backup og meta

Saan Nakukuha Ang Vitamin C? Heto Ang Dapat Mong Malaman

Saan Nakukuha Ang Vitamin C? Heto Ang Dapat Mong Malaman

Isipin mo ito: Nasa kalagitnaan ka ng pamimili ng iyong grocery nang mapunta sa seksyon ng mga prutas. Sa focus mo ngayon sa diet at pagpapalakas ng immunity, tinanong mo ang sarili kung anong prutas ang dapat mong bilhin. Saan nakukuha ang vitamin C? Ano ang magandang pagkukunan ng vitamin C? At ano pa ang mga masustansyang pagkain na dapat mong bilhin? Magbasa pa dito para malaman ang mga pagkaing dapat nasa listahan ng grocery.

Marami pang Tungkol sa Vitamin C

Karaniwang inuugnay ng mga tao ang C sa vitamin bilang citrus fruits. Gayunpaman, hindi lamang mga citrus fruit ang nasa listahan ng kung saan nakukuha ang vitamin C.

Tinatawag na vitamin C ang water-soluble vitamin na natural na makikita sa maraming uri ng pagkain, karaniwang sa mga prutas at gulay. Maaari itong idagdag sa diet sa pamamagitan ng mga dietary supplement.

Responsable ang micronutrient na ito para sa tissue growth, repair, at maging sa pagpapagaling ng sugat sa lahat ng bahagi ng katawan. Nakatutulong din ito sa paggawa ng collagen na isang mahalagang protein para sa formation ng balat, cartilage, tendons, at ligaments.

Bukod pa rito, kumikilos din ito bilang antioxidant, katulad ng vitamin E, beta-carotene, at marami pang ibang plant-based mineral. Binabawasan ng antioxidant na ito ang pinsalang ginagawa ng mga free radical na sumisira sa DNA.

Nakatutulong pareho ang vitamin C o L-ascorbic acid sa pag-iwas at proteksyon laban sa mga sumusunod na kondisyon sa kalusugan:

Mga Natural na Mapagkukunan ng Vitamin C

Saan nakukuha ang vitamin C? Laging makikita ang vitamin C sa mga sumusunod na prutas at gulay:

1. Citrus Fruits

Hindi kumpleto ang listahang ito kung wala ang mga pinakakaraniwang pinagkukunan ng vitamin C. Nagbibigay ng maraming vitamin C ang mga citrus fruit. At nangunguna sa listahan dito ang mga orange. May kakayahan din ang mga citrus fruit tulad ng grapefruit, lemon, at lime na tulungan kang matugunan ang iyong pang-araw-araw na pangangailangan ng vitamin na ito.

Naglalaman ng 70 milligrams ng vitamin C ang isang orange na may katamtamang laki. Samantalang naglalaman naman ng 40 milligrams ang kalahati ng isang grapefruit.

2. Kamatis

Tulad ng mga citrus fruit, naglalaman din ang mga kamatis ng maraming vitamin C. Ang mga pinatuyong kamatis sa araw ang may pinakamataas na nilalaman ng vitamin C. Mayroon itong humigit-kumulang 40 milligrams sa bawat 100 grams.

3. Dark Green Vegetables

Sagana sa vitamin C ang mga dark green vegetable tulad ng Brussels sprouts at broccoli.

Naglalaman ng higit sa 75 milligrams ng vitamin C ang Brussels sprouts. Sapat na upang matugunan ang iyong pang-araw-araw na pangangailangan. Mayroon namang 81 milligrams ng vitamin C na matatagpuan sa isang tasa ng tinadtad na broccoli.

5. Kiwi

Naglalaman ng humigit-kumulang 132 milligrams ng vitamin C ang maliit na prutas na tinatawag na Kiwi. Dalawang beses na mas marami kaysa sa mga orange.

5. Red, Green, at Yellow Pepper

Lingid sa kaalaman ng mga tao, siksik sa vitamin C ang iba’t ibang uri ng sili – pula, berde, o dilaw.

190 milligrams ng vitamin C ang nasa isang tasa ng tinadtad na red pepper. Samantalang nagbibigay naman ng 155 milligrams ng vitamina C ang yellow pepper. Hindi rin naiiba ang mga green pepper dahil mayroon silang humigit-kumulang 120 milligrams sa kalahating tasa.

6. Iba pang Prutas at Gulay

Narito ang iba pang mga prutas at gulay na mayaman din sa vitamin C:

  • Melon
  • Mangga
  • Papaya
  • Pinya
  • Berries (strawberries, raspberries, cranberries, at blueberries)
  • Pakwan
  • Cauliflower
  • Iba pang green leafy vegetable (spinach, repolyo)
  • Patatas

Key Takeaways

May iba’t ibang sustansya na makikita sa bawat hiwa ng prutas o hinati-hating gulay sa iyong plato. Kung nais magdagdag ng mas marami pang mapagkukunan ng vitamin C sa iyong diet, kumuha ng ilang mga item sa listahang ito sa susunod mong pagpunta sa grocery.

Matuto pa tungkol sa Healthy Eating dito.

[embed-health-tool-bmi]

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Natural sources of vitamin C, https://www.piedmont.org/living-better/natural-sources-of-vitamin-c, Accessed November 18, 2021

Vitamin C, https://www.hsph.harvard.edu/nutritionsource/vitamin-c/, Accessed November 18, 2021

Vitamin C, https://medlineplus.gov/ency/article/002404.htm, Accessed November 18, 2021

Vitamin C, https://ods.od.nih.gov/factsheets/VitaminC-HealthProfessional/#h3, Accessed November 18, 2021

Vitamin C (Ascorbic acid), https://www.mountsinai.org/health-library/supplement/vitamin-c-ascorbic-acid, Accessed November 18, 2021

Kasalukuyang Version

06/06/2022

Isinulat ni Daniel de Guzman

Narebyu ng Eksperto Chris Icamen

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Paano Makontrol Ang Cravings Kapag Umatake Ito

7 Pagkain Na May Vitamins Na Pampalakas Ng Baga


Narebyu ng Eksperto

Chris Icamen

Dietetics and Nutrition


Isinulat ni Daniel de Guzman · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement