backup og meta

5 Palamig Recipes na Mura, Masarap, at Masustansya Pa!

5 Palamig Recipes na Mura, Masarap, at Masustansya Pa!

Isa sa pinakamadaling paraan para labanan ang init ay ang pag-inom ng palamig. Kabilang na rito ang mga juice, shakes, o kahit ano pang malamig na inumin na nakapapawi ng uhaw at nakakatulong para maging presko ang pakiramdam.

Dahil sa parating na ang summer, gumawa kami ng mga simpleng recipes ng palamig na hindi lang masarap, ngunit healthy rin. Subukan na ang mga recipes na ito!

Palamig Recipes na Mura, Masarap at Masustansya

Mango Shake

Isa sa pinaka-popular na inumin sa Pilipinas ay ang mango shake. Bukod sa masarap, masustansya rin ang mga mangga at punong-puno ng mga vitamins at minerals na kailangan ng katawan. Kabilang na rito ang vitamin C, vitamin A, vitamin E, folate, magnesium, potassium, at fiber na nakatutulong sa digestion.

Ang recipe na ito ay hindi na kailangan ng asukal dahil may natural nang tamis ang mga mangga. Gayunpaman, puwede pa rin itong haluan ng asukal o kaya ay artificial sweetener kung nais mo pa ng mas matamis na palamig.

Ingredients:

  • Fresh Mangoes
  • Green Mangoes (optional)
  • Ice
  • Water

Steps:

  1. Alisin ang balat sa mga mangga, at kayurin din ang laman na nakadikit sa buto.
  2. Ilagay ang mga ingredients sa blender, at i-blend hanggang makuha ang nais na consistency.
  3. Ready na itong i-serve at inumin! Kung gustong mas creamy, puwede rin itong haluan ng low-fat milk.

Mixed Fruit Shake

Dahil isang tropical na bansa ang Pilipinas, maraming mga prutas ang tumutubo dito. Depende sa prutas, maaaring makakuha ng mga vitamins at minerals tulad ng vitamin A, B, C, Copper, Iron, Magnesium, Manganese, atbp. May taglay rin na fiber ang mga prutas na nakatutulong sa digestion.

Bukod dito, pampadagdag rin ng energy ang natural na asukal na nahahanap sa mga prutas. Maaari itong gawing mas masustansyang alternative sa mga sports drinks.

Ingredients:

  • Mixed fresh fruits (Orange, Mango, Apple, Guyabano, Pineapple, Banana atbp.)
  • Ice
  • Water

Steps:

  1. Balatan at putulin ang mga napiling prutas. Alisin ang mga buto kung kinakailangan.
  2. Ilagay sa blender kasama ng yelo at tubig.
  3. I-blend hanggang makuha ang gustong consistency.
  4. Serve and enjoy!

Carrot and Apple Smoothie

Ang isa pang refreshing at masustansyang palamig ay ang carrot and apple smoothie. Hindi pangkaraniwan ang kombinasyong ito, pero kapag natikman mo ay siguradong hinding-hindi mo makakalimutan ang sarap nito!

Ang mga carrots ay punong-puno ng vitamin A at fiber, at ang apples naman ay puno ng vitamin C, vitamin K, at mga antioxidants. Kapag pinaghalo ang dalawang pagkaing ito ay siguradong malaki ang maitutulong sa iyong kalusugan!

Ingredients:

  • Carrots
  • Apple
  • Ice
  • Water

Steps:

  1. Balatan at i-chop ang carrots at apples.
  2. Ilagay sa blender kasama ng tubig at yelo.
  3. I-blend hanggang makuha ang gustong consistencey.
  4. Serve and enjoy!

Cucumber Lemon Water

Ang cucumber lemon water ay sobrang simpleng gawin, at napaka-refreshing na inumin! Ang cucumber ay punong-puno ng vitamin K, potassium, at vitamin C, at ang lemons naman ay mataas sa vitamin C, at fiber.

Nakatutulong rin ang inuming ito upang ma-rehydrate ang katawan dahil sa taglay na mga electrolytes nito.

Ingredients:

  • Cucumber
  • Lemon
  • Water
  • Ice

Steps:

  1. Hugasang mabuti ang cucumber at lemon, at hiwain ng maninipis.
  2. Ilagay sa pitsel ang tubig, yelo, cucumber, at lemon.
  3. Haluin at i-serve.

Homemade Iced Tea

Madalas, kapag sinasabing iced tea, ay naiisip ng mga tao ang iced tea na matamis at kadalasang nabibili na nakatimpla na. Bagama’t masarap at nakakapawi ng uhaw ang ganitong iced tea, hindi rin ito ganoong ka-healthy dahil sa halo nitong sugar at iba pang mga flavorings. Pero kung gusto mo ng healthy na iced tea, simpleng-simple lang itong gawin sa bahay! Bukod sa masarap, masustansya rin ito.

Ayon sa mga pag-aaral, maaaring makatulong ang tea laban sa atherosclerosis, heart disease, high blood pressure, diabetes, liver disease, at pati na rin sa cancer.

Ingredients:

  • Tea bags
  • Hot water
  • Cold water
  • Ice
  • Sugar or artificial sweetener

Steps:

  1. Ibabad ang tea bags sa mainit na tubig. Hintaying lumamig.
  2. Kapag malamig na, maaring pigain ang tea bags para lalong lumabas ang lasa nito.
  3. Haluan ng yelo at tubig, at timplahan ng asukal o artificial sweetener hanggang makuha ang nais na tamis.
  4. Serve and enjoy!

Karagdagang Kaalaman

Kapag mainit ang panahon, malaking bagay ang pananatiling hydrated at presko. Ito ay upang makaiwas sa mga kondisyon tulad ng heat exhaustion o kaya heat stroke.
Ang mga recipes sa taas ay mainam na palamig, at healthy pa kumpara sa mga softdrinks o kaya mga inuming nabibili sa mga tindahan. Huwag mag-atubiling baguhin ang mga timpla o kaya ay magdagdag ng iba pang ingredients para maging swak ang mga ito sa iyong panlasa.

[embed-health-tool-bmr]

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

  1. Mango-licious: The Top 6 Health Benefits of Mango, https://health.clevelandclinic.org/mango-benefits, Accessed April 1, 2024
  2. The benefits of fruits and vegetables | Eufic, https://www.eufic.org/en/healthy-living/article/the-benefits-of-fruits-and-vegetables, Accessed April 1, 2024
  3. Reasons Why Carrots Are Healthy For You, https://health.clevelandclinic.org/reasons-why-carrots-of-all-colors-are-healthy-for-you, Accessed April 1, 2024
  4. An Apple A Day: 10 Health Benefits of Apples, https://www.cchwyo.org/news/2023/december/an-apple-a-day-10-health-benefits-of-apples/, Accessed April 1, 2024
  5. Are Cucumbers Good for You?, https://health.clevelandclinic.org/benefits-of-cucumbers
  6. Green tea Information | Mount Sinai – New York, https://www.mountsinai.org/health-library/herb/green-tea, Accessed April 1, 2024

Kasalukuyang Version

04/02/2024

Isinulat ni Jan Alwyn Batara

Narebyung medikal ni Hello Doctor Medical Panel

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Masustansyang Smoothies: Heto Ang Mga Dapat Mong Subukan

Madaling Lutuin na Ulam: Subukan ang Masustansya at Madaling Recipes na Ito


Narebyung medikal ni

Hello Doctor Medical Panel

General Practitioner


Isinulat ni Jan Alwyn Batara · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement