backup og meta

5 Bagay Na Dapat Malaman Tungkol Sa Betsin

5 Bagay Na Dapat Malaman Tungkol Sa Betsin

Mas kilala sa Pilipinas bilang betsin (vetsin), ang monosodium glutamate ay hindi nawawala sa kusina ng maraming pamilya sa loob ng mahabang panahon hanggang sa naiulat na ito ay masama para sa kalusugan. Ngunit totoo nga bang ang paggamit ng betsin ay may kaugnayan sa pagkakaroon ng mga negatibong sintomas? Subalit ano ang betsin? Narito ang mga mahahalagang impormasyong dapat malaman tungkol sa betsin.

1. Ito ay mula sa pinatuyong seaweed

Ano ang betsin o MSG? Dahil ang MSG ay nangangahulugang monosodium glutamate, isang lubhang “kemikal” na pangalan, may ibang taong nag-iisip na ito ay artipisyal na additive sa pagkain. Ngunit sa katunayan, ang monosodium glutamate o betsin ay isang natural na compound na nakikita sa mga pagkain tulad ng keso at kamatis.

Kung iisipin, ang siyentistang nakadiskubre nito, si Kikunae Ikeda, ay hinango ito mula sa pangunahing sangkap ng dashi, ang seaweed na tinatawag na Laminaria japonica. Ang dashi ay isang fermented na sabaw na nagbibigay ng lasa ng karne sa mga hindi karneng pagkain tulad ng gulay at soy.

Hinango ni Ikeda ang MSG (asin ng glutamic acid) mula sa singaw ng sabaw ng seaweed. Kalaunan, ito ay sumailalim sa mass production bilang Ajinomoto, na tinatawag ng maraming mga Pilipino bilang betsin.

Mahalagang Malaman

Ang MSG ay maaaring gawin nang synthetical. Gayunpaman, mahalagang tandaan na ang Ajinomoto, ang brand na ginagamit ng maraming mga Pilipino, ay nag-formulate ng kanilang betsin mula sa mga produktong gawa sa halaman, tulad ng tubo.

2. Ang pagdaragdag ng betsin ay nakapagpapabuti o nakapagpapasarap ng lasa ng pagkain

Bagama’t hindi gusto ng ibang tao ang ideya ng pagdaragdag ng betsin sa kanilang pagkain, ang iba — maging ang mga eksperto — ay sumasang-ayon na ang additive ay nakapagpapasarap sa lasa ng pagkain.

Ito ay isang magandang bagay dahil sa pamamagitan nito, ang pagkain ng gulay ay ikinasisiya ng mga taong hindi kumakain nito.

3. Ikinategorya ng US FDA ang betsin bilang “ligtas”

Ang pagkilala sa betsin bilang ligtas ay nangangahulugang itinuturing ito ng mga eksperto bilang ligtas na ikonsumo hangga’t ginagamit ito nang wasto.

Dahil mayroong pa ring mga usapin at ulat na may ibang mga taong sensitibo sa additive, ipinag-uutos pa rin ng FDA sa mga kompanya na ilagay sa packaging kung ginamit nila ito sa kanilang produkto.

Kinilala rin ito ng FDA ng Pilipinas na ligtas, at ito ay maaaring ipagbili ng mga tindahan.

4. May mga taong maselan sa betsin

Tulad ng nabanggit kanina, ang betsin ay napapalibutan pa rin ng mga usapin dahil may mga ulat na ang ibang tao ay nakararanas ng MSG symptom complex, kabilang dito ang:

Gayunpaman, mahalagang tandaang ang mga eksperto ay walang nakitang matibay na ugnayan sa pagitan ng mga sintomas na ito at ng MSG. Sumasang-ayon sila na may kaunting mga taong may panandaliang reaksyon sa MSG. Subalit ang mga kasong ito ay kadalasang hindi nangangailangan ng gamutan.

5. Tatlong beses na mas mababa ang sodium nito kaysa sa asin

Ang paggamit ng betsin ay nangangahulugang paggamit ng 3 beses na mas mababang sodium kaysa sa asin? Ayon sa mga ulat, ang 1 tsp ng betsin ay may halos 500 mg ng sodium, habang ang 1tsp ng asin ay naglalaman ng 2300 mg na table salt.

Kaya kung naghahanap ng paraan upang mapababa ang paggamit ng sodium, mas mainam na gumamit ng betsin kaysa asin.

Dahan-dahanin ang lahat

Ang paglalagay ng betsin sa pagkain ay maaaring hindi makasama sa kalusugan. Subalit ang sobra at madalas na paggamit nito ay iba nang usapan. Gayunpaman, mayroon pa ring ilang mga ulat na ang sobrang paggamit ng betsin ay maaaring maging mapanganib sa kalusugan ng isang tao. Katulad ng maraming mga sangkap, ang pagdadahan-dahan ang susi sa problemang ito. Kung gusto mong gumamit ng betsin kaysa asin, tandaang hindi lamang ito ang iyong opsyon. Mayroon pang ibang natural na pampalasa na maaring gamitin.

Dagdag pa, mahalagang tandaan na maraming mga packaged at de-latang pagkain ang gumagamit din ng betsin bilang pampabuti ng lasa. Kung kaya kailangang isaalang-alang ang mga ito kaysa sa paggamit ng betsin sa bahay.

Key Takeaways

Ano ang betsin o MSG? Ang MSG ay nangangahulugang monosodium glutamate at ayon sa eksperto, ito ay ligtas gamitin hangga’t ginagamit lamang ito nang tama. Huwag ito gamitin nang sobra. Hangga’t maaari, gumamit ng natural na sangkap o pampalasa upang mas lumabas ang lasa ng pagkain.

Matuto pa tungkol sa Nutrition Facts dito.

[embed-health-tool-bmr]

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

It’s the Umami, Stupid. Why the Truth About MSG is So Easy to Swallow, https://www.smithsonianmag.com/arts-culture/its-the-umami-stupid-why-the-truth-about-msg-is-so-easy-to-swallow-180947626/, Accessed July 1, 2022

What is AJI-NO-MOTO® and How is it Made?, https://www.ajinomoto.com/msg/what-is-aji-no-moto-and-how-is-it-made, Accessed July 1, 2022

Questions and Answers on Monosodium glutamate (MSG), https://www.fda.gov/food/food-additives-petitions/questions-and-answers-monosodium-glutamate-msg, Accessed July 1, 2022

What is MSG? Is it bad for you?, https://www.mayoclinic.org/healthy-lifestyle/nutrition-and-healthy-eating/expert-answers/monosodium-glutamate/faq-20058196, Accessed July 1, 2022

The Truth About MSG (Monosodium Glutamate), https://www.bannerhealth.com/healthcareblog/teach-me/the-truth-about-msg, Accessed July 1, 2022

Kasalukuyang Version

09/11/2024

Isinulat ni Niña Christina Lazaro-Zamora

Narebyu ng Eksperto Chris Icamen

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

8 Baking Ingredients Para Sa Mga Mayroong Allergy Sa Itlog , Alamin!

Ayos Lang Bang Kumain Ng Maaanghang Ang Mga Bata?


Narebyu ng Eksperto

Chris Icamen

Dietetics and Nutrition


Isinulat ni Niña Christina Lazaro-Zamora · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement