Tulad ng karamihan, siguradong marami kang paborito pagkain na masarap, ngunit di masustansyang pagkain. Nakakapagdulot man sila ng bahagyang kasiyahan kapag kinakain mo, marami namang hindi magandang epekto sa iyong pangkalahatang kalusugan. Kasama ba sa listahan ang mga paborito mong pagkain?
7 Di Masustansyang Pagkain
1. Ice Cream
Walang duda na masarap at nakakapreskong kumain ng ice cream o sorbetes. Subalit, hindi ito mabuti para sa kalusugan dahil sa sumusunod na dahilan:
- Mataas na antas ng taba
- Nagtataglay ng saturated fats
- Mataas ang asukal at calories
Bakit di masustansyang pagkain ang ice cream?
Ang ice cream ay hindi masustansya dahil ito ay isang energy-dense na pagkain at may mataas na antas ng refined carbohydrates, asukal, at taba. Ang isa at kalahating serving ng ice cream ay may 15 grams ng carbohydrates, 20-30 grams ng asukal depende sa flavor at 10-20 grams ng taba.
Sa pangkalahatan, napakataas ng asukal na nasa ice cream at ang pagkonsumo nito ay maaaring humantong sa masamang epekto sa kalusugan tulad ng diabetes, cardiovascular disease at iba pa.
Sa isang pag-aaral noong 2010, natuklasan ng mga mananaliksik ng Harvard School of Public Health na ang processed meat at di masustansyang pagkain. Ang pagkonsumo nito ay nagpapataas ng panganib ng sakit sa puso (42 %) at type-2 Diabetes (19), Bilang karagdagan, ang mga processed meat ay mataas sa sodium. Ang isang slice ng bologna ay maaaring maglaman ng mula 310 hanggang 480 milligrams ng sodium. Narito ba sa listahan ang iyong mga paboritong processed meat?
- Sausage
- Bacon
- Ham
- Salami
- Frankfurter
Inuri ng World Health Organization ang mga processed meat bilang isang Group 1 carcinogen o maaaaring maging dahilan ng cancer. Ang pagkain ng processed meat ay nagpapataas ng iyong panganib na magkaroon ng kanser sa bituka at tiyan.
3. Frozen French Fries
Ang mga French fries at tater tots ay di masustansyang pagkain. Alam mo ba na ang isang serving ng french fries ay maaaring maglaman ng higit sa 500 milligrams ng sodium, kasama ng 8 hanggang 11 gramo ng taba at halos 200 calories?
Maraming brand ng french fries ang gumagamit ng trans fats at palm oil na hindi maganda para sa kalusugan ng puso. Bagama’t ang mga fries ay nangangailangan ng konting wisik ng asin, maraming brands ang may hindi bababa sa 15% ng pang-araw-araw na rekomendasyon ng sodium sa bawat serving. Nandyan pa ang Acrylamide na matatagpuan sa overcooked fries at potato chips na naugnay sa cancer.
4. Cereals
Ang mga breakfast cereals ay karaniwang puno ng asukal kung kaya ito ay di masustansyang pagkain. Natuklasan ng Environmental Working Group na sampu sa pinakamatamis na cereal ay nasa pagitan ng 41 hanggang 56 porsyento ng asukal sa timbang. Naiugnay din ang pagkonsumo ng asukal sa mas mataas na low-density lipoprotein (LDL) na tinatawag na “masamang” cholesterol — at mas mababang high-density lipoprotein (HDL) na tinatawag na “magandang” kolesterol.
5. Cheese
Ang keso ay isang mahusay na mapagkukunan ng protina at calcium ngunit kadalasang mataas sa saturated fat at asin. Nangangahulugan ito na ang sobrang pagkain ay maaaring humantong sa mataas na kolesterol at mataas na presyon ng dugo, na nagdaragdag sa panganib ng cardiovascular disease.
Kung ang iyong diet ay mataas sa sodium at saturated fat, mataas ang panganib mo sa sumusunod na karamdaman:
6. Pizza
Depende sa crust, dami ng keso at toppings,ang pizza ay di masustansyang pagkain. Kahit na ang mag “healthy” pizza ay nagtataglay ng maraming sodium mula sa sarsa ng kamatis at keso.
Sa karaniwan, ang isang malaking slice ng pepperoni pizza ay naglalaman ng 311 calories, 13.5 gramo ng kabuuang taba, at 720 milligrams ng sodium. At iyon ay sa isang hiwa lamang. Ilan ba ang kaya mong kainin?
Maaaring pataasin ng pizza ang antas ng taba sa iyong katawan. Maaaring palitan ng mga tumataas na antas ng taba na ito ang magandang kolesterol ng iyong dugo at humantong sa pagbabara at pagtigas ng iyong mga ugat. Nagpapataas din ito ang panganib na magkaroon ng stroke o atake sa puso.
7. Burger
Bagama’t ang mga burger ay mahusay na sources ng protina, iron at Vitamin B12, marami din itong dalang problems sa nutrisyon. Kabilang na rito ang mataba na karne, matamis na ketchup at pinong grain buns.
Ayon sa siyensya, ang mga junk food ay puno ng calories, taba at labis na sodium. Ang pagkonsumo nito kahit isang beses ay maaaring makasama sa iyong kalusugan. Halimbawa, ang isang hamburger ay naglalaman ng 500 calories, 25 gramo ng taba, 40 gramo ng carbs, 10 gramo ng asukal, at 1,000 milligrams ng sodium, na sapat upang magdulot ng kalituhan sa iyong system.
Matuto pa tungkol sa Masustansyang Pagkain dito.
[embed-health-tool-bmr]