backup og meta

Soft Drinks Addiction: Ano ang mga senyales at paano ito maiiwasan?

Soft Drinks Addiction: Ano ang mga senyales at paano ito maiiwasan?

Kilala ang softdrinks bilang sikat na inumin sa buong mundo. Ngunit, paano na lamang kung nagkaroon ng softdrink addiction ang isang bata? Bilang magulang, ano ang iyong gagawin para matulungan ang iyong anak?

Ang ganitong mga tanong ay nangangailangan ng agarang kasagutan. Dahil kapag hindi naagapan ang adiksyon ng isang tao sa softdrinks. Pwede itong mauwi sa iba’t ibang malalang kondisyon. Kadalasan, ang pagkakaroon ng mga kondisyong kaugnay sa adiksyon ng pag-inom ng softdrinks ay nauuwi sa kamatayan. 

Basahin ang artikulong ito para malaman ang mga senyales ng soda addiction at kung paano ito maiiwasan.

Bakit nagkakaroon ng adiksyon sa softdrinks?

Marami ang nahihilig sa pag-inom ng softdrinks dahil sa “refreshing” at “rewarding feeling” na nararamdaman sa tuwing umiinom nito. Mas evident pa ang ganitong pakiramdam, lalo na kung ang softdrinks ay malamig habang iniinom. 

“The more soda you drink, the bigger the ‘reward,’ and as would happen with most pleasurable things, we develop an affinity and want even more of them,” pahayag ni Cordialis Msora-Kasago, isang registered dietitian nutritionist at spokesperson for the Academy of Nutrition and Dietetics.

Ang “carbonation” ng soft drink, ang isa sa dahilan kung bakit mas addictive ito, kumpara sa ibang inumin. Idagdag pa, ang mga bulang nagagawa ng softdrinks na nagtataglay ng matamis na lasa. Dahilan para hanap-hanapin ito at mas mag-crave pa sa pag-inom nito.

Narito pa ang mga sumusunod na dahilan sa softdrink addiction:

  • Sugar Factor. Kilala rin ang soda sa pagkakaroon ng asukal sa inumin. Ang satisfaction sa pagnanais ng mas maraming sugar ay maaaring humantong sa mas malaking cravings.
  • Caffeine Kick. Nagtataglay rin ang soda ng caffeine. Kung saan, isa itong stimulant — sanhi para mas mag-crave pa. Mayroon din itong abilidad para i-activate ang “reward pathways” na involve ang dopamine.
  • Lifestyle Habit. Ito ang mga gawain na may kaugnayan kung bakit ka umiinom ng soda. Hal: ang pagkain ng tanghalian — kung saan, pakiramdam mo na kulang ang iyong tanghalian kapag hindi nakainom ng soda.
  • Personal preference. Maaaring mas gusto mo ang fizzy at tangy taste ng softdrinks. Kaya mas madalas na piliin ito, kumpara sa tubig at iba pang inumin.

Ano ang softdrink addiction?

Ayon sa mga eksperto, ang adiksyon ay isang mental at physiological disorder. Ito ang patuloy na paggawa o paggamit ng isang bagay (substance), kahit masama na para sa’yo. Gayunpaman, ang soft drink addiction ay “walang opisyal na depinisyon”. Sa ngayon, wala pang sapat na ebidensya na nagsasabi na isa itong “true disorder”. Subalit, ayon kay Marney White, isang clinical psychologist, ang adiksyon sa softdrinks ay ang labis na pagnanais na mag-consume ng maraming amount ng soda.

Sa madaling sabi, ito ang pagkakaroon ng “dependence” sa softdrinks at kawalan ng kakayahan na tigilan ang pag-inom nito — o gawing moderate ang pag-intake. Kahit nakakaranas na mga masasamang epekto.

Ano ang mga senyales ng soda addiction?

Ang signs at symptoms ng adiksyon sa soda ay maaaring maging katulad ng ilang sintomas ng alcohol o drug addiction, ayon kay Dr. Marney White. Narito ang mga sumusunod:

  • Cravings. Ito ang pagtuloy na kagustuhan at hindi mapigalang pag-inom ng softdrinks.
  • Kawalan ng kontrol. Mapapansin mong mas malalaking amount ang naiinom kaysa sa orihinal na planong dami ng pag-inom ng soda.
  • Tolerance. Pwedeng madebelop ang tolerance sa softdrinks na maaaring maging dahilan ng pagnanais na uminom pa ng marami. Kadalasan, ito ay ginagawa para ma-achieve ang “desired effect”.
  • Withdrawal. Maaaring makaranas ng withdrawal symptoms, gaya ng pagiging iritable at difficulty sa pag-concentrate. Mapapansin din ang mga physical symptom, tulad ng sakit ng ulo at tremors. Nagaganap ang mga sumusunod na sintomas na ito kapag hindi na-satisfy ang cravings sa softdrinks.

Mga komplikasyon na dala ng adiksyon sa softdrinks

Kung ang soda cravings ay humantong sa “depency”, maaaring sundan ito ng mental at physical health issues. Narito ang mga sumusunod:

  • Hindi inaasahang pagtaas ng timbang
  • Kidney stones
  • Diabetes
  • Fatty liver disease
  • Dental issues, tulad ng pagkabulok ng ngipin
  • Paghina ng mga buto
  • Sakit sa puso
  • Depresyon
  • Gastrointestinal issues
  • Eating disorder
  • Mataas na presyon ng dugo
  • Pagkakaroon ng high cholesterol
  • Metabolic syndrome
  • Stroke

Paano maiiwasan ang softdrink addiction?

Mahalaga na maiwasan ang sobrang pag-inom ng soda, dahil sa mga nabanggit na komplikasyon sa kalusugan na pwedeng maranasan. Narito ang mga sumusunod na pamamaraan upang maiwasan ang soft drink addiction:

  • Pagsasagawa ng healthier alternatives. Maaaring subukan ang “unsweetened options” na mga inumin. Makakatulong ito para mapawi ang pagkauhaw at mas maging malusog.
  • Pag-inom ng tubig. Sa tuwing iinom ng soda, uminom din ng tubig. Magandang paraan ito, para makaramdam ng pagkabusog — at hindi na mag-take pa ng mas maraming softdrinks.
  • Huwag itong gamitin sa “reward system”. Maiiwasan nito ang pag-trigger ng dependency sa soda.
  • Paglimita sa pag-inom ng softdrinks. Magkaroon ng limitasyon sa sarili kung gaano lang karami ang dapat na inumin. Mainam ito para maiwasan ang adiksyon sa soda.

May Treatment ba para sa softdrink addiction?

Walang formal treatment ang soda addiction, dahil hindi pa ito “disorder”. Ngunit, ang taong nakakaranas ng food addictions ay pwedeng tumugon nang maayos sa Cognitive Behavioral Therapy o CBT.

Key Takeaways

Walang orihinal na depinisyon ang adiksyon sa softdrinks, dahil hindi pa ito kinikilala bilang disorder. Subalit, ang sobrang pag-inom ng soda ay pwedeng humantong sa iba’t ibang sakit at komplikasyon — mental man o pisikal. Maraming factor kung bakit nasosobrahan ang tao sa pag-inom nito. Ngunit, may mga paraan pa rin na maaaring subukan upang malabanan ang adiksyon sa pag-inom ng soda.

[embed-health-tool-bmi]

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Effects of Excessive Dietary Phosphorus Intake on Bone Health

https://pubmed.ncbi.nlm.nih.gov/28840444/ Accessed May 16, 2022

Definition of Substance and Non-substance Addiction https://pubmed.ncbi.nlm.nih.gov/29098666/ Accessed May 16, 202

Beverages, carbonated, cola, regular https://fdc.nal.usda.gov/fdc-app.html#/food-details/174852/nutrients Accessed May 16, 2022

Assessing the Effect of Low Calorie Soda Beverages on Primary Tooth Enamel: An In Vitro Study https://pubmed.ncbi.nlm.nih.gov/31034345/ Accessed May 16, 2022

Estimating a Dynamic Effect of Soda Intake on Pediatric Dental Caries Using Targeted Maximum Likelihood Estimation Method

https://pubmed.ncbi.nlm.nih.gov/30889593/ Accessed May 16, 2022

Associations of sugar – and artificially sweetened soda with nonalcoholic fatty liver disease: a systematic review and meta – analysis https://pubmed.ncbi.nlm.nih.gov/26385233/ Accessed May 16, 2022

Why soda is so addictive – and some good alternative beverages

https://edition.cnn.com/2019/10/28/health/soda-soft-drinks-addictive-drayer-food-wellness/index.html Accessed May 16, 2022

 

Kasalukuyang Version

06/02/2022

Isinulat ni Lornalyn Austria

Narebyu ng Eksperto Dexter Macalintal, MD

In-update ni: Dexter Macalintal, MD


Mga Kaugnay na Post

Paano Makontrol Ang Cravings Kapag Umatake Ito

7 Pagkain Na May Vitamins Na Pampalakas Ng Baga


Narebyu ng Eksperto

Dexter Macalintal, MD

Internal or General Medicine


Isinulat ni Lornalyn Austria · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement