Ang kulay ng balat ng itlog ay nakaimpluwensya na sa mga tao kung ano ang nasa loob nito. Sa mga nakalipas na dekada, napunta ang pansin ng mga mamimili sa brown na itlog kumpara sa puting itlog. Pero mas marami bang nutritional benefits ang brown na itlog kumpara sa puti?
Brown na Itlog vs. Puting Itlog: Usaping Genetics
Ang kulay ng balat ng itlog ay depende sa breed ng manok na gumawa nito. Halimbawa, ang mga manok na White Leghorn ay nangingitlog ng puti. Samantala ang Plymouth Rocks at Rhode Island Red ay nangingitlog ng brown. Ang ilang lahi ng manok, gaya ng Araucana, Ameraucana, Dongxiang, at Lushi, ay may blue o blue-green na itlog.
Nagmumula sa mga pigment na ginagawa ng mga inahin ang iba’t ibang kulay ng balat ng itlog . Ang pangunahing pigment sa mga brown eggs ay tinatawag na protoporphyrin IX. Ang pigment na ito ay ginawa mula sa heme, ang parehong compound na nagbibigay sa dugo ng pulang kulay nito.
Maaari ding mag-iba ng kulay ang mga eggshell sa parehong lahi ng manok, depende sa genetic dominance sa mga indibidwal na ibon.
Iba Pang Mga Dahilan na Nakakaimpluwensya Kung Bakit may Brown na Itlog
Habang ang genetics ang pangunahing dahilan para matukoy ang kulay ng itlog, may iba pang mga dahilan na maaaring makaimpluwensya dito.
Ang ilan dito ay ang kapaligiran ng manok, pagkain, at maging ang stress level nila. Habang tumatanda ang mga manok na nangingitlog ng brown, may posibilidad na mas malaki at lighter-colored ang maging itlog.
Ang kapaligiran ng inahing manok ay maaaring may malaking epekto. Ito ay dahil ang mga itlog ng inahing manok na nakakagala sa ilalim ng sikat ng araw ay may 3-4 na beses ng dami ng vitamin D sa nasa kumbensyonal na inaalagaan. Ang uri ng feed na kinakain ng inahin ay maaari ding makaapekto sa nutrient content ng kanyang mga itlog.
Ang mga inahin na pinapakain ng mayaman sa omega-3 fatty acid ay nangingitlog ng may mas mataas na level ng omega-3 fatty acids kaysa sa normal. Ganoon din ang epekto na nakita sa vitamin D kapag ang mga manok ay kumakain ng vitamin-D-enriched feed.
Ang mga dahilang ito ay maaaring gawing mas lighter o darker ngunit hindi kinakailangang baguhin ang kulay mismo. Lahi pa rin ang pangunahing kadahilanan pagdating sa kulay ng itlog.
Nutritional Content
“Walang tunay na pagkakaiba sa nutrisyon sa pagitan ng dalawang [kulay] ng mga itlog,” sabi ni Rachel Daniels, MS, RD, senior director ng nutrisyon para sa Virtual Health Partners. Sinusuportahan ito ng agham: Isang pag-aaral noong 2010 na inilathala sa Poultry Science ang may parehong konklusyon.
Anuman ang kanilang laki, grado, o kulay, ang lahat ng mga itlog ay halos magkakapareho sa kanilang nutritional content. Ang isang tipikal na itlog ay naglalaman ng maraming bitamina, mineral, at mataas na kalidad na protina, lahat ay nasa mas mababa sa 80 calories.
Wala pa ring ebidensya na nagsasabi na alinman sa puti o brown na itlog ay mas mainam kumpara sa iba. Ito ay sa kabila ng isang pag-aaral na nagmumungkahi na ang mga brown na itlog ay mas mabigat kaysa sa mga puting itlog at may mas maraming shell at albumen (puti ng itlog). Sinasabi rin ng pananaliksik na ang mga brown na itlog ay maaari ding magkaroon ng mas kaunting pula ng itlog.