Kung wala kang sapat na thiamine (bitamina B1), maaari kang magkaroon ng disorder na tinatawag na beriberi. Ito ay seryosong kondisyon, at sa mga malalang kaso, maaari itong humantong sa pinsala sa nervous system at puso. Mayroong dalawang pangunahing uri ng beriberi: wet beriberi at dry beriberi. Bagaman ang wet beriberi ay pangunahing nakaaapekto sa cardiovascular system, ang dry beriberi ay pangunahing nakaaapekto sa nervous system. Ang mga sintomas ng beriberi ay iba-iba depende sa uri na mayroon ka.
Ang mga taong nag-aabuso ng alak at ang mga diet na mayroong refined na puting kanin ay mas maaaring makaranas ng beriberi. Maaari ding maipasa ng mga nanay na hindi nakakukuha ng sapat na thiamine ang beriberi sa kanilang pinasususong anak.
Sa mga bihirang kaso, ang beriberi ay maaaring namamana. Ang kondisyon na ito ay maaaring maipasa mula sa henerasyon papunta sa panibago pang henerasyon at makararanas ang mga may beriberi nang kawalan ng kakayahan na maka-absorb ng thiamine sa kanilang pagkain. Kung nangyari ito, ang beriberi ay karaniwang nawawaglit ng mga healthcare providers dahil ang beriberi ay hindi normal na nangyayari sa mga taong hindi alcoholics.
Senyales at Sintomas
Sintomas ng Beriberi
Ang sintomas ng beriberi ay nakadepende sa uri ng beriberi na nakaaapekto sa tao — “wet” o “dry.” Ngunit kahit na anong uri ito, ang beriberi ay seryosong kondisyon at kinakailangan ng agarang medikal na atensyon kung napansin ang mga sintomas.
Ang sintomas ng wet beriberi ay kabilang ang:
- Problema sa paghinga
- Pagtaas ng heart rate
- Pamamaga ng hita (posible na sanhi ng limp)
- Mataas kaysa sa normal na temperatura
Ang sintomas ng dry beriberi ay kabilang ang:
- Hirap sa paglalakad
- Hirap na maramdaman ang mga daliri sa kamay at paa
- Paralisadong hita
- Confused na mental na estado
- Hirap sa pagsasalita
- Sakit sa katawan
- Pagsusuka
Ibang sintomas ng beriberi ay kabilang ang:
- Paglalakad sa hindi siguradong paraan
- Tingling o hapdi sa limbs
- Pamamaga ng paa
- Hirap na makaalala ng mga bagay
- Abnormal na galaw ng mata
- Lumulutang na talukap
- Panginginig
- Kawalan ng malay
Mga Banta at Komplikasyon
Mga banta
Ang sintomas ng beriberi sa mga matanda ay karaniwang nagkakaroon sa mga taong umiinom ng sobrang alak o mayroong diet na walang sapat na thiamine. Sa ibang mga kaso, ito rin ay namamana. Ang mga banta ng pagkakaroon ng beriberi ay:
- Pag-inom ng sobrang alak
- Dialysis treatment
- Diet na walang sapat na thiamine
- Labis na paggamit ng diuretics
- Pagkakaroon ng kamag-anak na may history ng beriberi
Maaaring maapektuhan din ng beriberi ang mga tao na:
- Mga taong lagpas ng 60 taong gulang
- Pasyente na may diabetes
- Positibo sa HIV na mga indibidwal
- Mga taong sumailalim sa bariatric surgery (pagbawas ng timbang)
Mga Komplikasyon
Sa paglunas ng sintomas ng beriberi, ang mga pasyente ay karaniwang mabilis na gumagaling. Ngunit kung iiwanang hindi nalulunasan, ang beriberi ay nakamamatay na sakit. Ang mga komplikasyon ng beriberi ay kabilang ang:
- Heart failure
- Seryosong mental na problema (delirium)
- Kawalan ng ulirat sa realidad (psychosis)
- Paralisadong limb
- Fatigue at panghihina na sanhi ng labis na sakit (cachexia)
Ang mga pinsala na nangyayari sa puso ay karaniwang maibabalik. Gayunpaman, kung ang isang tao ay nakaranas ng acute heart failure, ang treatment ay maaaring hindi epektibo.
Kung maagang napag-alaman, ang pinsala sa nervous system ay maaaring maibalik. Ngunit kung hindi malulunasan, ang ilang sintomas ng beriberi (hal. pagkawala ng memorya) ay maaaring magpatuloy.
Sanhi
Ano ang Sanhi ng Kakulangan sa Thiamine?
Ang kawalan ng bitamina B1 (thiamine) sa katawan ay ang sanhi ng beriberi. Ang kawalan ng thiamine ay karaniwang resulta ng labis na pagkonsumo ng alak, dahil ang alak ay nakasasagal sa absorption ng thiamine sa kawalan. Narito ang ilang mga sanhi ng kakulangan sa thiamine:
- Ang nanay na walang sapat na thiamine sa kanyang diet o ang sanggol na pinaiinom sa formula na hindi naglalaman ng thiamine ay maaaring magkaroon ng beriberi.
- Mayroon ding posibilidad ng pagkakaroon ng beriberi sa mga taong may isda sa kanilang diet na nagpo-produce ng enzyme na hindi aktibo ang thiamine.
- Maaaring namamana ang beriberi. Ang mga taong namana ang beriberi ay nawalan ng kakayahan na ma-absorb ang thiamine mula sa pagkain kinalaunan.
- Ang mga pasyente na nagdi-dialysis at ang mga taong kumokonsumo ng mataas ng dosage ng diuretics ay may banta rin ng pagkakaroon ng beriberi dahil ang mga ito ay maaaring maging sanhi ng kakulangan ng thiamine.
Lunas at Pag-iwas
Lunas
Ang lunas sa beriberi ay may layuning magbigay sa iyong katawan ng thiamine na nawawala at magbawas ng sintomas ng beriberi.
Ang una sa linya ng lunas para sa beriberi ay thiamine supplements. Pinatunayan ng supplements na epektibo ito sa paglunas ng beriberi.
Ang mga pasyenteng may malalang kaso ng beriberi ay kinakailangan ng intravenous thiamine. Magsasagawa ng blood test kada linggo upang matukoy kung ang kanilang katawan ay nag-a-absorb ng bitamina.
Ang ibang mga uri ng bitamina ay maaaring irekomenda ng iyong healthcare provider.
Posible bang ulitin ang blood tests matapos magsimula ang treatment. Ang tugon mo sa iyong gamot ay maaaring matukoy sa pamamagitan ng tests na ito.
Ang isang indibidwal na may normal na function ng atay ay hindi napipinsala ng mataas na concentrations ng thiamine. Walang mga pag-uulat ng toxicity mula sa thiamine kahit na sa mga kritikal na pasyente na kumokonsumo ng inirekomendang dosage.
Pag-iwas
Ang pag-iwas sa sintomas ng beriberi ay nangangailangan ng diet na mayaman sa bitamina. Ang pagkain ng mga pagkain na mayaman sa beans, whole grains, main, karne, spinach at asparagus ay maaaring magpataas ng thiamine sa katawan.
Kailangan ng mga nagpapasusong magulang na kumonsumo ng sapat na dami ng bitamina upang mapanatili ang kanilang kalusugan at magkaroon ng produksyon ng gatas. Kung ang iyong anak ay hindi sumususo, siguraduhin na ang formula ng anak ay naglalaman ng thiamine.
Sa huli, kailangan mong ikonsidera ang pagbawas ng alak o pagtigil kung ikaw ay labis na umiinom ng alak. Karagdagan, uminom ng bitamina B upang mapabuti ang absorption ng katawan at pag-imbak ng thiamine.
Key Takeaways
Matuto pa tungkol sa Masustansyang Pagkain dito.
[embed-health-tool-bmi]