backup og meta

Benepisyo ng Sayote, Anu-ano nga ba?

Benepisyo ng Sayote, Anu-ano nga ba?

Maraming tao ang pamilyar sa iba’t ibang uri ng gulay na kulay berde sa tuwing nakikita nila ito sa mga paborito nilang pagkain. Posibleng pamilyar ka rin sa repolyo na ginagamit sa nilaga o sayote na nasa paborito mong tinola. Ngunit naisip mo na ba kung ano ang mga benepisyo sa kalusugan ng mga gulay na ito na nasa iyong plato? Malalaman sa artikulong ito ang mga benepisyo ng sayote (chayote).

Alamin pa ang mga bagay tungkol sa sayote

Isa sa kapansin-pansin sa sayote ang hitsura nito na kahawig ng peras. Ngunit isa talagang uri ng kalabasa ang sayote (sechium edule), na kabilang sa cucurbitacae family na kasama rin ng iba pang kalabasa at pipino.

Pangunahing ginagamit ang sayote bilang sangkap sa iba’t ibang masustansyang sabaw at pagkain. Kaysa sa ibang halaman, mas naglalaman ng dietary fiber, protein, at vitamins ang ang mga nakakaing bahagi ng sayote tulad ng prutas, tangkay, at maliit na dahon. Mataas din ang mga buto nito sa amino acid contents gaya ng mga sumusunod:

  • Aspartic acid
  • Glutamic acid
  • Alanine
  • Arginine
  • Cysteine
  • Phenylalanine
  • Glycine
  • Histidine
  • Isoleucine
  • Leucine
  • Methionine (lalo na sa mga prutas)
  • Proline
  • Serine
  • Tyrosine
  • Threonine
  • Valine

[embed-health-tool-bmi]

Bukod sa mga building blocks ng protein, nakita rin sa mga pag-aaral na may malawak na medicinal properties ang sayote, kabilang dito ang:

  • Antioxidant
  • Antihypertensive
  • Diuretic
  • Antimicrobial
  • Antifungal
  • Vasorelaxant
  • Antihyperglycemic
  • Antiulcer
  • Diuretic
  • Membrane stabilizing
  • Hypouricemic
  • Hepatoprotective

Tinatawag din na vegetable pear, mirliton, o chayote squash ng ibang tao ang halamang ito.

Ano ang mga benepisyo ng sayote sa kalusugan?

Nagpapakita ng maraming benepisyo sa kalusugan ang kulay light-green at may manipis na balat na gulay na ito. Nakatutulong ang mga dahon nito sa pagtunaw ng mga kidney stones upang gamutin ang atherosclerosis at hypertension. Samantalang nakatutulong naman ang mismong gulay na mapawi ang urinary retention.

Mayaman sa antioxidants ang sayote

Tulad ng iba pang gulay, siksik sa antioxidant properties ang sayote, na responsable sa iba pang benepisyo para sa kalusugan.

Maaaring hindi mo pa alam na naglalaman din ng vitamin C ang sayote, isang kilalang antioxidant na mahalaga sa mga tao. Nakatutulong ito sa immune defense sa pamamagitan ng pagbibigay ng suporta sa maraming cellular functions sa parehong innate at adaptive immune systems.

Higit pa rito, ang mga leaf ethanolic extract, pati na rin lead at seed water extracts, nagpakita sila ng malakas na inhibitory activity laban sa B-carotene bleaching. Makatutulong ang mga pag-aaral na ito sa paggawa ng mga bio preservatives, health supplements, o mga pagkain laban sa oxidative stress.

Benepisyo ng sayote sa pagkontrol ng blood sugar levels

May mababang carbohydrates at mataas na soluble fiber ang sayote, kaya mabuti ito para sa mga taong may diabetes. Sa pamamagitan ng high-fiber diet, mas bumabagal ang food absorption, na nakatutulong na maayos ang blood sugar levels pagtapos kumain. Dagdag pa rito, maaari ding makatulong ang mga unique compound ng sayote sa pagpapataas ng insulin sensitivity.

Kumikilos ang mga nasabing compound sa pamamagitan ng pagpapababa ng enzyme activity na may kaugnayan sa poor management ng blood sugar at type 2 diabetes. Bukod pa rito, nagpakita rin ng pagpapababa sa blood glucose levels ang katas ng prutas na ito, pati na rin sa pagpapabuti ng lipid profile.

Nakatutulong ang dahon ng sayote magpababa ng uric acid level

Ayon sa mga mananaliksik ng Davao Medical School Foundation, Inc., mayroong uric acid-lowering effect ang dahon ng sayote na makatutulong sa mga taong may hyperuricemia. Tumutukoy ito sa kondisyon ng pagkakaroon ng abnormal na level ng uric acid na may matindi ring kaugnayan sa pagkakaroon ng gout.

Sa kanilang pag-aaral, nakakita ng hindi bababa sa 25% na pagbaba ng uric acid levels sa mga kuneho. Ayon sa kanila, may kinalaman ang resulta na ito sa kayamanan ng flavonoids, lalo na sa tatlong C-glycosyl at limang o-glycosyl flavones.

Key Takeaways

Dahil sa dami ng makikitang health properties dito, pinaniniwalaan ng mga mananaliksik na isa ang sayote sa pinakamahusay na herbal medicine na mapakikinabangan ng mga tao.
Maaaring makapagbigay ng mga kinakailangang sustansya ang pagkain ng sapat na dami nito mula sa mga paborito mong pagkain, tulad ng tinolang manok.
Anong pagkain pa na may halong sangkap na sayote ang inihahanda mo sa bahay? Ibahagi ito sa amin sa comments.

[embed-health-tool-bmi]

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Chayote, https://www.hort.purdue.edu/newcrop/1492/chayote.html Accessed January 19, 2022

Chayote, https://aggie-horticulture.tamu.edu/archives/parsons/vegetables/chayote.html Accessed January 19, 2022

Using and Preserving Chayote, https://nchfp.uga.edu/publications/nchfp/factsheets/chayote.pdf Accessed January 19, 2022

Sayote, http://www.stuartxchange.org/Sayote.html Accessed January 19, 2022

Sayote leaves lower uric acid level, say researchers, https://www.pchrd.dost.gov.ph/index.php/r-d-updates/3194-sayote-lowers-uric-acid-level-says-researchers Accessed January 19, 2022

Vitamin C and Immune Function – Anitra C Carr and Silvia Maggini, https://pubmed.ncbi.nlm.nih.gov/29099763/ Accessed January 19, 2022

Issues in Nutrition: Carbohydrates – Margaret E. Thompson and Mary Barth Noel, https://pubmed.ncbi.nlm.nih.gov/28092151/ Accessed January 19, 2022

Revisiting “Vegetables” to combat modern epidemic of imbalanced glucose homeostasis – Ashok Kumar Tiwari, https://pubmed.ncbi.nlm.nih.gov/24991093/ Accessed January 19, 2022

Dietary fiber: Essential for a healthy diet, https://www.mayoclinic.org/healthy-lifestyle/nutrition-and-healthy-eating/in-depth/fiber/art-20043983#:~:text=In%20people%20with%20diabetes%2C%20fiber,of%20developing%20type%202%20diabetes. Accessed January 19, 2022

 

Kasalukuyang Version

06/15/2023

Isinulat ni Daniel de Guzman

Narebyung medikal ni Mae Charisse Antalan, MD

In-update ni: Lorraine Bunag, R.N.


Mga Kaugnay na Post

8 Baking Ingredients Para Sa Mga Mayroong Allergy Sa Itlog , Alamin!

Ayos Lang Bang Kumain Ng Maaanghang Ang Mga Bata?


Narebyung medikal ni

Mae Charisse Antalan, MD

General Practitioner


Isinulat ni Daniel de Guzman · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement