Mayroon bang masustansyang pagkain para sa stress? Kadalasan, kapag nakakaramdam tayo ng stress at overwhelmed ay bumabaling tayo sa comfort food. Sa kasamaang palad, ang mga ito ay hindi laging ang pinakamahusay na pagkain para sa kalusugan. Ang potato chips, ice cream, at sweet chocolate ay maaaring ma-satisfy ang iyong cravings sa simula. Ngunit pwede itong mag-iwan ng pakiramdam na pagkakasala (guilty) at pagkatamad sa’yo.
Kaugnay nito, pwede itong humantong sa higit na stress sa’yong isip at katawan. Bukod sa wastong meryenda, mahalagang mapanatili ang balanced diet para sa pinakamainam na kalusugan.
Top 5 Healthy Food para sa Stress Relief
#1: Tsaa
Pagkatapos ng kape at tubig— ang tsaa ay isa sa “consumed beverages” sa buong mundo. Maraming uri ng tsaa at infusions na nag-aalok ng iba’t ibang benepisyo sa kalusugan. Mahalagang tandaan na ang tsaa ay nagre-refer sa mga infusion naglalaman ng aktwal na dahon ng tsaa. Habang ang mga herbal infusions ay naglalaman ng mga bulaklak, ugat, o dahon ng iba pang mga halaman.
Ang tsaa ay isang magandang pinagmumulan ng caffeine at antioxidants. Pwede itong magbigay sa’yo ng mental clarity. Gayunpaman, ang sobrang caffeine ay maaaring mag-backfire sa’yo. Huwag kakalimutan na “caffeine rush” ay maaaring magdulot ng pagkabalisa, jittery, at magpalala ng stress levels. Iwasan ang pag-inom ng matapang na tsaa sa gabi, at sa halip ay pumili ng herbal teas.
Makikita na herbal teas ay karaniwang hindi naglalaman ng caffeine. Subalit nag-aalok ito ng iba pang mga benepisyo sa kalusugan. Depende sa kung anong halaman ang ginagamit. Ang isang kilalang opsyon sa herbal tea ay ang “chamomile”. Ito ay ginawa mula sa isang bulaklak na katulad ng daisies at sunflowers. May mga aktibong sangkap sa chamomile, tulad ng terpenoids at flavonoids. Nakakatulong ang mga ito na bawasan ang pamamaga, i-promote ang katahimikan (calmness), at mapabuti ang kalidad ng pagtulog. Bilang karagdagan, ang chamomile ay maaaring makatulong sa kalusugan ng balat at ilabas ang iyong natural glow.
#2: Tsokolate
Bagama’t dati nang nabanggit na ang sweet chocolate ay isa sa mga meryenda na dapat mong iwasan habang stress. Ang dark chocolate ay isang alternatibo. Dahil naglalaman ang tsokolate na ito ng maraming cocoa (hindi bababa sa 70%), nagbibigay sa tsokolate ng kakaibang lasa at kulay nito. Kahit mapait ang dark chocolate, ito ay punong-puno ng mga benepisyo sa kalusugan.
Sa paanong paraan naging healthy ang cocoa? Naging malusog ito, dahil sa dami ng flavonols na nilalaman nito. Ang mga flavonol ay may positibong epekto sa cardiovascular system at sensitivity ng insulin. Ibig sabihin, ito ay mabuti para sa mga taong may hypertension at diabetes. Tandaan din na ang tsokolate ay naglalaman ng kaunting caffeine at tyramine na maaaring gumising sa’yo at magpabuti ng iyong mood. Kaya, sa susunod na gugustuhin mo ng chocolate bar, subukang kumain ng dark chocolate.
#3: Mga mani
Kapag tayo ay stress, nagsu-surge ang hormones tulad ng adrenaline at cortisol. Mahalaga ang mga ito para sa survival response sa emergency. Gayunpaman, ang chronic stress ay masama para sa katawan. Ang sobrang stress ay maaaring humantong sa pagtaas ng taba ng tiyan, hypertension, at mga isyu sa kalusugan ng isip.
