Maraming tao ang bumibili nito ngunit hindi nila lubos na alam kung ano ang benepisyo ng protein shake. Ang protein shake ay isang madaling paraan upang madagdagan ang pagkonsumo ng protina. Ito ay maaaring maging kapaki-pakinabang para sa mga taong gustong magdagdag ng kalamnan, magbawas ng timbang, o makabawi sa pinsala. Ang protina ay perpekto para sa pagkukumpuni at paglaki ng iyong mga kalamnan. Kaya’t kung nakatuon ka sa pagbuo ng kalamnan o pagbaba ng timbang, ang protein shake ay maaaring maging diet supplement.
Nag-iiba-iba batay sa iyong mga layunin ang dami ng protina na kailangan mong ubusin. Ang inirerekomendang pang-araw-araw na konsumo ay 0.8 gramo bawat kilo ng timbang ng katawan o humigit-kumulang 20 gramo bawat pagkain. Kung nais mong bumuo ng kalamnan maaaring kailanganin mong pataasin ang halagang iyon ng halos doble.
Ano ang benepisyo ng protein shakes at sangkap nito
Ang protein shake ay isang dietary supplement. Karaniwan, ito ay binubuo ng:
- Protein powder
- Vitamins
- Branched-chain amino acids
Protein powder
Isang mahalagang macronutrient ang protina na tumutulong sa pagbuo ng kalamnan, pag-aayos ng tissue, at paggawa ng mga enzyme at hormones.. Ang paggamit ng protein powder ay maaari ring makatulong sa pagbaba ng timbang at tulungan ang mga tao na palakasin ang kanilang mga kalamnan.
Mayroong iba’t ibang uri ng protein powder, kabilang ang mga pulbos na batay sa gatas at mga pulbos na nakabatay sa halaman. Ang protein powders ay pinulbos na protina galing sa:
1.Tanim
- Soybeans
- Peas
- Rice
- Potatoes
- Hemp
2 .Itlog
3.Gatas
- Casein
- Whey protein
Protein powder at asukal
Maaaring mabawasan ang kung ano ang benepisyo ng protein shake dahil sa iba pa nitong taglay na sangkap. May mga protein shake na maaaring mataas sa mga idinagdag na asukal at calories. Ang ilang mga protein shakes ay may kaunting idinagdag na asukal, at ang iba ay may hanggang 23 gramo bawat scoop. Kapag hinalo sa gatas at ginawang inumin, ang isang baso ay may higit sa 1,200 calories. Ang panganib na maaaring dulot nito ay ang pagtaas ng timbang at hindi malusog na pagtaas ng asukal sa dugo. Inirerekomenda ng American Heart Association ang limitasyon ng 24 gramo ng idinagdag na asukal bawat araw para sa mga babae at 36 gramo para sa mga lalaki.
Ano ang benepisyo ng protein shake
Weight loss
Ang pagkonsumo ng protein shake sa halip na regular na pagkain ay maaaring makatulong sa iyo na mapababa ang iyong pang-araw-araw na calorie intake. Ngunit pagdating ng panahon ay kakailanganin mong magsimulang kumain muli ng solidong pagkain. Maaaring maging sanhi ito ng pagbabalik ng labis na timbang kung hindi ka mamimili ng pagkain.
At kung masyado kang umaasa sa mga protein shake upang palitan ang mga pang-araw-araw na pagkain, mapapalampas mo ang mga malusog na benepisyo ng buong pagkain. Dahil ang protina ay may calories, ang labis na pagkonsumo nito ay maaaring magresulta sa pagtaas ng timbang. Maaaring mangyari ito kung umiinom ka ng protein shake kasama ng iyong karaniwang diyeta at hindi ka nag-eehersisyo.
Muscle growth
Ang paglaki ng kalamnan ay isa sa kung ano ang benepisyo ng protein shake. Maraming mga atleta at mga taong mahilig sa gym ang kumakain ng protein shake dahil naniniwala sila na ang mga inuming ito ay makakatulong sa kanilang magpalaki ng kalamnan pagkatapos ng muscle training.
May pag-aaral noong 2018 na sumusuporta sa paggamit ng protein shake bilang supplement para sa layuning ito. Iminungkahi ng pananaliksik na ang mga protein supplement ay makabuluhang nagpapabuti sa laki at lakas ng kalamnan sa mga malulusog na tao na nagsasagawa ng resistance exercise training. Ang protein supplements ay pantay na epektibo sa mga kalalakihan at kababaihan.
Gayunpaman, ang pagiging epektibo ay maaaring bumaba sa edad. Ito ay dahil sa katotohanan na ang mga matatanda ay may mas mataas na pangangailangan sa protina kaysa sa mga mas bata. Napansin din ng mga mananaliksik na kapag ang protina ay lumampas sa 1.6 gramo bawat kilo ng timbang ng katawan, ang mga kalahok ay hindi nakaranas ng anumang karagdagang mga benepisyo.
[embed-health-tool-bmr]