Ano ang allergic sa beer? Maraming iba pang mga sangkap ang beer, tulad ng barley, yeast, at iba’t ibang flavorings. Ang alcohol allergy ay isang bihirang kondisyon na nangyayari kung ikaw ay allergic sa isang tiyak na sangkap sa beer, karaniwan na alak.
Sintomas ng Allergy sa Beer
Ano ang mga senyales at sintomas ng beer allergy? Kung ikaw ay may beer allergy, maaari kang magkaroon ng mga sintomas bilang allergic reactions kabilang ang:
- Pamumula
- Rashes
- Pagbahing
- Wheezing
- Hoarseness
- Pagduduwal
- Pagsusuka
- Pagtatae
- Sakit sa tiyan at bloating
- Paninikip ng dibdib
Ang mga allergic reaction sa pagkain ay karaniwang nangyayari ng ilang mga oras. Ito ay kondisyon na nangyayari kung ang immune system ng katawan ay nag-react sa protina ng pagkain na kinokonsidera ng katawan na masama. Ang mga sintomas ng rash, wheezing, at paninikip sa dibdib ay maaari mangyari nang agaran. Karaniwan na malala ang mga sintomas at nakamamatay. Kaya’t kailangan mong agad na pumunta sa emergency room kung mayroon kang mga sintomas na nasa itaas.
Kung ang sintomas ay sobrang mild, maaari kang magkaroon ng sensitivity sa pagkain kaysa sa allergy. Ang kondisyon na ito ay tinatawag na food tolerance.
Kailan ka dapat magpatingin sa doktor?
Kung mayroon kang sintomas ng allergic reaction matapos ang pag-inom ng beer, kailangan mong magpatingin sa doktor. Maaari ka nilang matulungan na matukoy kung ikaw ay may tiyak na allergy sa sangkap ng ibang produkto.
Kung ikaw ay nakaranas ng pamamaga ng iyong labi o lalamunan o hirap sa paghinga matapos ang pag-inom sa beer, kailangan mong huminto sa pag-inom hanggang sa mapatingin na ito sa doktor.
Sanhi ng Beer Allergy
Ano ang sanhi ng beer allergy? Ang mga sangkap sa beer na maaaring maging sanhi ng beer allergies o alcohol intolerance ay kabilang ang:
Histamine
Makikita ang histamine sa maraming mga alak na inumin lalo na sa red wine. Ang substance na ito ay maaaring maging sanhi ng sakit sa ulo, baradong ilong, pamumula ng mukha, asthma, at gastrointestinal na sintomas. Ang histamine intolerance ay maaaring sanhi ng kawalan ng kakayahan ng katawan upang i-break down o tanggalin ang compound na ito.
Yeast
Bagaman ang nilalaman na yeast sa beer ay sobrang kaunti, maaari pa rin itong maging sanhi ng allergic reaction. Kabilang sa mga sintomas ang wheezing, pagbahing, pagtatae, pagduduwal, heartburn, pagkahilo, puting dila, sakit sa lalamunan, skin rash, at sakit sa tiyan.
Sulphite o Sulfur Dioxide
Ang wine at beer ay maaaring maglaman ng sodium metabisulphite o sulfur dioxide — isang chemical na ginagamit upang linisin ang brewing equipment at makikita na marami sa beer. Nasa 10% ng asthmatic ay nare-react sa sulphites sa mga alak, ngunit ang anaphylaxis ay bihira.
Additives
Ang substances tulad ng sodium benzoate at tartrazine ay maaaring mag-trigger ng atake ng asthma at hives.
Allergy sa sangkap na mula sa halaman
Fruit Extracts: Bagaman ang fruit extracts, tulad ng grapes, berries, oranges, mansanas, at buko ay maaaring mawala sa proseso ng beer at ibang alak, ang kahit na anong natira ay maaaring maging sanhi ng reaction.
Wheat at gluten: Ang ilang beers ay naglalaman ng gluten, isang protina na makikita sa barley.
Hops: Ilan sa mga tao ay maaaring sensitibo sa hops, isang sangkap na nagbibigay sa beer ng mapait na lasa. Maaari silang makaranas ng sipon, pamamaga ng talukap, skin rashes, at asthma.
Malt Barley: Ang allergic reaction sa barley ay karaniwan sa mga tao na sensitibo sa pollen, na nagiging sanhi ng tingling sensation sa mukha, hives, pamamaga ng dila at labi, pagkahilo, ubo, at chest discomfort.
Yeast: Bihira lamang ang sensitization sa yeast, ngunit ilan sa mga tao ay maaaring mag-react sa fungal spores na makikita sa wine corks.
Banta ng beer allergy
Anong mga salik ang nagpapataas ng banta ng beer allergy? Maaari kang magkaroon ng allergies kung mayroon kang family history sa allergies, at ang personal at family history sa asthma.
Seryosong problema ang allergy sa pagkain. Kaya’t kailangan mong maging maingat sa pagbabasa ng labels at pagpili ng pagkain at inumin.
Sa mga malalang kaso, ang allergy sa pagkain o inumin ay maaaring humantong sa anaphylaxis. Ang mga sintomas ay kabilang ang, wheezing, at sakit sa dibdib. Kung mayroon kang mga sintomas na ito, agad na pumunta sa emergency room dahil ang anaphylaxis ay nakamamatay na kondisyon.
Diagnosis at Lunas sa Allergic sa Beer
Ang mga impormasyon na ibinigay ay hindi pamalit sa payo ng medikal na propesyonal. Laging konsultahin ang iyong doktor.
Anong mga paraan ang nakatutulong sa pag-diagnose ng beer allergy?
Upang matukoy kung ikaw ay may allergy sa alak o intolerance sa isa sa mga sangkap ng beer, magtatanong ang iyong doktor tungkol sa medical history at ang mga sintomas na naranasan sa pag-inom ng alak.
Magsasagawa rin ang iyong doktor ng pisikal na eksaminasyon at magsasagawa ng ibang tests upang tanggalin sa listahan ang mga parehong kondisyon na maaaring sanhi ng iyong sintomas.
Makatutulong ang skin testing sa pagtukoy ng tiyak na substance na maaaring allergic ka. Nakatutulong ang test sa dugo upang sukatin ang lebel ng IgE at matukoy kung ang immune system ay mayroong allergic reaction sa tiyak na substances.
Anong mga paraan ang nakatutulong upang lunasan ang beer allergy?
Ilang mga paraan upang makatulong na lunasan ang beer allergy ay:
Iwasan ang allergens: Ang pinaka mainam na paraan upang iwasan ang sintomas ng beer allergy o kahit na anong intolerance sa alak ay iwasan ang beer, alcoholic na inumin, o kahit na anong sangkap na sanhi ng problema. Maaaring kailanganin mo rin na basahing mabuti ang labels ng mga inumin upang makita kung naglalaman sila ng additives o sangkap na maaaring maging sanhi ng reaction.
Pag-inom ng gamot: Ang minor na reaction tulad ng pangangati at hives ay maaaring mawala sa pamamagitan ng pag-inom ng niresetang gamot o gamot sa allergy na over-the-counter. Gayunpaman, ang antihistamine ay hindi mawawala ang buong allergic reaction. Kaya’t kailangan mong bumisita sa doktor para sa akmang lunas.
Magsuot ng medical bracelet o kwintas: Kung nakaranas ka ng malalang allergic reaction sa beer o kahit na ano, kailangan mong magsuot ng medical bracelet o kaparehong kwintas upang maalerto ang iba na ikaw ay may allergy, upang matulungan ka nila na iwasan ang allergens na iyon.
Matuto pa tungkol sa Nutrition Facts dito.
Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.
[embed-health-tool-bmr]