Isa sa mga inaalala ng mga health conscious ay ang kanilang diet, na lubos na nakaiimpluwensya sa kalusugan ng isang tao. Ngunit hindi lahat ay kayang panatilihin ang balanseng diet 7 araw kada linggo. Bilang resulta, maraming mga tao ang nakadepende sa benepisyo ng supplements sa kalusugan.
Pero, epektibo ba talaga ang mga ito? Anu-ano ang mga benepisyo ng dietary supplements? Kailan dapat uminom nito, at kailan hindi dapat?
Ano ang mga Dietary Supplements?
Ang mga dietary supplements ay mga produktong iniinom, kadalasan ay powders, liquids, tablets at pills. Ang mga produktong ito ay maaaring maglaman ng “dietary ingredients” na maaaring kahit ano sa mga sumusunod:
Mga Bitamina. Ito ay mga substance na kinakailangan ng ating katawan para mag function nang maayos. Kadalasan ay nag-a-absorb ito ng mga nutrisyon na galing sa mga pagkaing iyong kinakain. Ilan sa mga halimbawa ay bitamina C, bitamina A, at bitamina E.
Minerals. Ito ay tumutukoy sa mga substance na tinatawag na “element nutrients.” Kinakailangan ng katawan ng nutrisyon upang mapanatili ang normal na function ng mga buto at organs. Calcium, potassium, at iron ay ilan lamang sa halimbawa ng minerals.
Antioxidants. Ang mga sumasanggala na cell sa pinsala na nagaganap sa pang-araw-araw na buhay. Ilan sa mga karaniwang antioxidants na makikita sa dietary supplements ay lutein at lycopene.
Enzymes. Ginagamit ng katawan ang enzymes sa mga mahahalagang proseso gaya ng digestion. Ilan sa karaniwang enzymes na makikita sa dietary supplements ay cellulases at lipases.
Amino Acids. Upang magkaroon ng protina, kinakailangan ng katawan ng amino acids. Maaari rin silang makatulong sa pagtunaw ng pagkain at panggalingan ng lakas. Ilan sa mga halimbawa ng amino acids ay lysine at valine.
Herbs at Plant Extracts. Makikita kadalasan ang mga substance na ito sa mga halaman at herbs na ginagamit sa pagluluto. Ang mga karaniwang herbs o plant extracts ay maaaring nasa porma ng dietary supplements gaya ng bawang, gingko, at echinasea.
Ano ang mga Benepisyo Supplements?
Maraming mga benepisyo ng supplements. Ginawa ang mga dietary supplements upang matulungan ang katawan na magkaroon ng sapat na substances na kinakailangan nito upang mag function nang maayos. Nakatutulong din ito magpalakas ng immune system. Gayunpaman, ang mga dietary supplements ay hindi pampalit sa mga gamot o reseta na galing sa doktor. Hindi rin nitong kayang lumunas ng mga sakit.
Karagdagan, ang dietary supplements ay hindi pampalit sa buong pagkain. Sa mga naghahanap ng bunga ng dietary supplements ay kinakailangan pa rin ng balanseng diet.
Narito ang ilan sa mga halimbawa ng benepisyo ng dietary supplements:
- Ang bitamina C ay nagpapalakas ng immune system ng isang tao na makatutulong sa mga sakitin.
- Ang bitamina B6 ay tumutulong sa immune system mag function nang mas maayos.
- Mga dietary supplements na mayroong bitamina B12 ay nakatutulong sa labis na pagod o chronic tiredness dahil ang ito ay nakatutulong i-convert ang pagkain na magiging enerhiya.
- Tumutulong ang iron sa blood cells na magdala ng oxygen nang maayos sa buong katawan. Ang kakulangan sa iron ay nagiging sanhi ng anemia, na nagdudulot ng pagkapagod sa buong araw.
- Isa sa pinakamahalagang nutrients para sa buto ay ang calcium. Ang pag-inom ng calcium supplements ay maaaring may benepisyo sa mga nakararanas ng kakulangan sa calcium gaya ng osteoporosis, at lactose intolerance.
- Kilala ang bitamina D sa pag-absorb ng calcium nang mas epektibo kaya’t ito’y mahalaga sa pagbuo at pagpapanatili ng malusog na mga buto.
Kailangan ko bang Uminom ng Dietary Supplements?
Ang pinakamainam na paraan upang makuha ang mga mahahalagang substances ay kumain ng masustansya at balanseng diet. Gayupaman, sa ibang mga kondisyon ang dietary supplements ay maaaring kailangan. Para sa mga pangkat na mga taong ito, ang dietary supplements ay mayroong malinas at positibong epekto:
Pagkabuntis. Ang mga buntis ay kinakailangan na uminom ng dietary supplements na may folic acid at iron. Ang folate ay makatutulong upang iwasan ang problema sa panganganak samantalang ang iron ay ang pagbibigay ng kinakailangang oxygen para sa sanggol.
Ikaw ay Higit sa 50 ang edad. Ang mga taong higit sa edad na 50 ay kinakailangan ng dietary supplements na may bitamina B-12, dahil maaaring hirap sila sa pag-absorb nito sa kanilang diet. Ang mga matatanda na lampas 65 ang edad ay maaari ring uminom ng bitamina D na supplement upang mapanatili ang kalusugan ng buto.
Malakas na pagdurugo tuwing regla. Ang mga taong nakararanas ng malakas na pagdurugo tuwing regla ay may banta na mag-develop ang kakulangan sa iron o anemia.
Food related allergies and intolerances. Ang mga may allergy at intolerance sa pagkain ay kinakailangan uminom ng dietary supplements. Isa pang halimbawa ay ang calcium na supplements na nirerekomenda rin sa mga lactose intolerant.
Ang mga taong nakararanas ng mga medikal na kondisyon na nakahahadlang sa kanilang katawan na mag-absorb ng nutrisyon ay kinakailangan ding uminom ng dietary supplements.
Ano ang mga Panganib ng Supplements?
Ang ibang mga bitamina at minerals ay mayroong salungat na epekto kung ikokonsumo nang marami. Bilang pangunahing patakaran, tignan muna ang label ng dietary supplements na iyong iinumin at huwag lalagpas sa nirekomendang dami.
Ang ilang mga brands ay maaaring mayroon ding nakatagong sangkap na hindi inilagay sa label ng produkto. Gayunpaman, karamihan sa mga dietary supplements ay ligtas na gamitin. Kumunsulta sa doktor bago simulang gumamit ng kahit na anong supplements.
Key Takeaways
Hindi lahat ay kinakailangan uminom ng dietary supplements, at maaaring nakakukuha ka naman ng sapat na mahahalagang nutrisyon mula sa iyong kinakain. Ngunit para sa mga may food tolerance, limitadong kumakain ng masusutansyang pagkain, at mga tiyak na medikal na kondisyon ay maaaring mag benepisyo mula rito.
Gayunpaman, mahalagang sundin ang dami ng iinumin, paraan ng pag-inom mula sa label o sa doktor at tandaang ang mga supplements ay hindi mapapalitan ang mga medikal na lunas at balanseng diet. Laging komunsulta sa mga medikal na propesyunal bago magsimula ng dietary supplements.
Matuto pa tungkol sa Nutrition Facts dito.
[embed-health-tool-bmi]