backup og meta

Pagkain Ng Masustansyang Isda: Bakit Mahalaga Sa Iyong Kalusugan?

Pagkain Ng Masustansyang Isda: Bakit Mahalaga Sa Iyong Kalusugan?

Napakahalagang bahagi ng isang malusog na diet ang pagkain ng isda dahil sa iba’t ibang benepisyo nito sa kalusugan ng bawat tao. Ang isda at iba pang pagkaing-dagat ay pangunahing pinagmumulan ng long-chain omega-3 fats at iba pang nutrients tulad ng bitamina D at selenium. Nagtataglay rin ito ng mataas na protina, at mababang saturated fat na tumutulong upang mas maging balanse ang ating kalusugan. Gayunpaman hindi lahat ng tao ay alam ang mga benepisyo ng mga masustansyang isda.

Kaya naman sa article na ito, pag-uusapan natin ang mga masustansyang isda na maaari mong kainin, at kahalagahan nito sa iyong diet at kalusugan.

8 Masustansyang Isda

Ayon sa article na isinulat ni Shannon Johnson na narebyung medikal ni Katherine Marengno LDN, R.D., Nutrition, may 8 masustansyang isda na pwede nating kainin para maging malusog. Narito ang mga sumusunod:

  1. Tuna

Isa ang tuna sa karaniwang ligtas na kainin sa katamtaman paraan. May ilang uri kasi ng tuna na naglalaman ng mas maraming mercury kumpara sa iba. Kaya dapat tiyakin ng mga tao na nililimitahan nila ang pagkonsumo nila ng iba’t ibang varieties ng tuna. 

Gayunpaman ang tuna ay excellent source ng bitamina B12, isang mahalagang vitamin na kailangan upang makagawa ng DNA. Tinutulungan din tayo ng bitamina B12 na bumuo ng mga bagong red blood cells at maiwasan ang development ng anemia.

  1. Mackerel

Ang mackerels ay isa sa itinuturing na masustansyang isda na maaaring kainin ng tao. Dahil ang isdang ito ay isang mahusay na mapagkukunan ng protina, bitamina B12, B2, B3, at B6, at bitamina D. Bukod pa rito, ang kanilang laman ay puno rin ng mga mineral tulad ng selenium, copper at iodine. Habang ang ilan sa mga isdang ito ay naglalaman din ng maraming iron at bitamina B1 na maganda sa kalusugan ng tao.

  1. Herring

Makakatulong ang pagkain ng herring sa iyong kalusugan dahil nagtataglay ang isdang ito ng EPA (eicosapentaenoic acid) at DHA (docosahexaenoic acid). Ang mga fatty acid na ito ay nakakatulong na maiwasan ang sakit sa puso at mapanatiling maayos ang paggana ng ating utak.

  1. Wild caught-salmon

Ayon sa iba’t ibang datos at artikulo ang lahat ng uri ng salmon ay naglalaman ng omega-3 fatty acids, na kapaki-pakinabang para sa kalusugan ng puso. Kung saan ang isda rin na ito ay isang magandang source ng bitamina D at calcium. Gayunpaman, para sa mas mataas na antas ng mga sustansya, mas mahusay na pumili ng wild-caught salmon dahil may posibilidad na naglalaman ito ng higit pang mga omega-3 at bitamina at may mas kaunting saturated fat.

  1. Sardines

Nakita sa maraming pag-aaral na may ilang potensyal na benepisyo sa kalusugan ang pagkain ng sardines. Dahil ang isdang ito ay mayaman sa mahahalagang sustansya, at mababa ang calories na taglay. Sa katunayan inirerekomenda ito bilang bahagi ng isang malusog na diyeta dahil sa mababang calories nito. Ang pagdaragdag rin ng sardinas sa isang balanseng diyeta ay maaaring makatulong na mapawi ang pamamaga, at mapabuti ang paggana ng daluyan ng dugo.

  1. Rainbow Trout

Ang rainbow trout ay madalas na matatagpuan sa iba’t ibang grocery store. Kung saan ang isdang ito ay isang mahusay na mapagkukunan ng protina, niacin, bitamina B12, at omega 3 fatty acid. Ang mga sustansya na taglay nito ay karaniwang mahalaga sa ating paglaki at pag-unlad at pagtulong sa pag-aayos ng mga nasira nating tissue.

  1. Cod

Sinasabi na ang cod ay isang isda may low-fat source ng protina, at isang mahusay na opsyon para sa mga taong gustong bawasan ang kanilang fat intake — at mapabuti ang kanilang kalusugan sa puso. Naglalaman din ang isda ito ng iodine na isang mahalagang mineral para sa thyroid function.

  1. Pacific Halibut

Ang pagkain ng halibut ay maaaring makatulong na mapanatiling malusog ang iyong puso, pamahalaan ang chronic inflammation, at mapabilis ang recovery ng muscle fiber. Naglalaman din ang isdang ito ng mga sustansya tulad ng selenium, magnesium, niacin, at omega-three fatty acids. 

Kung saan ang Niacin (bitamina B3) ay tumutulong upang itaguyod ang isang malusog na puso at pinoprotektahan ka mula sa pagkakaroon ng cardiovascular disease. Ang bitamina na ito ay may mahalagang gampanin din sa pagprotekta ng iyong balat mula sa nakakapinsalang sinag ng araw.

Paalala ng doktor

Bagama’t mainam kumain ng masustansyang isda, mas maganda pa rin na mag-ingat sa pagkonsumo nito, lalo na kung may allergy ka. Kaya naman ang pagpapakonsulta sa doktor upang matukoy kung may allergy ka sa anumang isda ay isang mahusay na hakbang para manatili kang ligtas sa pagkain ng isda.

[embed-health-tool-bmi]

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Fish: Friend or Foe?  https://www.hsph.harvard.edu/nutritionsource/fish/ Accessed May 17, 2023

Healthy Fish Choices for Kids, https://www.healthychildren.org/English/safety-prevention/all-around/Pages/Protecting-Your-Children-From-Contaminated-Fish.aspx Accessed May 17, 2023

Omega-3 Fatty Acids and Primary and Secondary Prevention of Cardiovascular Disease, https://pubmed.ncbi.nlm.nih.gov/25427890/ Accessed May 17, 2023

What is the healthiest fish to eat? What fish should I avoid? https://www.usatoday.com/story/news/health/2022/09/28/what-healthiest-fish-to-eat-types-to-avoid/8039194001/ Accessed May 17, 2023

Fish and shellfish, https://www.nhs.uk/live-well/eat-well/food-types/fish-and-shellfish-nutrition/ Accessed May 17, 2023

Advice About Eating Fish, https://www.fda.gov/food/consumers/advice-about-eating-fish Accessed May 17, 2023

Why Herring Is Good For You, https://www.theguardian.com/lifeandstyle/2013/may/11/why-herring-is-good-for-you#:~:text=Herring%20is%20loaded%20with%20EPA,as%20Crohn’s%20disease%20and%20arthritis. Accessed May 17, 2023

Farmed Salmon vs. Wild Salmon, https://doh.wa.gov/community-and-environment/food/fish/farmed-salmon#:~:text=Salmon%20is%20high%20in%20protein,to%20be%20low%20in%20contaminants. Accessed May 17, 2023

Trout I Superfood of the Month, https://lacrosseallergy.com/what-to-expect/diet-and-nutrition-counseling-services/trout-superfood-of-the-month/#:~:text=Rainbow%20trout%20is%20commonly%20found,assists%20in%20repairing%20damaged%20tissues. Accessed May 17, 2023

 

Kasalukuyang Version

06/09/2023

Isinulat ni Lornalyn Austria

Narebyung medikal ni Mia Dacumos, MD

In-update ni: Mia Labrador, MD


Mga Kaugnay na Post

Paano Makontrol Ang Cravings Kapag Umatake Ito

7 Pagkain Na May Vitamins Na Pampalakas Ng Baga


Narebyung medikal ni

Mia Dacumos, MD

Nephrology · Makati Medical Center


Isinulat ni Lornalyn Austria · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement