backup og meta

Paano Bumaba Ang Blood Sugar? Subukan Ang Low Sugar Diet!

Paano Bumaba Ang Blood Sugar? Subukan Ang Low Sugar Diet!

Hindi lang para sa mga taong may diabetes o prediabetes ang low sugar diet. Sa katunayan, kahit sino ay maaaring sumailalim sa low sugar diet upang mapabuti ang sarili nilang kalusugan at mapababa ang tsansa nilang magkasakit. Paano bumaba ang blood sugar?

Ngunit anong mga pagkain ang maaaring kainin para sa ganitong uri ng diet? At aling mga pagkain ang dapat iwasan? Alamin sa ibaba kung paano bumaba ang blood sugar sa pamamagitan ng low sugar diet.

Bakit dapat sumailalim sa low sugar diet?

Una sa lahat, kailangan natin malaman kung bakit mabuting ideya ang pagbabawas ng pagkain ng sugar. Hindi masama ang mismong sugar sa ating kalusugan. Sa katunayan, kailangan ng ating katawan ang sugar at ginagamit din ito para magbigay ng enerhiya na magagamit sa araw-araw na buhay.

Sa mga kinakain nating pagkain, nakakakuha tayo ng sugar mula sa mga simple at complex carbohydrates. Nakikita ang simple carbohydrates sa mga table sugar, prutas, at pati na rin gatas, na madalas nasa anyo ng sucrose, fructose, at lactose. Habang ang complex carbohydrates naman, nakikita sila sa kanin, tinapay, whole grains, cereals, at iba pa.

Sa tuwing kumakain tayo ng carbohydrates, sinisira ito ng ating katawan para maging glucose. Napupunta naman ito sa ating bloodstream kung saan nagbibigay sila ng enerhiya para sa cells ng ating katawan. Mas madaling nadudurog ang simple carbohydrates kaya mas nakapagbibigay sila ng instant boost energy, at sila rin ang nagiging dahilan ng mabilis na pagtaas ng blood sugar level.

Mas matagal naman madurog ang complex carbohydrates upang makapagbigay ng mas tuloy-tuloy na boost sa energy, at hindi nagiging dahilan ng mabilis na pagtaas ng blood sugar level.

Nangyayari ang problema sa sugar kapag masyado tayong maraming simple carbohydrates. Nagiging sanhi ito ng pagtaas ng blood sugar levels, kaya naglalabas ng insulin ang ating pancreas para kontrolin ang blood sugar. Nakatutulong ang insulin para gawing fatty acids ang sobrang sugar, at saka naman iniimbak ng ating katawan ang mga fatty acids na ito bilang taba.

Ito ang dahilan kung bakit nakakapagpataba ng isang tao ang labis na pagkain ng sugar. At kapalit nito, ang pagtaas ng tsansa ng isang tao na magkaroon ng diabetes, cardiovascular disorder, high blood pressure, at iba pa. Ito ang dahilan kung bakit kailangan nating kontrolin ang dami ng sugar na nasa ating diet.

Low Sugar Diet: Ano ang dapat kainin at iwasan

Isa sa mga problema ng ating modern diet ang paglalaman ng maraming pagkain ng simple carbohydrates. Sa panahon ngayon, gumagamit ng high fructose corn syrup ang mga manufacturer sa maraming pagkain. Mula sa mga soda, kendi, junk food, at maging mga fruit juice at tinapay, karamihan sa mga ito ang naglalaman ng high fructose corn syrup. Nangangahulugan na nakakapagpataas ng blood sugar level ang pagkain ng mga ito sa araw-araw. At sa kalaunan, magiging sanhi ng iyong pagiging overweight at maging obese.

Narito ang ilang mga pagkain na kailangan iwasan kung nais mabawasan ang pagkain ng sugar:

  • soft drinks
  • Packaged, sweetened na fruit juice
  • chips
  • White bread
  • Ice cream, matamis na yogurt
  • Mga kendi, cake, at iba pang dessert
  • Ketchup
  • Salad dressing

Narito ang mga pagkaing mabuti para sa low sugar diet:

  • Whole-grain na tinapay
  • Mga cereal
  • Unpolished o brown rice
  • Sariwang citrus fruit
  • Sariwang fruit juice
  • Mga low-calorie o sugar-free na inumin
  • Dried fruits
  • Mga non-starchy na gulay
  • nuts, seeds, at grains
  • Fatty fish tulad ng tuna at mackerel
  • Mga karne na walang taba (lean meat)

Isa pang mahalagang bagay na dapat tandaan ang pagsasanay ng portion control. Pinapayagan ang paminsan-minsang pagkain ng matatamis na pagkain, basta nasa sapat na dami lang ito. Katulad na rin pagdating sa masustansyang pagkain; ang labis na pagkain, bagaman masustansya, maaari pa rin itong magpataas ng iyong timbang.

Key Takeaways

Pagdating sa low sugar diet, mahalagang malaman kung aling mga pagkain ang naglalaman ng simple sugar. Ang pagtanggal ng mga pagkain na ito sa iyong diet ang makakatulong para madaling mabawasan ang pagkain ng sugar.

Matuto pa tungkol sa Special Diet dito.

[embed-health-tool-bmr]

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

  1. Carbohydrates and Sugar (for Parents) – Nemours Kidshealth, https://kidshealth.org/en/parents/sugar.html, Accessed September 27, 2021
  2. Low-Sugar Diet, Definition, Origins, Description, Function, https://reference.jrank.org/diets/LowSugar_Diet.html, Accessed September 27, 2021
  3. 6 ways to reduce your sugar intake – Mayo Clinic, https://www.mayoclinic.org/healthy-lifestyle/nutrition-and-healthy-eating/in-depth/6-ways-to-reduce-your-sugar-intake/art-20267400, Accessed September 27, 2021
  4. Tips for Cutting Down on Sugar | American Heart Association, https://www.heart.org/en/healthy-living/healthy-eating/eat-smart/sugar/tips-for-cutting-down-on-sugar, Accessed September 27, 2021
  5. Refined Carbs and Sugar: The Diet Saboteurs – HelpGuide.org, https://www.helpguide.org/articles/healthy-eating/choosing-healthy-carbs.htm, Accessed September 27, 2021

Kasalukuyang Version

04/21/2022

Isinulat ni Daniel de Guzman

Narebyu ng Eksperto Chris Icamen

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Alamin: Masustansya ba ang Meal Substitute?

"Dapat may cheat day": Ano nga ba ang Benefits ng Pagkakaroon Nito?


Narebyu ng Eksperto

Chris Icamen

Dietetics and Nutrition


Isinulat ni Daniel de Guzman · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement