Ang gatas ay may iba’t ibang baryasyon, mula sa fresh milk hanggang dried o powdered milk. Bumisita sa mga grocery at supermarket at makikita mo ang malawak na seleksyon dito. Madalas na uri ng gatas ay gatas ng baka, ngunit kamakailan na taon ang mga plant-based milk at ibang mga uri ay nakikilala rin. Ngunit ang pinaka kilalang uri ay ang powdered milk. Maliban sa mas mahabang panahon na nakaimbak, ano ang pagkakaiba nito sa fresh milk? Basahin upang matuto pa tungkol sa powdered milk vs fresh milk.
Powdered milk vs Fresh milk: Nutritional value
Ang powdered milk ay napo-produce sa pamamagitan ng evaporating moisture mula sa gatas. Maaaring ito ay fresh o nasa porma ng powder, parehong naglalaman ng mahalagang nutrisyon para sa pang-araw-araw na pangangailangan.
Ang isa sa mga pagkakaiba sa pagitan ng powdered milk vs fresh milk ay ang fresh milk ay mas maraming nutrisyon:
- Naglalaman ang cup ng gatas ng baka ng 149 na calories, 7.9 grams ng fat, at 7.7 grams ng protina.
- Habang ang cup ng powder ay naglalaman ng 139 calories, 7.5 grams ng fat at 7.4 grams ng protina.
Bagaman walang malaking pagkakaiba sa macronutrients ng fresh at powdered milk, may mas kaunting nutrisyon sa powdered na uri.
Powdered milk vs Fresh milk: Mga benepisyo
Isa pang benepisyo sa pagitan ng powdered milk vs fresh milk ay ang fresh milk ay nagbibigay ng mas maraming bitamina B.
Ayon dito, ang cup ng fresh milk ay nagbibigay ng 32 porsyento ng pang-araw-araw na bitamina B12 at 18 porsyento ng araw-araw na value ng bitamina B5.
Habang ang cup ng powdered milk ay naglalaman ng 15 porsyento ng pang-araw-araw na value para sa bitamina B12 at 6 na porsyento ng pang-araw-araw na value para sa bitamina B5.
Nakatutulong ang bitamina B5 sa katawan na mag-extract ng enerhiya mula sa fatty acids, amino acids, at carbohydrates habang ang B12 ay nakatutulong sa katawan upang mag-produce ng red blood cells.
Kasama ang phosphorus at selenium, nagpapakita ang fresh milk ng advantage laban sa powdered milk. Ang dalawang minerals na ito ay mainam para sa cell membranes, metabolism, enzyme function, at thyroid function.
Ang serving ng fresh milk ay nakapagbibigay ng 16 % ng pang-araw-araw na value para sa selenium at 16 % ng pang-araw-araw na value para sa phosphorus.
Ang powdered na pamalit, sa isang banda ay naglalaman ng 11 % ng pang-araw-araw na value para sa selenium at 27 % ng pang-araw-araw na value para sa phosphorus.
Ang fresh milk ay hindi maitatago sa mahabang panahon, habang ang dried o powdered na pamalit ay may kakayahan para rito. Ang powdered milk ay hindi kailangan na itago sa refrigerator ngunit nananatili ang nutritional value tulad ng mas mahabang panahon sa pagtatago nito. Ang powder ay hindi mahal kumpara sa fresh milk. Karagdagan, ang ilan ay nais ang flavor at texture ng tiyak na brands ng powdered milk.
Ano ang akma para sa iyo?
Kung ikaw ang uri ng tao na mas gustong kumonsumo ng kakaunting processed na produkto, ang fresh at organic ang para sa iyo. Bilang dagdag na bonus, ang organic o fresh na uri ng gatas ay kadalasan na walang preservatives. Kung naghahanap ka ng kaunting processed na pagpipilian, ang fresh milk ang pinaka mainam para sa iyo.
Para sa pagluluto, ang fresh milk ay ang pinakaakma na piliin. Gayunpaman, sa pagkonsidera ng paghahanda sa oras at budget, ang powder ang mas mainam. Para sa mga tiyak na pagkain tulad ng smoothies, ang powder ay mas mainam dito kumpara sa fresh milk.
Para sa mga nais na magpapayat, ang fresh, non-fat milk ang piliin. Ang organic at masustansyang pagpipilian ay almond, gatas, oat milk, at soy milk.
Sa huli, ang pagpili sa fresh ang pinaka mainam sa nutrisyon. Ngunit ang pagkakaroon ng parehong uri ng gatas na ito sa inyong pantry ay maraming mga benepisyo.
Sa iyong dietary na pagpili na kakainin sa araw-araw, konsultahin ang iyong doktor sa pinaka mainam na plano at aksyon.
Matuto ng higit pa tungkol sa masustansyang nutrisyon dito.
[embed-health-tool-bmi]