Mula pa noong sinaunang panahon, ang bawang ay matagal nang ginagamit bilang gamot sa maraming mga medikal na kondisyon. Walang iba kundi si Hippocrates, “ang ama ng Western Medicine,” ang nanggamot ng mga karamdaman sa pamamagitan ng bawang. Epektibo at maraming nagagawa ang bawang kaya’t higit pa ito sa pamahiin bilang isang bagay na kinatatakutan ng mga bampira. Ang garlic supplements ay patuloy na ginagamit sa kasalukuyan hindi lamang bilang pandagdag lasa sa mga ulam. Subalit ano nga ba ang mga benepisyo ng garlic supplement? Alamin sa artikulong ito.
Benepisyo Ng Garlic Supplement Sa Blood Pressure At Kalusugan Ng Puso
Noon pa mang sinaunang panahon, ang bawang (Allium sativum) ay ginagamit na sa buong mundo dahil ito ay mabuti para sa puso.
Kabilang sa mga benepisyo ng pagkain ng bawang ay ang kakayahan nitong magpababa ng presyon ng dugo. Subalit sa kasamaang-palad, hindi pare-pareho ang mga resulta ng iba’t ibang meta-analyses ng mga klinikal na pag-aaral tungkol sa mga anti-hypertensive na epekto ng bawang. Gayunpaman, ayon sa ilang nailathalang pagsusuri, kabilang sa mga benepisyo ng garlic supplement ay may kaugnayan sa altapresyon at lebel ng cholesterol.
Mahigit sa 10 pag-aaral na isinagawa sa pamamagitan ng Kwai garlic powder ang nagmungkahing ang supplements na ito na may doses na 600 hanggang 900 mg/araw ay nagdudulot ng mabisang epekto sa presyon ng dugo sa mga indibidwal na may altapresyon. Gayunpaman, hindi ito ang kaso sa mga taong may normal na presyon ng dugo.
Sa isa pang klinikal na pag-aaral, ang gamutang may garlic homogenate-based supplementary diet sa loob ng 12 linggo ay nagreresulta sa malaking pagbaba ng parehong systolic na presyon ng dugo at diastolic na presyon ng dugo sa mga pasyenteng may altapresyon.
Ang pinaka-pare-parehong epekto ay naobserbahan ng mga mananaliksik na nagsagawa ng mga pag-aaral gamit ang aged garlic extract (AGE). Natuklasang ang AGE ay lubhang nakapagpapababa ng presyon ng dugo ng mga pasyenteng may altapresyong hindi makontrol. Iminumukahi nitong maaari itong maging epektibo bilang mabisang pandagdag na therapy para sa hindi makontrol na altapresyon.
Natuklasan ng mga eksperto na ang aged garlic extract ay maaaring makapagpababa ng paninigas ng artery, makapagpabawas ng pamamaga, at makapagpabuti ng microbiota ng bituka para sa kalusugan ng cardiovascular.
Karamihan sa mga pag-aaral ay nagsaad na ang supplements na ito ay lubhang ligtas. Kaunting mga pag-aaral lamang ang nagsabing ang paggamit ng bawang ay maaaring maging sanhi ng mga masasamang epekto. Ang ilan sa mga ito ay masamang hininga, amoy sa katawan, at hindi gaanong malubhang gastrointestinal disturbances. Ang side-effects na ito ay naging mas kapansin-pansin sa mga pag-aaral na gumamit ng hilaw na bawang at nakapagpapagaan ng mga interbensyon sa tulong ng AGE.
Sa kabila ng pagiging ligtas inumin, bago magsimulang uminom ng garlic supplements, dapat itong ipagbigay-alam sa iyong doktor. Ito ay dahil maaaring magkaroon ito ng interaksyon sa iyong kasalukuyang gamutan o mga komplikasyon sa kalusugan.
Hindi Epektibo Ang Garlic Supplements Sa Colorectal Cancer At HIV
Sa kasamaang palad, hindi ganito ang kaso sa pagiging epektibo ng garlic supplements sa colorectal cancer. Sa isang pag-aaral na isinagawa noong 2014, ang allium vegetables at garlic supplements ay sumailalim sa isang dose-response regression. Walang nakitang kaugnayan sa pagitan ng mas mataas na pagkain ng allium vegetables at colorectal cancer risk.
Sa katunayan, ang paggamit ng ganitong uri ng supplements ay nakapagpapataas ng tyansa ng pagkakatoon ng colorectal cancer. Ayon sa pag-aaral, ang resultang ito ay nangangailangan ng external validation.
Ayon sa Mayo Clinic, bagama’t ang bawang mismo ay maaaring makatulong sa pagpapalakas ng resistensya, maaaring hindi ito katulad ng garlic supplements. Tungkol sa HIV, ang supplements na ito ay maaaring magkaroon ng interaksyon sa ilang anti-HIV na mga gamot at lubhang nakapagpapabawas sa pagiging epektibo nito.
Ang pangmatagalang paggamit ng supplements na ito ay maaaring maging sanhi ng mga problema, kabilang na ang pagkakaroon ng amoy sa hininga at balat, maging allergic reactions. Kinakailangang pag-aralan nang mas detalyado ang pangmatagalang pag-inom ng garlic supplements upang matukoy ang pangkalahatang kaligtasan at bisa nito.
Key Takeaways
Ang bawang ay matagal nang ginagamit bilang popular na condiment at pampalasa sa lahat ng uri ng lutuin. Ginagamit na ito mula pa noong unang panahon dahil ito ay mabuti sa kalusugan ng puso ng isang tao.
Ano-ano ang mg benepisyo ng garlic supplement? Ang supplements na ito tulad ng Kwai garlic powder at aged garlic extract ay natuklasang nakatutulong sa sirkulasyon ng dugo. Bilang babala, ginamit din ang garlic supplemens sa mga pag-aaral sa colorectal cancer at HIV. Ang mga resulta ng mga pananaliksik na ito ay hindi gaano positibo. At ang garlic supplements ay maaaring makapagpalubha ng sitwasyon.
Matuto pa tungkol sa Nutrition Facts dito.
[embed-health-tool-bmr]