backup og meta

Paano Pumayat: Wastong Paraan ng Pagpapapayat

Paano Pumayat: Wastong Paraan ng Pagpapapayat

Isang napakahalagang bahagi ng isang malusog na pamumuhay ay ang paraan ng pamamahala ng timbang. Ang artikulong ito ay magtatalakay ng mga pangunahing kaalaman sa pamamahala ng timbang, pagkakaroon ng malusog na BMI, at kung paano pumayat nang ligtas.

Paano Pumayat? Heto ang Dapat Tandaan

Kabilang sa wastong paraan kung paano pumayat ang proseso ng pagbabago ng pamumuhay o lifestyle. Ito ay dahil mas madaling mapanatili ang malusog na timbang kung ganitong paraan ang gagamitin.

Ang tamang timbang ay tumutukoy base sa edad, kasarian, at taas ng isang tao. Maraming factors ang sangkot sa pamamahala ng timbang, ngunit ang pinakamahalaga ay ang malusog na pagkain at pisikal na gawain o ehersisyo.

Ang Mga Benepisyo ng Diet at Pagbaba ng Timbang

Paano ko matutukoy ang aking tamang timbang?

Ang pamamahala ng timbang ay maaaring maging isang tunay na pakikibaka. Napatunayan iyon sa katotohanan na 1.9 katao na nasa hustong gulang sa mundo ang sobra sa timbang, kung saan 650 milyon sa kanila ang nauuri bilang obese. Malaking bahagi iyon ng populasyon at habang nagbabago ang pamumuhay sa maraming bansa, maaaring tumaas pa ang mga bilang na ito.

Ngunit dumarami rin ang kamalayan pagdating sa malusog na pamumuhay na kinabibilangan ng mga pangunahing pamamahala sa timbang.

Body Mass Index

Bahagi ng mga pangunahing kaalaman sa pamamahala ng timbang ay Body Mass Index (BMI). Ito ay isa sa mga kagamitan na maaaring magamit upang matukoy ang tamang timbang ng isang indibidwal. Gusto mong kalkulahin ang iyong BMI? Tingnan ang kapaki-pakinabang na tool na ito.

Ngayon, tandaan na ang pagkakaroon ng obesity ay tinutukoy ng pagkakaroon ng BMI na 30 o mas mataas. Ang isang malusog na BMI para sa mga nasa hustong gulang, sa kabilang banda, ay mula 18.9 hanggang 24.9. Anumang bagay na mas mababa kaysa doon ay kulang sa timbang, habang ang BMI na 25 hanggang 29.9 ay sobra sa timbang.

May mga kaso na ang BMI ay hindi maaasahan. Halimbawa, maaaring hindi ito tumpak kapag ginamit sa mga indibidwal na maskulado, mga matatanda, o mga taong pumayat nang husto. Hilingin sa iyong doktor na tulungan kang bigyang-kahulugan ang iyong mga resulta.

Sukat ng Baywang

paano pumayat

Ang sukat ng baywang ay gumaganap ng isang mahalagang papel sa pagtukoy ng iyong tamang timbang dahil ang pagtitipon ng taba doon ay maaaring magdulot ng malubhang epekto tulad ng Type 2 Diabetes o hypertension.

Hindi tiyak na sasabihin ng sukat ng baywang kung ikaw ay sobra sa timbang o obese, ngunit ito ay isang magandang sukatan upang magsimula. Para sa isang nasa hustong gulang na lalaki, ang sukat ng baywang ay hindi dapat higit sa 40 pulgada o 101.60 cm, habang ang mga babaeng nasa hustong gulang na hindi buntis ay hindi dapat magkaroon ng sukat ng baywang na higit sa 35 pulgada o 88.90 cm.

Makakatulong sa iyo ang mga alituntuning ito na matukoy kung nasa tamang timbang ka.

Pagkuha sa Tamang Timbang

Madaling matukoy kung ikaw ay sobra sa timbang o hindi. Ang maaaring mahirap ay makuha at (panatilihin o pamahalaan) ang iyong tamang timbang.

Sa karamihan ng mga kaso, ang pagkakaroon ng obesity ay nangyayari dahil ang isang tao ay kumakain ng higit sa kung ano ang kailangan ng kanilang katawan at/o kung ano ang maaari nilang masunog. Mayroon ding mga kondisyon na maaaring direktang maging sanhi ng labis na katabaan ng isang tao o obese.

Para makakuha ng tamang timbang, may dalawang bagay na dapat tandaan

  • Kumain ng naaangkop na dami at uri ng pagkain sa bawat pagkain.
  • Dagdagan ang dami ng pisikal na gawain na ginagawa sa isang linggo.

Upang makuha ang pinakamahusay na mga resulta at upang matulungan kang pamahalaan ang iyong timbang nang ligtas, kumonsulta sa iyong doktor. Totoo ito kapag sinusubukan mong magbawas o tumaba. Maaaring hilingin din sa iyo ng iyong doktor na magpatupad ng ilang pagbabago sa ugali o lifestyles. Maaari rin silang magrekomenda ng ilang mga gamot na maaaring makatulong sa pagbaba ng timbang. Mayroon ding mga kaso kung saan maaaring gamitin ang surgery upang alisin ang sobrang taba sa katawan

Mag-ingat sa Mga Diet

Maraming personalidad at public figure ang nag-eendorso ng mga usong paraan sa pagdi-diyeta. Bagamat maaaring gumana ang mga tpraang ito para sa mga panandaliang resulta, ang mga pangmatagalang epekto nito ay maaaring kaduda-duda. Kung ang isang diet ay nangangako na maaari kang magbawas ng timbang sa loob ng napakaikling panahon, malamang na hindi ito gagana sa paraang inaasahan mo. Kung susubukan mo ang isang bagong plano sa diet, kumonsulta muna sa iyong doktor. Mahalagang malaman ang mga pangunahing kaalaman kung paano pumayat upang malaman ang planong pinakaangkop para sa iyo.

Pangmatagalang Pagbabago

Pagdating sa mga pangunahing kaalaman kung paano pumayat at pananatili ng wastong timbang, ang mabagal at tuloy-tuloy na pagbabawas ay ang pinakamahusay dahil ito ay ligtas at madaling mapanatili. Tanungin ang iyong doktor tungkol sa kung gaano karaming timbang ang dapat na mabawas sa loob ng isang linggo o isang buwan.

Ang mga matinding pagbabawas ng timbang ay kadalasang hindi napapanatili. Pagdating sa iyong diet, isaalang-alang ang medikal na pamamaraan na batay sa mga pangunahing kaalaman sa pamamahala ng timbang, tulad ng

  • Kumain ng sariwang gulay at prutas.
  • Kumonsumo ng walang taba na protina.
  • Piliin ang pagkaing mayaman sa fiber.
  • Limitahan ang gamit ng asukal at asin.

Tanungin ang iyong doktor o rehistradong nutritionist-dietitian tungkol sa bilang ng mga calories na dapat mong makuha sa pagkain sa bawat araw.

Karagdagang Kaalaman

Ang tamang paraan kung paano pumayat at mapanatili ang timbang ay mahalaga para sa pangkalahatang kalusugan ng isang tao. Maaari itong maging nakalilito, ngunit sa pamamagitan ng gabay mula sa iyong doktor at tamang diet at mga pagsasaayos sa lifestyles, maaari mong makamit ang iyong mga layunin ukol sa kalusugan.

Matuto pa tungkol sa Malusog na Pagkain dito.

[embed-health-tool-bmi]

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Weight management, https://www.nature.com/subjects/weight-management, Accessed December 11, 2020.

Obesity and overweight, https://www.who.int/news-room/fact-sheets/detail/obesity-and-overweight, Accessed December 11, 2020.

Adult BMI Calculator, https://www.cdc.gov/healthyweight/assessing/bmi/adult_bmi/english_bmi_calculator/bmi_calculator.html, Accessed December 11, 2020.

Protein, https://www.betterhealth.vic.gov.au/health/healthyliving/protein, Accessed December 11, 2020.

Chart of high-fiber foods, https://www.mayoclinic.org/healthy-lifestyle/nutrition-and-healthy-eating/in-depth/high-fiber-foods/art-20050948, Accessed December 11, 2020.

Kasalukuyang Version

01/01/2023

Isinulat ni Niña Christina Lazaro-Zamora

Narebyung medikal ni Mae Charisse Antalan, MD

In-update ni: Lornalyn Austria


Mga Kaugnay na Post

Paano Makontrol Ang Cravings Kapag Umatake Ito

7 Pagkain Na May Vitamins Na Pampalakas Ng Baga


Narebyung medikal ni

Mae Charisse Antalan, MD

General Practitioner


Isinulat ni Niña Christina Lazaro-Zamora · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement