Mahalaga ang pagkain para sa ating kalusugan dahil nagbibigay ito ng sustansya at enerhiya na kailangan ng ating katawan para gumana ito nang maayos. Sa katunayan, malaki ang pangangailangan ng ating katawan sa malawak na hanay ng mga sustansya, gaya ng carbohydrates, protina, taba, bitamina, at mineral, para maisakatuparan ang iba’t ibang tungkulin ng ating katawan, tulad ng paglaki, pagkukumpuni, at pagpapanatili ng tissues, at regulasyon ng katawan.
Kaugnay nito, hinihikayat ng mga eksperto at doktor ang wasto, at tamang oras ng pagkain upang makuha ang mga benepisyo sa kalusugan ng pagkonsumo ng masustansyang pagkain.
Kaya naman, para malaman ang tamang oras ng pagkain, patuloy na basahin ang article na ito.
Tamang oras ng pagkain, ayon kay Dr. Ong
Sa isang vlog ni Dr. Willie Ong na pinamagatang “Tamang Oras Ng Pagkain, May Epekto Sa Kalusugan”, tinalakay niya kahalagahan ng timing ng pagkain at mga epekto nito sa ating kalusugan. Kung saan maraming pag-aaral ang nagmungkahi na ang timing at dalas ng ating mga pagkain ay maaaring makaapekto sa ating metabolismo, timbang, at pangkalahatang kalusugan.
Batay rin sa pahayag ni Dr. Ong may ideal time tayo na pwedeng sundin para sa pagkonsumo ng pagkain — at narito ang mga sumusunod:
Breakfast
Ideal time: 7-8 am
Don’t have it later than: 10 am
Must remember: Eat within 30 mins of waking up
Lunch
Ideal time: 12:30-2 pm
Don’t have it later than 4 pm
Must remember: An ideal time gap between breakfast and lunch is 4 hours
Dinner
Ideal time: 6-9 pm
Don’t have it later than: 10 pm
Must remember: The meal should be at least 3 hours before you sleep
Epekto ng angkop at hindi tamang oras na pagkain
Ang hindi pagsunod sa proper meal time, o pag-skip sa pagkain, at hindi regular na pagkain ay maaaring maging sanhi ng mga pagbabago sa ating blood sugar, na humahantong sa pagkapagod, pagkamayamutin, at iba pang mga problema sa kalusugan. Ang pagkain nang hatinggabi ay maaari ring makagambala rin sa ating circadian rhythm, na maaaring makaapekto sa kalidad ng ating pagtulog at metabolismo.
Gayunpaman, kung regular ang iyong pagkain at naaangkop ang oras ng iyong pagkonsumo ng pagkain, malaki ang maitutulong nito sa pag-regulate ng ating blood sugar level, mapabuti ang ating panunaw, at mapaunlad ang ating overall health. Sa katunayan, karaniwang inirerekumenda na kumain at magkaroon ang isang tao ng isang balanseng diyeta na kinabibilangan ng iba’t ibang mga pagkaing masustansya.
Narito pa ang ilang benepisyo ng pagkain sa tamang oras:
- Tumutulong sa pag-regulate ng gana sa pagkain
Ang pagkain sa mga regular na pagitan ay nakakatulong na makontrol ang ating appetite at maiwasan ang sobrang pagkain o kulang sa pagkain. Dahil kapag nalaktawan natin ang ating pagkain o hindi tayo regular na kumakain, maaaring malito ang ating katawan kung kailan ito makakatanggap ng susunod na pagkain, na humahantong sa pananabik at sobrang pagkain.
- Pinapanatili ang ating energy level
Tandaan mo na ang ating katawan ay nangangailangan ng tuluy-tuloy na suplay ng mga sustansya para gumana ng maayos, at mapanatili ang mga antas ng enerhiya sa buong araw. Kaya’t ang pagkonsumo ng mga pagkain sa mga regular na pagitan ay nakakatulong na masigurado na ang ating katawan ay may tuluy-tuloy na suplay ng enerhiya at nutrients.
- Napapabuti ang ating panunaw
Ang pagkain sa mga regular na pagitan ay maaari ring mapabuti ang panunaw. Dahil nagagawa ng ating katawan ang mga kinakailangang enzyme at digestive juice kapag alam nitong dumarating ang pagkain nang regular.
- Pinapahusay ang metabolism
Huwag mong kakalimutan na ang regular na pagkain ay maaaring makatulong na mapabuti ang ating metabolismo, dahil ang ating katawan ay nagiging mas mahusay sa pagproseso at paggamit ng mga sustansya mula sa pagkain na ating kinakain.
- Sinusuportahan ang pamamahala ng timbang
Ang pagpapanatili ng isang regular na iskedyul ng pagkain ay maaari ring makatulong sa pamamahala ng timbang. Bukod pa rito, ipinakita ng maraming pag-aaral na ang mga taong kumakain sa mga regular na pagitan ay mas malamang na mapanatili ang isang malusog na timbang.
Paalala ni Dr. Willie Ong sa pagkakaroon ng mabuting kalusugan
Binigyang-diin ni Dr. Ong na ang pagkain sa hindi regular na oras o pag-skip sa pagkonsumo ng pagkain ay maaaring magkaroon ng negatibong epekto sa katawan tulad ng hindi pagkatunaw ng pagkain o indigestion, pagtaas ng timbang, at pagkakaroon ng sakit sa puso.
Kaya naman inirerekomenda niya na kumain dapat tayo sa tamang oras, at iwasan ang pagkonsumo ng mabibigat na pagkain bago ang oras ng pagtulog. Pinapayuhan din niya na iwasan ang pag-skip sa proper meal time, at nagmungkahi siya na kumain ng mas maliit, ngunit mas madalas na pagkain sa buong araw para mapanatili ang isang matatag na blood sugar level.
Bukod pa rito, binibigyang-diin din niya ang kahalagahan ng pag-inom ng maraming tubig, pag-iwas sa mga inuming matamis, at pagsama ng mga prutas at gulay sa diyeta ng isang tao. Hinihikayat din niya ang mga tao na makinig sa kanilang katawan at bigyang-pansin ang mga pakiramdam ng kagutuman at pagkabusog.
[embed-health-tool-bmi]