Isa pa sa mga malulusog na pagkain para sa pag-alis ng stress ay mga mani. Anuman ang stress, ang mani ay isang magandang source ng non-animal protein, omega-3, at fiber. Ang omega-3 fatty acids, na matatagpuan sa ilang partikular na isda at mani ay nag-aalok ng health benefits sa puso— nakakatulong sa pag-regulate ng hormones.
Habang ang tree nuts tulad ng pecans, walnuts, at macadamia nuts ay good options. Ang mani naman ay itinuturing na legumes— at mayroon pa rin itong health benefits na kasama. Ugaliing mag-stick sa dry-roasted sa halip na mga pinirito, inasnan, o sugar-coated na mani. Para maiwasan na hindi maging hindi malusog ang mga ito.
#4: Ginseng
Ang ginseng (Panax ginseng) ay isang root plant na endemic sa mas malalamig na lugar ng China, Korea, at bahagi ng Russia. Masasabi na ang ginseng ay isang natural option para sa pag-alis ng stress at pagpapalakas ng enerhiya. Ito ay ginagamit sa Chinese traditional medicine sa loob ng maraming siglo. Karaniwan ding idinagdag ang ginseng sa mga inuming pang-enerhiya at supplements.
Ipinapakita ng mga pag-aaral na ang ginseng ay nakakatulong sa stress. Sa pamamagitan ng pag-modulate ng immune system response at pag-regulate hormones. Dahil sa ganitong paraan, napapanatili nito ang homeostasis o balanse sa katawan. Ang ginseng ay nakakatulong para mapawi ang stress at ang pagkabalisa. Makakahanap ka ng ginseng tea, powder, at supplements sa herbal tea section ng grocery store. Maging sa mga specialty shop na nag-aalok Asian medicines.
#5: Mga dalandan
Dahil sa kanilang mataas na vitamin C, ang citrus fruits tulad ng dalandan, lemon, at grapefruits ay puno ng antioxidants. Tandaan na ang mga antioxidant ay tumutulong na maiwasan at mabawi ang pinsalang dulot ng free radicals. Ang free radicals na ito ay mga byproduct ng metabolismo na nagpapabilis ng stress.
Dagdag pa rito, ang nakakapreskong lasa at halimuyak ng dalandan ay maaari ring makatulong sa pagpapagaan ng stress. Sapagkat ang essential oils mula sa mga dalandan ay kadalasang kasama sa mga kandila at ginagamit sa aromatherapy. Ang mga pag-aaral na ginawa sa orange oil ay nagpakita ng magandang epekto para sa pag-alis ng stress, pagkabalisa. Nakakatulong din ito para mapabuti ang healing time.
Ang pagkain ng sariwang dalandan, paggamit ng orange marmalade. Maging ang pag-inom ng tsaa na may orange na balat ay maaaring mag-alok ng mga benepisyong ito sa kalusugan.
Bonus: Tubig!
Habang ang tubig ay hindi talaga itinuturing na isang “snack,” ito ay isang mahalagang bahagi ng ating diet. Sa pag-inom ng malamig na baso ng tubig, pwedeng itong makapagpasigla sa’yo at makatulong sa’yo na magpalamig.
Mayroong pang isang paniniwala, na kung minsan ay nililito ng utak ang pakiramdam ng uhaw sa gutom. Habang wala pang mga pag-aaral na sumusuporta sa koneksyon sa pagitan ng dalawa. Sinasabi namang may relasyon sa pagitan ng stomach volume at pagkabusog.
Kapag puno ang tiyan, tumataas ang presyon sa loob. Nakikita ng pressure receptors sa paligid ng tiyan ang “amount of stretch”, pagkatapos mapuno ng pagkain, tubig, at hangin ang tiyan. Kung ang tiyan ay masyadong puno, mas malamang na hindi ka makaramdam ng gutom. Samakatuwid ay pwede kang huminto sa pagnanasang kumain. Ang isa pang benepisyo ng tubig ay isa itong calorie-free, kaya maaari mo itong inumin nang walang iniisip na alinlangan.
Key Takeaways
Matuto pa tungkol sa Healthy Eating dito.
[embed-health-tool-bmi]