Nahihirapan ka ba makatulog? May mga idea tayo dito kung ano ang mga pampatulog na pagkain. Ang tamang diet at ehersisyo ay maaaring makatulong sa pangkalahatang kalusugan at makatulog ka ng mahimbing. Hindi lamang ang pagkakaroon ng tamang dami ng tulog, ngunit ang kalidad ng pagtulog, ay may malaking epekto sa iyong kalusugan. Ang magandang pagtulog sa gabi ay maaaring mapalakas ang iyong immunity at physical recovery.
5 Pampatulog na Pagkain na Dapat Mong Subukan
Milk
Sa lahat ng pampatulog na pagkain na nakalista dito, hindi maikakaila na ang gatas ang pinakakilala. Madalas na ibinibigay sa mga bata ang mainit na gatas upang patulugin sila, pwede pa rin naman ito sa mga matatanda. Ang iba pang dairy products mula sa gatas, tulad ng keso at yogurt, ay epektibo rin.
Ang gatas ay may calcium at mahahalagang amino acid na kilala bilang tryptophan. Ito ay kinakailangan para sa utak na mag-synthesize ng serotonin at melatonin. Ang serotonin ay may kinalaman sa mood regulation, habang ang melatonin ay ginagawa sa gabi at responsable para sa mga cycle ng pagtulog at paggising.
Rice
Ang bigas ay isa sa mga pangunahing pagkain ng mga Pilipino, lalo na sa oras ng hapunan. Bukod dito, mainam ring pampatulog na pagkain ang bigas. Ang mataas na glycemic index ng white rice ang dahilan kung bakit marami sa atin ang inaantok pagkatapos kumain.
Ang pagkain na may mas mataas na glycemic index ay nagdudulot ng matinding pagtaas ng blood sugar. Dahil dito, ang katawan ay naglalabas ng malaking halaga ng insulin upang gawing normal muli ang blood sugar. Ang pagtaas ng insulin at pagbaba ng blood sugar ay nagreresulta sa pagkaantok, na kilala bilang reactive hypoglycemia.
Ang pinakamainam na oras upang kumain ng mga high-carb na pagkain ay mga 4 na oras bago ang oras ng pagtulog.
Chicken
Ang manok, pabo, at maging ang mga itlog, ay maaaring makatulong sa pagkuha ng mas mahusay na pagtulog. Ang manok ay naglalaman ng tryptophan at, tulad ng iba pang pagkain sa listahang ito, nakakatulong sa pagtulog. Sabi ng ilang pag-aaral, ang manok at pulang karne ay maaaring makagambala sa pagtulog nang higit kaysa isda, ngunit ito ay malamang dahil sa mas mataas na saturated fat at cholesterol na nilalaman ng mga karneng ito.
Saging at iba pang sariwang prutas
Ang mga saging ay isang magandang mapagkukunan ng potassium, magnesium, fiber, at natural sugar. Mayroong itong taglay na fiber at asukal na nakakatulong mabusog at makatulog. Bukod dito, tinutulungan ka ng potassium at magnesium na manatiling tulog. Ang mga saging ay naglalaman din ng ilang tryptophan na nakakatulong sa pagtulog.
Ang mga cherry at kiwi ay napag alaman din na naglalaman ng mga antioxidant, melatonin, at serotonin na nagpapabuti sa kalidad ng pagtulog. Bukod dito, ang avocado ay naglalaman ng omega-3 fatty acids na matatagpuan din sa isda at makakatulong sa iyong makatulog nang mas maayos.
Fish
Ang mga isda tulad ng salmon, mackerel (tanigue), tuna, at sardinas ay mayaman sa bitamina B6, bitamina D at omega-3 fatty acid. Ginagamit ito ng utak para sa regulasyon ng serotonin at paggawa ng melatonin.Ang serotonin at melatonin ay tumutulong sa pagtulog.Maaari ka ring makakuha ng natural na bitamina D sa pamamagitan ng pagbibilad sa sikat ng araw.
Ang isda ay malusog dahil ito ay mababa sa saturated (“masamang”) taba, kolesterol at calories habang naglalaman ng maraming protina. May ilang isda ang naglalaman ng mataas na antas ng mercury at dapat kainin in moderation.Tuna ang isang halimbawa.
Key Takeaways
Ngayon ay alam mo na ang mga pampatulog na pagkain. Ito ay upang matulungan kang matulog nang mas mahusay. Bagama’t ang pagkain ay epekto sa pattern at kalidad ng iyong pagtulog, hindi lang ito ang nakakaapekto rito. Ang lifestyle at iyong kalusugan ay mayroon ding malaking epekto sa iyong kakayahang matulog. Kung sinubukan mo ang mga pagkaing ito at hindi pa rin nakatulong, maaaring oras na para humingi ng tulong sa iyong doktor. [embed-health-tool-bmi]