Mahalaga rin na manatili kasama ang tao hanggang sa dumating ang tulong. Magandang ideya din na makipag-usap sa mga paramedic, at ipaalam sa kanila kung ano ang sanhi ng allergy, at kung anong oras nagsimula ang severe allergy attack. 

Key Takeaways

Isa sa mga pinakamalaking problema para sa mga taong may allergy sa Pilipinas ay ang kakulangan ng pagkakaroon ng epinephrine auto-injector. Ito ay mga device na ginagamit ng mga taong may allergy kung sakaling sila ay biglang makaranas ng anaphylactic shock.

Lalong mahalaga na magkaroon ng awareness kung paano gagawin ang first aid sa severe allergy attack kung sakaling ang isang tao ay makaranas nito. Hanggang sa maging mas available ang mga auto-injector, nasa atin na gawin ang ating makakaya at tumulong kung sakaling may makaranas ng anaphylactic shock. 

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Allergic reactions emergency first aid – Better Health Channel, https://www.betterhealth.vic.gov.au/health/conditionsandtreatments/allergic-reactions-emergency-first-aid, Accessed February 23, 2021

Anaphylaxis: First aid – Mayo Clinic, https://www.mayoclinic.org/first-aid/first-aid-anaphylaxis/basics/art-20056608, Accessed February 23, 2021

First aid for someone having a severe allergic reaction (anaphylaxis), https://www.redcross.org.uk/first-aid/learn-first-aid/allergic-reaction, Accessed February 23, 2021

Severe Allergic Reaction – Symptoms & Treatment | St John Ambulance, https://www.sja.org.uk/get-advice/first-aid-advice/severe-allergic-reaction/, Accessed February 23, 2021

First Aid for Anaphylaxis – Australasian Society of Clinical Immunology and Allergy (ASCIA), https://www.allergy.org.au/hp/anaphylaxis/first-aid-for-anaphylaxis, Accessed February 23, 2021

St John guide to first aid for allergic reactions, https://www.stjohn.org.nz/first-aid/first-aid-library/allergic-reaction/, Accessed February 23, 2021

Kasalukuyang Version

06/21/2023

Isinulat ni Corazon Marpuri

Narebyung medikal ni Mia Dacumos, MD

In-update ni: Mia Labrador, MD


Mga Kaugnay na Post

Ano ang First Aid Kapag Nakakaranas ng Anaphylaxis

Benepisyo ng Pagkakaroon ng Balbas, Alamin Dito


Narebyung medikal ni

Mia Dacumos, MD

Nephrology · Makati Medical Center


Isinulat ni Corazon Marpuri · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement