Alam nating lahat kung gaano natutulungan ng mga sustansya tulad ng magnesium ang ating pangkalahatang kalusugan. Ngunit ano ang eksaktong nagagawa nito sa ating katawan? Sa artikulong ito, alamin natin ang mga benepisyo ng magnesium sa ating katawan at utak.
Ano ang Magnesium?
Ang magnesium ay mahalagang sustansyang kailangan ng ating katawan upang gumana nang mabuti. Tumutulong ang mineral na ito sa higit 300 enzymes sa pagsasagawa ng magkakaibang chemical reactions sa katawan, tulad ng:
- Protein synthesis
- Paggawa ng buto
- DNA synthesis
- Pagkontrol sa blood pressure at blood sugar
- Pagregulate ng muscle at nerve function
Nagsisilbi rin ito bilang electrical conductor ng katawan, nagko-contract sa mga muscle at nagiging sanhi ng patuloy na pagtibok ng puso. Higit kalahati ng magnesium ng katawan ay nasa mga buto habang ang natitira ay nasa magkakaibang tissue sa buong katawan.
Makakakuha ka ng mga sustansya mula sa magnesium sa pagkain at iba pang dietary, at sa mga multivitamin-mineral supplements.
Inirerekomenda ng mga eksperto na kailangang makakuha ng mga lalaki ng 400-420 mg ng magnesium kada araw. Habang kailangan naman ng mga babae ng 310-320 mg kada araw. Nagbibigay ng mga benepisyo sa kalusugan ang pagkonsumo ng sapat na dami ng magnesium araw-araw.
Ano ang Ibig Sabihin ng Pagkakaroon ng Mababang Levels ng Magnesium?
Kung hindi ka nakakakuha ng sapat na dami ng magnesium sa mas mahabang oras, maaari kang magkaroon ng ilang problema sa kalusugan, tulad ng:
- High blood pressure
- Mga sakit sa puso
- Type 2 diabetes
- Stroke
- Osteoporosis
- Migraine
Sa paglipas ng panahon, maaaring mauwi sa mababang calcium at potassium levels ang kakulangan sa magnesium. Bilang resulta, maaari kang makaranas ng mga sintomas tulad ng mga sumusunod:
- Pananakit ng ulo
- Kawalan ng ganang kumain
- Pagduduwal at pagsusuka
- Pagkapagod
- Panghihina ng mga muscle o kalamnan
- Pamamanhid o tingling sensations
- Pamumulikat
- Seizures
- Pagbabago sa personality
- Abnormal heart rhythm
Ang mga taong may iba pang kondisyon tulad ng gastrointestinal disease, type 2 diabetes, at maging ang may long-term alcoholism, ay nasa risk na kaunti lang ang nakukuhang magnesium. Ganito rin ang nangyayari sa matatanda, na nagiging sanhi ng panghihina ng mga muscle at buto.
4 na Benepisyo ng Magnesium
Napabubuti ng Magnesium ang Kalusugan ng Buto
Nangunguna sa listahan ng mga benepisyo ng magnesium ang kakayahan nitong mapabuti ang kalusugan ng buto at maiwasan ang pagkakaroon ng osteoporosis. Kinokontrol nito ang calcium levels sa pamamagitan ng pagbibigay daan sa activity regulation ng bone building cells at parathyroid hormone, na responsable sa calcium levels.
Sa isang cohort study ng Women’s Health Initiative sa 73,684 na postmenopausal na mga babae, natuklasang ang mababang pagkonsumo ng magnesium ay may kaugnayan sa lower hip at kabuoang body bone mineral density. Gayunpaman, itinala ng mga nagsulat ng pag-aaral na hindi lumabas sa kanilang findings na tumaas ang panganib ng pagkasira ng buto.
Binabawasan ng Magnesium ang Pagsakit ng Ulo at Migraine
Sa isang randomized double-blinded clinical trial, ang pagkonsumo ng magnesium citrate at magnesium oxide supplements (nasa 500 mg/day) ay nakatulong sa mga pasyenteng gumaling ang kanilang sakit ng ulo at migraine. Kaya naman, nagsisiwalat ito ng mas epektibo at mas mabilis na gamutan kaysa sa standard na gamot dito.
Ang National Headache Foundation ay nagrerekomenda ng daily magnesium dose na 400-600 mg upang mabawasan ang dalas ng pag-atake ng migraine. Ngunit, ang nabanggit na dosage ay mas mataas sa RDA, kaya’t maaari itong maging sanhi ng ilang side effect. Ipinapayo nilang kumonsulta muna sa doktor bago uminom ng mataas na dosage ng magnesium supplements.
Matutulungan ka ng Magnesium na Makatulog Nang Mas Mabuti sa Gabi
Ayon sa mga pag-aaral, makatutulong ang magnesium upang mabawasan ang mga sintomas ng insomnia. Nagpakita ito ng malaking pagbuti sa magkakaibang subjective at objective measures ng pag-inom ng 500 mg ng magnesium araw-araw sa loob ng walong linggo.
Dagdag pa, pareho din ang mga naging resulta sa ibang mga pag-aaral. Ang mga pasyenteng uminom ng pinagsamang supplement ng magnesium, melatonin, at vitamin B sa loob ng 3 buwan ay nakitaan ng malaking pagbabago sa kalidad ng kanilang pagtulog. Hindi lamang nito nabawasan ang mga sintomas ng insomnia at mga side effect, nagdulot din ito ng mas mataas na kalidad ng buhay.
Anong Pagkain ang Kayang Magbigay sa Iyo ng Mga Benepisyo ng Magnesium?
Makakakuha ka ng magnesium sa magkakaibang pagkain, kabilang ang:
- Dark green, leafy (madahon) vegetables (spinach, broccoli)
- Mga prutas (saging, dried apricots, avocado)
- Mani at mga buto (almonds, kasoy, flaxseeds, mani, buto ng kalabasa)
- Legumes (edamame, black beans, lima beans)
- Fiber-rich whole grains (quinoa, brown rice, millet, oatmeal)
- Soy products (soy, harina, tokwa)
- Dark chocolate
- Gatas at yogurt
Nakakaapekto ba ang Ibang Gamot sa Mga Benepisyo ng Magnesium?
Kung umiinom ka ng magnesium supplements, maaari itong makaapekto sa kung paano tinatanggap ng katawan mo ang ilang mga gamot, tulad ng:
- Diuretics
- Mga gamot para sa acid reflux at stomach ulcers
- Bisphosphonates (osteoporosis medication)
- Ilang antibiotics
Kung kumokonsumo ka ng mataas na dose ng zinc supplements, maaari itong makaapekto sa abilidad mong tumanggap at mag-regulate ng magnesium.
Key Takeaways
Sa kabuoan, maraming benepisyo ang magnesium sa ating buhay. Ngunit napakahalaga ring kumonsulta muna sa inyong doktor, dahil may ilang gamutan na maaaring makaapekto sa magnesium supplements.
Makatutulong ang pagkakaroon ng sapat na dami ng magnesium araw-araw upang manatiling ganado sa maghapon. Nagbibigay din ito ng dagdag na suporta upang magkaroon ng mas magandang kalusugan.
Matuto pa tungkol sa Nutrition Facts dito.
[embed-health-tool-bmr]