backup og meta

Paano magagamit ang baking soda para sa kalusugan?

Paano magagamit ang baking soda para sa kalusugan?

Saan ginagamit ang baking soda? Maraming gamit ang baking soda bukod sa pagluluto. Pagdating sa pag-neutralize ng mga amoy at paglilinis, mabisa ang baking soda. Bukod pa rito, ang baking soda ay may iba’t ibang benepisyo sa kalusugan. Halimbawa, maaari nitong mapawi ang heartburn, mapalakas ang performance sa ehersisyo, at mapaputi pa ang iyong mga ngipin. Higit pa rito, ang baking soda ay mura at madaling mabili. 

Narito ang mga paraan kung saan ginagamit ang baking soda.

  • Natural Antacid

Dahil ang baking soda ay isang natural na antacid, makakatulong ito sa mga adults sa heartburn at pananakit ng tiyan. Nakakapag-neutralize ito ng mga acid sa tiyan na nagdudulot ng mga sintomas na ito. 

Dahil ang baking soda ay naglalaman ng 630 mg ng sodium kada 1/2 kutsarita (2.3 gramo), bantayan ang paggamit mo ng sodium. Ang matagal na paggamit ay maaaring magresulta sa mga isyu sa puso at metabolic alkalosis. Ito ay isang kondisyon kung saan ang iyong dugo ay nagiging sobrang alkaline. Kumunsulta sa iyong doktor tungkol dito bago subukan.

  • Mouthwash

Ang mouthwash ay mahusay na pandagdag sa oral hygiene regimen mo. Dahil nararating nito ang mga bahagi ng ngipin, gums, at dila na hindi kaya ng brushing. Isang pag-aaral ang nagsabi na ang paggamit ng baking soda mouthwash ay hindi nakakabawas nang malaki sa oral bacterial level. Gayunpaman, pinataas nito ang mga antas ng pH ng laway, na mahalaga para maiwasan ang pagdami ng bacteria. 

  • Pampaputi ng ngipin

Ang pagpapahid ng baking soda ay pampaputi ng ngipin. Ang toothpaste na may baking soda ay mas gumagana kaysa sa toothpaste na walang baking soda upang pumuti ang ngipin at alisin ang plaque. Ito marahil ay dahil sa mga banayad na katangian ng baking soda, na maaaring makapagtanggal ng mga molecule na nagdudulot ng mantsa. 

  • Body spray

Alam mo ba na ang pawis ng tao ay talagang walang amoy? Nagkakaroon lamang ng amoy ang pawis kapag dumikit ang bacteria sa kilikili, na nagpo-produce ng mga acidic waste. Ito ang nagbibigay ng mabahong amoy sa pawis.

Ang baking soda ay kadalasang ginagamit bilang natural na deodorant upang maalis ang amoy sa pamamagitan ng pag-neutralize ng acidic scents.

Kung gusto mong gumawa ng sarili mong deodorant, maglagay ng baking soda sa kilikili. Maaari ding ihalo ito sa kaunting cornstarch, coconut oil, o shea butter.

  • Pangtanggal ng pesticide sa prutas at gulay

Ginagamit ang pesticides para protektahan ang mga pananim laban sa mga insekto, pathogen, rodent, at mga damo, ngunit marami sa kanila ay may masamang epekto sa kalusugan ng tao. Bilang resulta, maraming tao ang nag-aalala tungkol sa pesticide residue sa pagkain.

Pinakamahusay na balatan ang prutas para maalis ang pesticide. Kaya lang, inaalis mo rin ang mahahalagang sustansya tulad ng fiber, mga bitamina at mineral na nasa balat ng prutas. Ayon sa research, ang paghuhugas ng ani gamit ang baking soda ay mahusay na paraan para alisin ang pesticides sa mga prutas at gulay nang hindi kinakailangang balatan ang mga ito.  

Ayon sa isang pag-aaral, ang pagbababad sa mga mansanas sa mixture ng baking soda at tubig sa loob ng 12 hanggang 15 minuto ay nagawang maalis nang mahusay ang pesticide residue.

Tandaan na ang pamamaraang ito ay hindi nag-aalis ng mga pesticide sa mga gulay na tumatagos sa balat. Kailangan pa ng dagdag na research upang makita kung epektibo ito sa iba pang mga uri ng ani.

  • Maaaring mapawi ang singaw/ cold sores

Hindi tulad ng cold sores, na lumalabas sa iyong mga labi at nakakahawa, ang singaw ay maliliit, masakit na ulcers na maaaring lumabas sa loob ng bibig mo.

Bagamat kailangan ng dagdag na research, ipinapakita ng ilang naunang pag-aaral na ang pananakit dahil sa canker sore ay maaaring mapawi sa pamamagitan ng mouthwash na may baking soda.

  • Napapaginhawa ang sunburns at irritated na balat

Kung nakagat ng insekto o bee, madalas na ginagamit ang baking soda para mapawi ang pangangati ng balat. Bukod pa rito, mainam din ang oatmeal at cornstarch kaysa baking soda lang para mawala ang pangangati dahil sa sunburn. 

Maglagay ng 1-2 tasa (220-440 grams) ng baking soda sa maligamgam na tubig para magkaroon ng baking soda bath. Siguraduhin na ang apektadong lugar ay lubog sa tubig.  

Gumawa ng paste mula sa baking soda at kaunting tubig. Ipahid ito nang makapal sa apektadong lugar. Makabubuting kumonsulta muna sa iyong dermatologist bago gawin ito. 

Konklusyon

Madaling gamitin ang baking soda ngunit ang hindi tamang paggamit nito ay maaaring may panganib. Ang sobrang baking soda ay maaaring makalason sa ilang biological system at magdulot ng pagtatae, pagsusuka, at gas na maaaring magdulot ng kidney failure, dehydration, o convulsions. Mabuting alamin kung saan ginagamit ang baking soda.

Ang baking soda ay pangkaraniwang household item. Mainam itong panglinis at pang-neutralize ng amoy. Ito ay dahil maaari itong magamit para alisin ang mga matigas na mantsa, mabahong amoy, at linisin ang mga lugar na mahirap maabot tulad ng tile grout. Bukod pa rito, ang baking soda ay may ilang mga benepisyo sa kalusugan, kabilang ang potensyal na bawasan ang heartburn at maging ang pagpapaputi ng ngipin.  

Huwag gumamit ng baking soda o anumang concoction nang walang clearance mula sa iyong doktor.

[embed-health-tool-bmr]

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Sodium bicarbonate, https://www.mayoclinic.org/drugs-supplements/sodium-bicarbonate-oral-route-intravenous-route-subcutaneous-route/side-effects/, Accessed September 26, 2022

Teeth Whitening Using Baking Soda, https://www.bhandaldentistry.co.uk/news/teeth-whitening-baking-soda, Accessed September 26, 2022

Sore Throat Remedies that Work, https://health.clevelandclinic.org/sore-throat-remedies-that-actually-work/, Accessed September 26, 2022

Kasalukuyang Version

10/20/2022

Isinulat ni Corazon Marpuri

Narebyu ng Eksperto Chris Icamen

In-update ni: Corazon Marpuri


Mga Kaugnay na Post

8 Baking Ingredients Para Sa Mga Mayroong Allergy Sa Itlog , Alamin!

Ayos Lang Bang Kumain Ng Maaanghang Ang Mga Bata?


Narebyu ng Eksperto

Chris Icamen

Dietetics and Nutrition


Isinulat ni Corazon Marpuri · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement