backup og meta

Ayos Lang Bang Kumain Ng Maaanghang Ang Mga Bata?

Ayos Lang Bang Kumain Ng Maaanghang Ang Mga Bata?

Masama ba ang maanghang sa bata dahil sa tradisyunal na paniniwala na hindi nila gusto ang maanghang na pagkain? Matalas ang panlasa ng mga bata. Napapansin nila ang mga pagbabago ng lasa sa kanilang pagkain.  Ang pagpapakain ng maanghang sa bata ay nagdulot ng kontrobersiya sa Korea noong 2021. Inilathala ng The Korea Times ang reklamo ng grupong Political Mamas sa National Human Rights Commission of Korea laban sa Ministry of Education. Dahil ito sa pagpapakain ng parehong maanghang sa mga kindergarten at elementary students. Sinabi ni Jang Ha-na, na miyembro ng Political Mamas na may sensitibong panlasa ang mga bata kaysa matatanda. Kung kaya ay maaari silang makaramdam ng sakit kapag kumain ng maanghang. Ito rin ay maaaring magdulot ng problema sa kanilang digestive system.

Gusto ba ng bata ang maanghang na pagkain?

Karamihan sa mga magulang ay nagtatanong kung masama ba ang maanghang sa bata. Sa ilang kultura,  lumalaki ang mga bata at natural silang kumakain ng maanghang na pagkain. Ayon sa pag-aaral ni Paul Rozin, isang psychologist sa University of Pennsylvania, ang maagang pagkakalantad ay kabilang sa mga salik na nagpapaliwanag kung bakit nagugustuhan ng tao ang kumain ng maanghang. Ngunit sinabi din ng researchers na may kinalaman din dito ang personalidad. Mas gusto ng ilang tao ang maanghang na pagkain, at baka isa dito ang iyong anak. Pinag-aralan din ito ng mga eksperto sa Montefiore Medical Center na isang teaching hospital ng Albert Einstein College of medicine sa New York. Ayon sa pag-aaral, may mga batang kayang kumain ng maanghang at mas kailangan nila ang mas may intense na lasa ng pagkain upang maging interesado dito.

Agree ba si dok na masama ba ang maanghang sa bata?

Ang mga maanghang na pagkain ay maaaring makatulong sa pag-diversify ng diyeta ng isang bata. Isang pamamaraan ito habang pinapalawak ang kanyang panlasa. Inirerekomenda ng Centers for Disease Control and Prevention na magsimulang maglagay ng ibang lasa ng pagkain paunti-unti sa maliit na halaga. Ayon kay Dr. Tracy Agnese, isang pediatrician sa New York City, karamihan sa mga bata na nasisiyahan sa maanghang na pagkain ay nagsisimulang kumain ng mga ito sa anim na buwan pa lamang. Sinabi niyang ligtas sa bata ang mga aromatic foods tulad ng bawang, turmeric at ginger.

Ano ang epekto ng capsaicin sa mga bata?

Magkakaiba ang opinyon ng mga doktor kung masama ba ang maanghang sa bata. Ayon kay Dr. Jayna Metalonis, isang registered dietician sa UH Specialty Care Clinic sa Ohio, hindi naman talaga sinusunog ng capsaicin ang iyong dila. Ito ay panlilinlang ng iyong utak upang isipin mo na may nangyaring pagbabago ng temperatura kung kaya nakaramdam ka ng sensasyon ng init at pagkasunog. Ang capsaicin ang kemikal na taglay ng chili peppers kung kaya ito maanghang. Ngunit posibleng maging mapanganib ang capsaicin sa mga nasa murang edad. Maaari itong magresulta sa:

  • Pagkahilo
  • Pagsusuka
  • Sakit sa tiyan
  • Diarrhea

Ayon sa mga eksperto, hindi lamang nagpapainit ng pakiramdam ang capsaicin. Dahil dito ay maaaring mamaga ang balat at ang mucus membranes. Kapag napadami ang kinain mo ay posibleng magsuka at magtae. May kaso ng isang walong buwang bata na namatay matapos kumain ng sili. Ang capsaicin ay isa ring eye irritant. Kapag ito ay iyong nahawakan at nilagay sa mata ay makakaramdaman ka ng pagkasunog na sensayon sa mata.

Ano ang pwedeng gawin ng magulang?

Hindi kailangang isugal ang kalusugan at kaligtasan ng inyong anak kung tunay na masama ang maanghang sa bata. Karamihan naman sa kanila ay ayaw ng maanghang na pagkain. Dapat siguraduhin mo na kung kakain man ang iyong mga anak ng maanghang ay konti lamang. Kapag aksidenteng nakakain ng sobrang anghang, dapat ay palaging may handa na gatas. Ito ang pinakamabisang panlaban sa nasusunog na pakiramdam hatid ng capsaicin. Ang gatas ay may casein na tumutulong upang masira ang mga capsaicin. Kung gusto mong sanayin na kumain ng maanghang ang iyong anak, magsimula sa mga mild jalapenos. Ngunit iwasan ito kapag ang bata ay may sensitibong panlasa at digestive system.

[embed-health-tool-bmr]

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Spice can be nice for kids

https://blogs.einsteinmed.edu/spice-can-be-nice-for-kids-and-improve-nutrition/#:~:text=For%20some%20kids%2C%20(less),to%20including%20more%20of%20them.

A hot topic: are spicy foods healthy or dangerous

https://www.uchicagomedicine.org/forefront/health-and-wellness-articles/spicy-foods-healthy-or-dangerous#:~:text=Although%20spicy%20foods%20don’t,dyspepsia%20(or%2C%20indigestion).

The health benefits of spicy foods

https://www.piedmont.org/living-better/the-health-benefits-of-spicy-foods#:~:text=Spicy%20foods%20have%20been%20shown,by%20up%20to%205%20percent.%E2%80%9D

Spicy food challenges

https://www.uhhospitals.org/blog/articles/2022/06/spicy-food-challenges-harmful-or-healthy#:~:text=For%20people%20with%20certain%20underlying,Celiac%20disease

Does spicy food make you smarter

https://ie-education.co.uk/does-spicy-food-make-you-smarter/#:~:text=Faster%20cognitive%20response%20time%20leads,and%20the%20related%20Alzheimer’s%20disease.

Kasalukuyang Version

12/13/2024

Isinulat ni Lovely Carillo

Narebyung medikal ni Regina Victoria Boyles, MD

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Totoo bang may Allergic sa Beer? Paano Ito Nagagamot?

8 Baking Ingredients Para Sa Mga Mayroong Allergy Sa Itlog , Alamin!


Narebyung medikal ni

Regina Victoria Boyles, MD

Pediatrics


Isinulat ni Lovely Carillo · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement