backup og meta

Food Storage: 7 Tips na Dapat Tandaan kung Paano Itago ang Pagkain

Food Storage: 7 Tips na Dapat Tandaan kung Paano Itago ang Pagkain

Napakahalaga ng food storage upang matiyak na sariwa ang pagkain. Bukod dito ang ng wastong paraan kung paano itago ang pagkain ay nakakatulong na mapababa ang panganib ng foodborne illness.

Maaaring mukhang simple lang ang pag-iimbak ng pagkain, may ilang bagay na kailangan mong tandaan upang maiwasan na magkasakit.

7 Wastong mga Tip kung Paano Itago ang Pagkain

Narito ang ilang mahahalagang bagay na dapat tandaan sa tuwing nag-iimbak ka ng pagkain:

  1. Iwasan ang cross contamination.

Nangyayari ang cross contamination kapag ang bacteria na nasa isang pagkain ay nakontamina ang isa pa. Isang halimbawa nito ay kapag ang likido mula sa karne ay tumulo sa mga gulay. Ito ay maaaring maging delikado dahil ang mga gulay ay hindi karaniwang niluluto tulad ng karne. Ang ilang gulay ay kinakain pa nga ng hilaw. Kapag nangyari ito, maaaring magkaroon ng food poisoning ang isang tao. 

Kaya tiyaking ihiwalay ang hilaw na pagkain, at ilayo ang mga ito sa iba pang uri ng pagkain.

  1. Panatilihing nakabalot ang iyong pagkain o nasa selyadong lalagyan.

Ang isa pang mahalagang bagay na dapat tandaan kung paano itago ang pagkain ay ilagay ito sa mga selyadong lalagyan. Maaaring ibalot ng hiwa-hiwalay ang karne o isda sa selyadong plastic container. Ganoon din ang gawin sa iba pang uri ng pagkain tulad ng sabaw o mga natirang pagkain.

Taliwas naman ito pagdating sa mga gulay. Bago itago sa crisper, ang mga gulay ay dapat alisin sa mga bag. nakakatulong ito sa kanila na “makahinga” at maiwasan ang pagkasira.

  1. Iwasang i-refreeze ang defrosted na pagkain.

Karaniwang pagkakamali na ginagawa ng maraming tao ang pag-freeze ng na-thaw na pagkain. Dapat itong iwasan dahil ang thawing o pagkatunaw ay maaaring magpasok ng bacteria sa pagkain, at maging sanhi ng mas mataas na level ng bacteria.

Hangga’t maaari, iluto ang mga pagkain pagkatapos i-defrost ang mga ito o hatiin ang iyong mga pagkain bago mag-freeze upang magamit mo lamang ang kailangan mo. 

  1. Siguraduhin na ang iyong refrigerator at freezer ay may tamang temperatura.

Pagdating sa freezing, mahalagang i-maintain ang tamang temperature ng freezer at refrigerator. Ito ay isa sa mga pinakamahalagang bagay na dapat tandaan pagdating sa kung paano itago ang pagkain.

Ang refrigerator ay dapat nasa 5 degrees celsius o mas mababa, at ang freezer ay dapat mas mababa sa -15 degrees celsius. 

  1. Ang dry goods ay dapat panatilihing tuyo sa lahat ng oras.

Dapat itago sa tuyo at selyadong mga lalagyan ang bigas, oatmeal, pasta at iba pa. Nakakatulong ito na maiwasan ang pagkakaroon ng amag at bacteria at nakakatulong din na mas tumagal ang pagkain.

Nakakatulong din ito na maiwasan ang kontaminasyon at maiwasan ang mga critters tulad ng mga ipis na kainin ang iyong pagkain.

  1. Ang pagkain na mukhang kahina-hinala ay dapat itapon.

Malamang na may mga pagkakataon na hindi mo alam kung kailangan mong itapon o hindi ang pagkain. Ang panuntunan ay kung hindi ka sigurado kung pwede pang kainin ang pagkain, mas unahin ang pag-iingat at itapon ito.

Sa ganitong paraan, mababawasan ang mga pagkakataong hindi sinasadyang makain mo ang nasirang pagkain.

  1. Panatilihing palaging malinis ang cupboards at refrigerator. 

Panghuli, mahalagang panatilihing malinis ang mga lalagyan ng pagkain at refrigerator sa lahat ng oras. Ito ay isang mahalagang tip pagdating sa kung paano itago ang pagkain.

Ang maruming cupboard ay maaaring magdulot ng kontaminasyon sa pagkain, at maaari ring maka- attract ng mga peste tulad ng mga ipis. Ang refrigerator na hindi regular na nililinis ay maaaring maging tahanan ng amag at bakterya. Nakakaapekto rin ito sa kung gaano kahusay na umiikot ang malamig na hangin sa loob ng appliance.

Dapat na nililinis ang refrigerator tuwing 3 hanggang 4 na buwan, kasama na dito ang pag-defrost. Para sa cupboards, maaaring linisin ang mga ito kahit isang beses sa isang taon.

Key Takeaways

Ang wastong pag-iimbak ng pagkain ay maaaring makatulong na panatilihing sariwa at nakakain ang mga pagkain hangga’t maaari. Nakakatulong din itong maiwasan ang food poisoning na maaaring maging seryosong problema para sa mga bata at matatanda.

Matuto pa tungkol sa Healthy Eating dito.

[embed-health-tool-bmi]

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

  1. 5 Important Tips For Safe Food Storage | FHC Blog, https://www.foodhygienecompany.co.uk/blog/food-hygiene/5-every-day-tips-to-remember-about-safe-food-storage/, Accessed November 10, 2021
  2. Food safety and storage – Better Health Channel, https://www.betterhealth.vic.gov.au/health/healthyliving/food-safety-and-storage, Accessed November 10, 2021
  3. Proper Food Storage, https://www.foodsafety.com.au/blog/proper-food-storage, Accessed November 10, 2021
  4. Are You Storing Food Safely? | FDA, https://www.fda.gov/consumers/consumer-updates/are-you-storing-food-safely, Accessed November 10, 2021
  5. Safe Food Storage | Nutrition.gov, https://www.nutrition.gov/topics/food-safety/safe-food-storage, Accessed November 10, 2021

Kasalukuyang Version

09/11/2024

Isinulat ni Corazon Marpuri

Narebyu ng Eksperto Chris Icamen

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Paano Makontrol Ang Cravings Kapag Umatake Ito

7 Pagkain Na May Vitamins Na Pampalakas Ng Baga


Narebyu ng Eksperto

Chris Icamen

Dietetics and Nutrition


Isinulat ni Corazon Marpuri · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement