Ang heart problems ay nakamamatay at para masolusyunan ito— maaari nga bang subukan ang mediterranean diet para sa sakit ng puso?
Bata man o malusog na indibidwal ay maaaring maging problema ang mga heart condition. Kaya napakahalaga para sa lahat ng lifestyle changes at exercise regimen.
Isa sa sinusubukang diyeta ng mga tao ay ang tinatawag na mediterranean diet. Ngunit kaya nga bang i-reverse ng diyetang ito ang heart disease ng isang indibidwal?
Alamin dito.
Ano ang Mediterranean diet para sa sakit ng puso
Ang pag-aaral at data mula pa noong 1960’s ay nagkukumpara ng mortality rate ng adults sa Greece at Italy na kumakain ng Mediterranean cuisine, maging sa USA at iba pang mga rehiyon. Kung saan ipinakita ng pag-aaral na ang adults sa mga bansang Europeo ay may mas mababang bilang ng mga namatay dahil sa sakit sa puso.
Bago rin natin tingnan ang mga ebidensyang ipinakita ng ibang mga pag-aaral, at sagutin ang tanong na “maaari bang i-reverse ang Mediterranean diet sa sakit ng puso?” Kailangan muna nating maunawaan kung ano ang Mediterranean diet.
Ano ang mayroon sa diet na ito?
Ang diyetang ito ay binubuo ng mga sumusunod:
- Malusog na pagkonsumo ng unprocessed food, low-sugar foods
- Kabilang dito ang mga prutas, munggo, isda
- May pokus sa non-meat food (red meat ay madalang na kainin).
- Ang base ay healthy fats (hal. virgin olive oil, nuts, seeds, matatabang isda)
Maaari bang i-reverse ng Mediterranean diet ang sakit ng puso: Pananaliksik
Ang pag-aaral na isinagawa ng researchers mula sa Unibersidad ng Córdoba at Queen Sofia University Hospital ay may layuning maglagay ng 2 healthy diets na-againts sa isa’t isa. Makikita na ang 2 diyeta ay pag-aaralan para sa epekto nito sa pangkalahatang kalusugan, maging ang kondisyon ng puso ng isang tao sa loob ng isang taon. Sa pag-aaral na ito ay may higit sa isang libong kalahok. Lahat ng kasali ay may kondisyon sa puso.
Sa paglipas ng course of the study— na may ideya ng pagsagot sa isyu: “Maaari bang i-reverse ng Mediterranean diet ang sakit sa puso?” Limampung porsyento ng mga kalahok ang binigyan ng instruction na sumunod sa Mediterranean diet.
Ito ay binubuo ng mga sumusunod na pagkain kung saan araw-araw itong nakapokus sa:
- Pagkaing may virgin olive oil
- Mga gulay
- Mga prutas
Ang mga kalahok ay nagkaroon din ng weekly serving ng:
- Legumes
- Mga mani
- Isda
Ang assigned participants ay binigyan din ng mga sumusunod na restrictions:
- Walang processed foods
- Hindi pagkain ng unhealthy sugar at fats
- Pag-iwas sa regular na pagkonsumo ng pulang karne
Ang opposing diet ay low-fat based diet, kung saan ito ang nag lilimita sa lahat ng uri ng fat consumption at pagtaas ng pagkonsumo ng healthy carbohydrates. Makikita na ang mga kalahok ay inutusan na limitahan ang kanilang sarili sa pagkain ng pulang karne, mani, pastry at matamis.
Sa paglipas ng course of the study, para makatulong na ma-reach ang sagot sa tanong na: “Maaari bang i-reverse ng Mediterranean diet ang sakit sa puso?” Sinukat ng researchers ang vasodilation capacity ng mga kalahok. Ito’y tumutukoy sa tugon ng katawan sa pinababang level ng oxygen at available nutrients— nagli-lead sa pagpapalawak ng mga daluyan ng dugo, kung saan tumutulong ito sa presyon ng dugo at daloy ng dugo.
Maaari bang i-reverse ng Mediterranean diet ang sakit sa puso: Mga natuklasan
Nakita ng pag-aaral na ang Mediterranean diet ay gumanap nang mas mahusay sa pagpro-promote ng parehong participants’ vasodilation capacity at endothelial function. Ito ay nagre-refer sa flexibility ng arteries. Nakakatulong ito sa pagpapahinga ng vascular system, blood clotting at iba pang mahahalagang proseso — kung saan nakakatulong ito na mapanatiling malusog ang iyong puso.
Matagumpay na napatunayan ng pag-aaral ang katotohanan na ang Mediterranean diet ay maaaring i-reverse ang sakit sa puso. Sa madaling sabi, makatutulong ang Mediterranean diet para sa sakit ng puso, lalo sa pagharap ng progression ng sakit sa mga apektadong pasyente.
Ang pag-aaral ay nagpapakita na ang diyeta ay lumilikha ng mga pagbabago sa katawan ng isang tao. Ito ay tumutulong sa pagharap sa mga existing heart disease. Binabawasan din nito ang pagkakataong magkaroon ng atake sa puso, lalo na sa mga pasyenteng nakaranas na nito. Ang patuloy na paggamit ng diyetang ito ay maaaring makatulong para i-reverse ang epekto ng anumang heart problems na maaaring mayroon ka.
Key Takeaways
Ang paraan ng pagkain ng isang tao ay may malaking papel sa kanyang pangkalahatang kalusugan. Ito ay maaaring maging good idea para lumipat ang tao sa mga malusog na diyeta tulad ng Mediterranean diet.
Matuto pa tungkol sa Mga Espesyal na Diet dito.
[embed-health-tool-bmi]