Isa ang taho sa pinakakilalang pagkaing Pinoy na naging bahagi ng ating kultura dahil sa masarap na lasa nito. Hindi rin maitatanggi na maraming Pilipino ang gustong-gusto na kainin ito sa oras ng almusal dahil sa malambot nitong texture. Ang taho ay binubuo ng mga pinahalo-halong mapuputing taho o malalambot na tokwa na pwede mong haluan ng matamis na arnibal at sago. Dagdag pa rito, sa ilang mga lugar sa Pilipinas gaya ng Baguio madalas na hinahaluan pa ito ng mga manlalako ng taho ng strawberry upang mas maging masarap ang lasa nito.
Halos alam ng lahat na masarap ang lasa ng taho, pero hindi lahat ay may kamalayan tungkol sa mga benepisyo ng taho sa kalusugan. Kaya naman gumawa kami ng isang maikling listahan ng taho benefits na dapat mong malaman.
Narito ang mga sumusunod:
Taho Benefits #1: Napapababa Nito Ang Risk Ng Pagkakaroon Ng Breast Cancer At Heart Disease
Ang taho ay binubuo ng tofu na nagtataglay rin ng mga proteksyon lumalaban sa sakit sa puso at kanser gaya ng soya beans. Bukod pa rito, may antioxidant at anti-inflammatory ang tofu na tumutulong sa pagprotekta sa blood vessels mula sa oxidative at inflammatory damage.
Taho Benefits #2 Napapababa Nito Ang Kolesterol Sa Katawan
Ang soy isoflavones na makikita sa taho ay nakakatulong sa pagpapababa ng bad cholesterol o LDL ng isang tao. Kung saan nagiging tulay ito para maiwasan ang sobrang katabaan.
[embed-health-tool-bmi]
Taho Benefits #3 Napapababa Ang Risk Ng Osteoporosis
Tandaan na ang taglay na soy isoflavones ng taho ay tumutulong din sa pagpapababa ng bone loss at napapataas nito ang density ng bone minerals.
Taho Benefits #4 Nakakatulong Sa Pag-Iwas Sa Type 2 Diabetes
Ang 200 grams per day ng total intake ng soy ay nauugnay sa pagpapababa ng risk ng type 2 diabetes. Ayon sa mga pag-aaral, ang soy foods ay nakitang may kakayahan na bawasan ang insulin resistance sa pamamagitan ng pagpapataas ng synthesis ng insulin receptors.
Taho Benefits #5 Nakakatulong Sa Paglilinis Ng Atay
Lumabas sa ilang mga pag-aaral na ang mga sustansyang nakukuha sa pagkain ng taho ay nakakatulong sa paglilinis ng ating atay na sinisira ng free radicals.
Taho Benefits #6 Nababawasan Ang Risk Sa Pagkakaroon Ng Sakit Sa Utak o Memory Loss
Ayon sa ilang mga pag-aaral at artikulo ang mga taong regular na pagkonsumo ng mga produktong gawa sa soya gaya ng taho ay nagkakaroon ng mas maliit na posibilidad sa pagkakaroon ng sakit sa utak na may kaugnayan sa ating pagtanda, tulad ng pagiging makalimutin ng isang tao.
Bakit Naging Malusog Sa Kalusugan Ang Taho?
Ang taho ay nagtataglay ng soya na mayaman sa mga sumusunod:
- Calcium
- Protina
- Iron
- Vitamin A, B1 at B4
- Phosphorus
- Potassium
- Manganese
- Magnesium
- Selenium
- Zinc
Ang mga nabanggit na taglay ng taho ay mabuti para sa ating overall health upang mas maging malusog at malakas tayo. Dagdag pa rito, ang arnibal na nilalagay rin sa taho ay pwedeng pagkunan ng calories na kailangan ng ating katawan para sa enerhiya.
Key Takeaways
Kahit na napakaganda ng mga benepisyo ng taho sa ating kalusugan, tandaan mo na hindi pa rin 100% na aprubado ng Department of Health (DOH) ang pagbili ng taho ng basta-basta sa mga nagtitinda nito. Ipinapayo na lagi munang tingnan at suriing mabuti kung malinis ba ang taho na binibili at maayos ang paraan ng pagbuo dito. Huwag mo ring kakalimutan na ang sobrang paglalagay ng arnibal sa taho ay pwedeng makasama sa mga taong may diabetes. Bahagi ng kultura ng Pilipino ang pagkain ng taho sa kanilang pang-araw-araw na pamumuhay, kung saan itinuturing na rin ito bilang isang “comfort food” ng mga Pinoy. Sa pagkain ng taho dapat maging maingat pa rin tayo sa dami ng arnibal na nais natin ipalagay sa ating pagkain upang maiwasan ang sobrang intake ng sugar na pwedeng makasama sa ating kalusugan.
Matuto pa tungkol sa Masustansiyang Pagkain dito.