Kung nakagawian mong maghanap ng supplements sa online, marahil ay nakita mo na ang maraming fenugreek supplement brands. Ngunit sulit nga ba ang mga ito? Ano ang mga benepisyo ng fenugreek supplement sa kalusugan na sinusuportahan ng agham? Alamin sa artikulong ito.
Ano Ang Fenugreek?
Hindi man kasing sikat ng soy ang fenugreek, ngunit nagmula ang dalawang ito sa parehong pamilya ng halaman. Hindi lamang ito ginagamit bilang pampalasa sa mga pagkain, subalit pinaniniwalaang mayroon din itong maraming benepisyo sa kalusugan. Bukod sa mga tuyo at sariwang buto ng fenugreek, ginagamit din ang mga dahon, ugat, at sanga ng halamang ito.
Anu-Ano Ang Mga Benepisyo Ng Fenugreek Supplement?
Kung pinaplano mong bumili ng fenugreek supplement, kailangan mo munang alamin ang mga impormasyon tungkol sa herb na ito. Narito ang ilang benepisyo ng fenugreek supplement:
1. Pagkontrol sa diabetes
Ayon sa mga ulat, ang isa sa mga benepisyo ng fenugreek supplement ay maaari itong makatulong sa pagkontrol ng diabetes. Ito ay dahil mayroon itong anti-diabetic functions, tulad ng:
- Pagbaba ng starch digestion
- Pagbaba ng absorption ng glucose sa bituka
- Pagtaas ng sensitivity sa insulin
- Pagdami ng produksyon ng insulin
Natuklasan din sa ilang mga pag-aaral na ang mga kalahok sa pananaliksik na uminom ng 10 grams ng mainit na tubig na may babad na fenugreek araw-araw sa loob ng 6 na buwan ay nagkaroon ng mas maayos na kontrol sa blood sugar kaysa sa mga kalahok na hindi sumailalim sa fenugreek treatment.
Ayon sa konklusyon ng isa pang imbestigasyon, ang pag-inom ng 10 grams ng fenugreek araw-araw ay nakatutulong upang mabawasan ang tyansa ng pagkakaroon ng type 2 diabetes sa mga taong na-diagnose na may pre-diabetes o insulin resistance.
Iniulat din ng mga eksperto na ang fenugreek ay posibleng mabisa sa pagpapababa ng blood sugar pagkatapos kumain sa mga taong may type 1 o type 2 na diabetes.
2. Pinabubuti nito ang kalusugan ng puso
May ilang mga taong hindi bumibili ng fenugreek supplement dahil sa kanilang mga problema sa blood sugar. Binili nila ito sa pag-asang mapabuti ang kalusugan ng kanilang puso.
Sinasaad ng mga ulat na ang fenugreek ay may compounds na pumipigil sa produksyon ng cholesterol sa atay at pag-absorb ng cholesterol sa bituka. Sa katunayan, ang 10 hanggang 30 grams ng fenugreek tatlong beses araw-araw ay maaaring makatulong na mapababa ang kabuoang lebel ng cholesterol. Tinukoy ng isang pag-aaral ang benepisyong ito para sa mga taong may diabetes at mild atherosclerosis.
Mayroon ding mga ulat na nagsasabing ang fenugreek ay maaaring makatulong sa pagpapataas ng high-density lipoprotein o good cholesterol at pagbaba ng triglyceride.
3. Napabubuti nito ang sperm count
Maaari ding makabuti ang pag-inom ng fenugreek supplement sa mga kalalakihang may problema sa kanilang kalusugan at bilang ng sperm.
Sa isang pag-aaral noong 2017 na nilahukan ng 50 kalalakihan, natuklasan ng mga mananaliksik na ang pag-inom ng fenugreek supplement sa loob ng 12 linggo ay:
- Nakapagpapataas ng lebel ng testosterone
- Nakapagpapabuti ng health profile ng sperm
Bukod pa rito, ang supplement ay nakapagpapabuti rin ng mental alertness, pangkalahatang pagganap, at kalusugan ng cardiovascular.
4. Maaari itong makatulong sa pagpapaginhawa ng menstrual cramps
Sa tuwing nakararanas ng period cramps, ang ilang mga kababaihan ay hindi umiinom ng painkillers. Sa halip, naghahanap sila ng fenugreek supplement. Ito ay dahil mayroon itong epekto na nakapagpapawala ng sakit.
Natuklasan sa isang pag-aaral na ang mga kababaihang umiinom ng fenugreek supplement ng tatlong beses araw-araw sa unang tatlong araw ng kanilang regla sa loob ng dalawang buwan ay nakararanas ng mas maikling tagal ng pananakit at mas kaunting mga sintomas.
Paano Inumin Ang Fenugreek Supplement?
Bago uminom ng anomang fenugreek supplement, kumonsulta muna ito sa iyong doktor. Ito ay lubhang mahalaga kung may iba pang kondisyon sa kalusugan, tulad ng altapresyon, mataas na blood cholesterol, at diabetes.
Bagama’t ang fenugreek ay kinakikitaan ng ilang patunay na napabubuti nito ang mga kondisyong ito, ang bawat tao ay magkakaiba at maaaring makaranas ng iba-ibang epekto sa supplement. Bukod pa rito, ang herbal supplements ay maaaring magkaroon ng interaksyon sa gamot na kasalukuyang iniinom at sa diet.
Key Takeaways
Kung napagpasyahan mong uminom ng fenugreek supplement, dapat itong inumin nang ayon sa itinuturo sa pakete o ayon sa tagubilin ng iyong doktor o pharmacist. Huwag uminom ng dalawang supplement na naglalaman ng fenugreek sa parehong oras.
Gayundin, mahalagang tandaan na ang fenugreek ay maaaring makaapekto sa pamumuo ng dugo at tumaas ang tyansa ng pagdurugo. Kung sasailalim sa anomang medikal na operasyon, ipagbigay sa iyong doktor ang tungkol sa supplement.
Sa huli, kung ang iyong kondisyon ay hindi bumuti o lumulubha ang mga sintomas habang umiinom ng supplement, agad na ipaalam ito sa iyong doktor. Maaari nilang imungkahi ang pagtigil sa pag-inom ng supplement o palitan ito ng iba na maaaring maging epektibo.
Matuto pa tungkol sa Nutrition Facts dito.
[embed-health-tool-bmr]