Maraming naiulat na benepisyong pangkalusugan ang pagkain ng phytoestrogens. Ang phytoestrogens ay isang compound na matatagpuan sa hanay ng mga pagkain, pinakakaraniwan sa soy. Ngunit ang pagkain bang may phytoestrogens ay maaaring maging sanhi ng panganib? Ano ang mga pagkaing mataas sa phytoestrogen na dapat iwasan? Alamin sa artikulong ito.
Ano Ang Phytoestrogen? Mayroon Bang Mga Pagkaing Mataas Sa Phytoestrogen Na Dapat Iwasan?
Ang phytoestrogens, na tinatawag ding plant estrogen, ay may katulad na chemical structure sa estrogen na matatagpuan sa mga tao. Ang estrogen ay isa sa mga pangunahing hormone ng mga babae.
Madalas na ina-advertise ang phytoestrogens bilang isang natural na alternatibo sa estrogen replacement therapy at makikita sa maraming dietary supplements. Ang soy infant formula ay kasalukuyang umaabot sa pangatlo sa merkado ng United States, at ang soy protein ay lalong nagiging kilala at nakikita sa maraming processed na pagkain. Ang phytoestrogens ay mabilis na natutunaw at nasisipsip matapos kainin, at pumapasok sa sistematikong sirkulasyon.
Mga Benepisyo Ng Phytoestrogens
Ang antioxidants at anti-inflammatory compounds ay madalas matagpuan sa phytoestrogens. Ang phytoestrogens ay mayroon ding maraming benepisyo sa kalusugan, kabilang na ang pagpapababa ng tyansa ng pagkakaroon ng osteoporosis, sakit sa puso, at mga sintomas ng menopausal.
Naiulat na ang phytoestrogen ay nagreresulta sa mga sumusunod na benepisyo:
Naiibsan Ang Mga Sintomas Ng Menopause
Ang kaginhawaan mula sa hot flashes at nocturnal sweats ay ang unang karaniwang benepisyong pangkalusugan ng paggamit ng phytoestrogen. Ang kalubhaan ng mga sintomas na ito ay maaaring lubhang makaapekto sa kalidad ng buhay ng isang babae at sa pang-araw-araw na gawain. Natuklasan ding nababawasan ng phytoestrogen ang dalas ng hot flashes habang may kaunti hanggang walang negatibong epekto. Ang pagkonsumo ng adult soya ay maaari ding makaapekto sa mood at mga pag-uugaling nauugnay sa pagkabalisa.
Pagpigil Sa Osteoporosis
Isang epekto ng pagtanda ay ang pagkawala ng bone mineral density. Nakatutulong ang estrogens sa pagpapanatili ng normal na density ng buto. At ang mga phytoestrogen ay napatunayang may katulad na mga katangian. Ayon sa isang pag-aaral, ang mga babaeng postmenopausal na may mas kaunting estrogen sa kanilang katawan, na kumakain ng maraming soy ay may mas mahusay na femoral at/o lumbar spine density kaysa sa mga kumakain ng mas kaunting soy.
Kalusugang Cardiovascular At Pag-Iwas Sa Sakit Sa Puso
Ang phytoestrogens ay sinasabing nakapagpapababa ng tyansa ng pagkakaroon ng cardiovascular disease.
Natuklasan ding ang soy isoflavone therapy ay nagpapababa ng low density lipoprotein (LDL) sa ilang mga kababaihan. Samakatuwid, ang mga taong may tyansang magkaroon ng sakit sa puso ay dapat isaalang-alang ang pagpapalit ng soy sa hindi bababa sa isang portion ng pagkain nila ng karne.
Ano-Ano Ang Mga Pagkaing Mataas Sa Phytoestrogen Na Dapat Iwasan?
Ang phytoestrogen ay may katulad na istruktura sa estradiol. Ang estradiol ay kinakailangan para sa paggana ng reproductive system ng babae. Gayunpaman, ang sobrang estradiol ay nagdudulot ng breakouts sa balat, pagkawala ng sex drive, depression, at osteoporosis.
Dahil dito, may ilang nagtatanong kung may mga hindi magandang epekto ang pagkakaroon ng labis na phytoestrogen.
Pagkaing Mataas Sa Phytoestrogen Na Dapat Iwasan: Phytoestrogens At Breast Cancer
Dahil ang matinding mataas na lebel ng estradiol ay maaari ding makapagpataas ng tyansa ng pagkakaroon ng kanser sa suso, tinatanong ng ilan kung ang pagtaas ng pagkonsumo ng phytoestrogen ay maaaring magresulta sa mas mataas na tyansa ng pagkakataon ng kanser sa suso.
Gayunpaman, naiugnay ng mga pag-aaral ang pagkonsumo ng mga produktong soy sa mas mababang tyansa ng pagkakatoon ng kanser sa suso. Natuklasan ng iba pang mga pag-aaral na ang pagkain ng phytoestrogens mula sa mga prutas, grains, at buto ay nakababawas sa paglaki ng tumors.
Sa kabila nito, iminungkahi na ang mga babaeng may HER2-positive na tumor, o kanser sa suso na nagpositibo sa HER2 protein, gayundin ang mga babaeng pre-menopausal na may mas mataas na tyansa ng pagkakaroon ng kanser sa suso ay dapat umiwas sa phytoestrogens.
Iminumungkahi din ng mga eksperto na ang mga kababaihang may mataas na tyansang magkarooon ng kanser sa suso, o gumaling sa kanser sa suso ay umiwas sa mga sobrang naprosesong suplemento ng toyo. Sa kabilang banda, ang katamtamang dami ng buong soy foods, tulad ng tofu, edamame, soy milk, at miso, ay mabuti pa rin para sa iyong kalusugan.
Key Takeaways
May maraming mga benepisyo ang pagkain ng phytoestrogens bilang bahagi ng iyong diet. Ngunit ano-ano ang mga pagkaing mataas sa phytoestrogen na dapat iwasan? Ang mga babaeng may HER2-positive na tumors ng kanser sa suso ay iminumungkahing umiwas sa phytoestrogens. Ang mga kababaihang may mas mataas na tyansang magkaroon ng kanser sa suso ay inirerekomenda ding iwasan ang sobrang processed soy supplements..
Kumonsulta sa isang doktor o isang dietitian para sa pinakamahusay na payo sa nutrisyon para sa iyo.
Matuto pa tungkol sa Nutrition Facts dito.
[embed-health-tool-bmr]