backup og meta

Pagkain Para Sa May PCOS: Idagdag Ang Mga Ito Sa Iyong Diet

Pagkain Para Sa May PCOS: Idagdag Ang Mga Ito Sa Iyong Diet

Kailangan nga ba talaga ang partikular na pagkain para sa may PCOS? Ito ang kadalasang tanong ng mga babae na may Polycystic ovarian syndrome. Ang pcos ay isang hormonal imbalance kung saan ay lumilikha ang mga obaryo ng labis na male hormones o androgens. 

Ano Ang Maaaring Epekto Ng PCOS?

Dahil sa hindi balanse na reproductive hormones, ang PCOS ay maaaring mag-resulta sa sumusunod:

  • Mali-mali na cycle ng regla
  • Kawalan ng regla
  • Hindi mahulaan na obulasyon
  • Pagkakaroon ng maliliit na cyst sa obaryo
  • Acne
  • Sobrang pagdami ng buhok

Maliban sa mga hindi kanais-nais na mga epekto na ito, may iba pang mas importanteng dahilan kung bakit dapat mahanapan ng lunas ang PCOS . Sa pamamagitan ng tamang pagkain para sa may PCOS , maaaring maiwasan ang mas malubhang sakit gaya ng pagtaas ng blood pressure, diabetes, heart disease, o endometrial cancer.

Ayon sa mga pananaliksik, ang diyeta ay maaaring makatulong na mabawasan ang epekto ng PCOS . Kabilang sa maraming paraan na nakakaapekto ang diyeta sa PCOS ay ang pagpapanatili ng tamang timbang at antas ng insulin sa katawan. Higit sa 50 porsyento ng mga may PCOS ang nagkakaroon ng diabetes o pre-diabetes bago ang edad na 40.

Mapapanatili mo ang malusog na timbang sa pamamagitan ng pagsunod sa tamang pagkain para sa may PCOS . Ang pagkain na ito ay hindi lamang makakatulong sa iyong pangangailangan sa nutrisyon. Ito rin ay nagtataguyod ng tamang antas ng insulin at maaaring makatulong na maibsan ang mga sintomas ng PCOS .

Walang karaniwang diyeta na sinusunod para sa PCOS. Subalit may mga pagkain na kapaki-pakinabang, at tila nakakatulong sa mga tao na pamahalaan ang kanilang kondisyon. Tandaan na pwedeng maibsan ang sintomas ng PCOS sa wastong nutrisyon at balanse na antas ng insulin.

Narito Ang Mga Pagkain Para Sa May PCOS:

Grains o Butil

Idagdag sa iyong diet ang mahahalagang butil gaya ng whole wheat, brown rice, oats at barley, na may mabuting epekto sa PCOS. Ang whole grain na pagkain para sa may pcos ay mayaman sa fiber at iba pang bitamina at antioxidants. At dahil may mababang glycemic load ang mga butil na ito, mas matagal mag-metabolize sa katawan.Ibig sabihin, mas mabagal ang pag-absorb nito sa katawan kaya mas kaunting insulin ang kakailanganin.

Ang mga butil na ito ay mayaman sa complex carbohydrates kung kaya madali at matagal ang iyong kabusugan. Makakatulong ito sa pagbawas ng timbang at blood sugar spikes, na nakakabawas sa sintomas ng PCOS.

Berde at Madahong Gulay

Ang mga berde at madahong gulay tulad ng broccoli, brussels sprouts, at repolyo ay dapat isali sa listahan ng mga pagkain para sa may PCOS. Ito ay hitik sa magnesium at nakakatulong sa pagharap sa insulin resistance, na makikita sa maraming indibidwal na may PCOS.

Mataas din ang fiber content nito na maaaring panlaban sa insulin resistance. Ito ay posible sa pamamagitan ng pagpapabagal sa panunaw at pagbabawas ng epekto ng asukal sa dugo. Ito ay maaaring maging kapaki-pakinabang para sa mga taong may PCOS. 

Beans at Pulses

Ang pagkain para sa may PCOS ay dapat may kasamang pulses, o mga pagkain na bahagi sa pamilya ng legumes. Ang lentils, split pleas, at chickpeas ay plant-based na pagkain na puno ng protina, fiber, bitamina at mineral. Ito ay makakatulong na mabawasan ang panganib para sa type 2 diabetes at sakit sa puso. 

Makakatulong ang diet na may beans at pulses para sa babaeng may PCOS, dahil maaari nitong mabawasan ang mga negatibong sintomas na kaugnay ng insulin resistance. Ang pulses ay may kakayahang makapag pababa ng fasting insulin, ayon na rin sa isang pag-aaral na inilathala sa Clinical Endocrinology.

Pagkain Para Sa May PCOS At Hormones

Ang pagkain ay maaaring magkaroon ng epekto sa produksyon ng hormones. Kung kaya dapat piliin ng mabuti ang pagkain para sa may PCOS para masiguro na ito ay masustansya at may kakayahang mapagaan ang mga sintomas ng PCOS.

Matuto pa tungkol sa PCOS dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

What to eat if you have PCOS, https://www.medicalnewstoday.com/articles/323002, Accessed July 5, 2022

Can My Diet Relieve Symptoms of Polycystic Ovary Syndrome (PCOS)? https://www.healthline.com/health/pcos-diet, Accessed July 5, 2022

THE POWER OF PULSES FOR PCOS, https://www.pcosnutrition.com/pulses/, Accessed July 5, 2022

Kasalukuyang Version

05/25/2023

Isinulat ni Lovely Carillo

Narebyung medikal ni Mae Charisse Antalan, MD

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Cyst Sa Obaryo: Paano Malalaman Kung PCOS O Hindi?

PCOS At Pagkalaglag Ng Bata, May Kinalaman Ba Sa Isa't-Isa?


Narebyung medikal ni

Mae Charisse Antalan, MD

General Practitioner


Isinulat ni Lovely Carillo · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement