backup og meta

Para Saan Ang Creatine Supplement? Heto Ang Dapat Mong Malaman

Para Saan Ang Creatine Supplement? Heto Ang Dapat Mong Malaman

Para saan ang creatine supplement kung maaari ding gumawa ang atay, pancreas at kidney ng humigit-kumulang isang gramo ng creatine bawat araw. Maaari din itong makuha sa mga pagkain tulad ng seafood at pulang karne. Humigit-kumulang kalahati ng supply na creatinine ng katawan ay nagmumula sa isang carnivorous diet.Ang creatine ay isang amino acid na kadalasang matatagpuan sa mga kalamnan ng iyong katawan pati na rin sa utak. Nag-iimbak ng creatine ang katawan bilang phosphocreatine pangunahin sa iyong mga kalamnan, kung saan ito ay ginagamit para sa enerhiya. Humigit-kumulang 95 porsyento ng creatine ay naka-imbak sa skeletal muscle ng iyong katawan at ginagamit sa panahon ng pisikal na aktibidad. Tumutulong ito na mapanatili ang tuloy-tuloy na supply ng enerhiya sa gumaganang mga kalamnan.

Bakit umiinom ng creatine supplement

Pampalakas 

Karamihan sa atleta ay umiinom ng creatinine supplement upang mapataas ang lakas at mapabuti ang pagganap. Ang mga suplemento ay medyo ligtas sa mga malulusog na tao.

Maaaring magkaroon ang isang atleta ng higit pang kakayahan at lakas dahil sa creatine supplement. Kung kaya kadalasang ginagamit ng mga atleta ang creatine supplement  sangkot sa mga aktibidad na may mataas na intensidad. Lumilikha ang creatine ng quick burst na enerhiya at tumaas na lakas na nagpapabuti sa pagganap. Subali, may maliit na epekto lamang ito sa aerobic endurance. 

Ang creatine ay nagsisilbing substrate ng enerhiya para sa pag-contract ng skeletal muscle. Intensyon nito na pataasin ang mga antas ng resting phosphocreatine sa mga kalamnan, pati na rin ang libreng creatine. Ang layunin nito ay ipagpaliban ang pagkapagod, kahit na panandalian, para sa mas mabuting resulta sa sports.

Para saan ang creatine supplement: Pag-iwas sa pinsala

Maaaring bawasan ng oral creatine ang dalas ng dehydration, pag-cramp ng kalamnan, at mga pinsala sa mga kalamnan, buto, ligaments, tendon at nerves. Pagdating sa pagbawi mula sa mga pinsala, ang creatine supplementation ay maaaring makabawas ng pagkawala ng muscle mass at lakas kapag matagal itong hindi ginagamit. Dahil dito, kung ang isang atleta ay dumanas ng pinsala, ang creatine supplementation ay maaaring isang kapaki-pakinabang na interbensyon. Maaaring mapadali ng creatine ang iyong pag galing sa pamamagitan ng pagbawas sa dami ng kalamnan na nawala kaagad pagkatapos ng isang pinsala. Makakatulong ito sa iyo na mabawi ang kalamnan nang mas mabilis kapag bumalik ka sa pagsasanay.

Para saan ang creatine supplement: Kalusugan ng utak

Maaaring mapabuti ng creatine supplement ang pagganap sa mga cognitive na gawain lalo na sa mas matatanda. May potensyal ang paggamit ng creatine supplement upang mapabuti ang cognitive processing, lalo na sa mga kondisyong nailalarawan ng mga kakulangan ng creatine sa utak na maaaring sanhi ng 

  • Acute stressors tulad ng ehersisyo o kakulangan sa tulog
  • Chronic o pathologic conditions tulad ng creatine synthesis enzyme deficiencies

Napatunayan na ang mas mataas na antas ng resting creatine ay may potensyal na magpahusay ng pagganap sa mga cognitive na gawain tulad ng recognition memory. Ang maagang katibayan ng potensyal na bisa ng creatine bilang isang antidepressant ay lumitaw sa panahon ng isang randomized na klinikal na pagsubok para sa Parkinson disease.Naiugnay ng pag-aaral ang epekto ng creatine sa pagbabawas ng sintomas ng depresyon sa ga pasyente pagkatapos ng dalawang taong gamutan. May antioxidant properties din ang creatine na nagbabawas ng mental fatigue, nagpoprotekta sa utak mula sa neurotoxicity, at nagpapabuti ng mga sintomas ng neurological disorder tulad ng depression at bipolar disorder.

Para saan ang creatine supplement: Pampaganda ng balat

Natuklasan ng pananaliksik na ang regular na pagpapahid sa mukha ng cream, na nagtataglay ng creatine at iba pang mga sangkap, ay maaaring magbawas ng laylay na balat at wrinkles sa mga lalaki. May isa pang pag-aaral ay nagpapahiwatig na ang isang cream na naglalaman ng creatine at folic acid ay nagpapabuti sa pinsala sa araw at nagbabawas ng mga wrinkles. Ang paglalagay ng creatine sa isang cream o lotion sa mukha ay nakakatulong upang mapalakas ang pagpapalit at pag-aayos ng cell ng balat. Tumutulong ito na labanan ang mga senyales ng pagtanda at mabawasan ang mga pinong linya at kulubot.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

 

Creatinine and creatinine supplements

https://my.clevelandclinic.org/health/articles/17674-creatine-and-creatine-supplements#:~:text=Creatine%20supplies%20energy%20to%20your,relatively%20safe%20in%20healthy%20people

Creatinine

https://www.mayoclinic.org/drugs-supplements-creatine/art-20347591#:~:text=Your%20body%20stores%20creatine%20as,performance%20and%20increase%20muscle%20mass.

Creatinine, uses side effects and more

https://www.webmd.com/vitamins/ai/ingredientmono-873/creatine#:~:text=When%20taken%20by%20mouth%3A%20Creatine,have%20also%20been%20safely%20used.

Creatinine

https://www.mountsinai.org/health-library/supplement/creatine#:~:text=Creatine%20appears%20to%20be%20generally,from%20making%20its%20own%20creatine.

Everything you need to know about creatinine

https://www.healthline.com/nutrition/what-is-creatine

Kasalukuyang Version

08/08/2023

Isinulat ni Lovely Carillo

Sinuri ang mga impormasyon ni Jan Alwyn Batara

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Ang Mga mas Magandang Inumin Kapalit sa Energy Drink

Lift Me Up: Benepisyo ng BCAAs sa Muscles


Sinuri ang mga impormasyon ni

Jan Alwyn Batara


Isinulat ni Lovely Carillo · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement