backup og meta

Espesyal na Diyeta: Lahat ng Dapat mong Malaman!

Espesyal na Diyeta: Lahat ng Dapat mong Malaman!

Ayon kay Hippocrates (ang ama ng medisina), “hayaang ang pagkain ang iyong maging gamot, at ang gamot ay maging pagkain.” Totoo pa rin ang pahayag na ito. Batay sa maraming institusyong medikal, kabilang na ang World Health Organization, ang diet meal plan na may magandang nutrisyon ay isang mahalagang bahagi ng pagpapanatili ng malusog na timbang o BMI, upang makaiwas sa pagkakaroon ng mga sakit at nagsusulong ng pinakamaayos na kalusugan. Ngunit ano nga ba talaga ang mabuting nutrisyon at paano tayo magkakaroon nito? Ano ang espesyal na diyeta? 

Ang magandang nutrisyon ay nangangahulugang nakakakuha ang iyong katawan ng lahat ng sustansya (kabilang ang mga bitamina at minerals) na kailangan upang gumana ito nang maayos.

Tandaan ito, mapagtatanto mong nagbabago ang magandang nutrisyon depende sa ilang mga salik tulad ng edad at kondisyon ng kalusugan. 

Halimbawa, ang pangangailangan sa nutrisyon ng isang toddler ay iba sa mga adolescent. Gayundin, ang mga taong nakararanas ng kondisyong pangkalusugan (tulad ng acid reflux) ay maaaring kailangang umiwas sa ilang mga pagkain. 

Espesyal na Diyeta: Ano ang magandang nutrisyon?

Sa oras na makapagtakda ka na ng goals o medikal na pangangailangan, magagawa mo nang matukoy ang uri ng nutrisyong kailangan ng iyong katawan. Tandaang pinakamainam na gawin ang hakbang na ito sa tulong ng iyong doktor o dietician. Ikaw at ang iyong doktor ay makapagpapasya sa kung anong pinakamabuting dietary regimen na akmang-akma sa iyong pangangailangan. 

Para sa mga taong walang kondisyong pangkalusugan na nangangailangan ng pagbabago sa diet o kinakain, kadalasang sapat na ang balanseng diet meal plan. Gayunpaman, kung may sakit na maaaring ma-manage o mapalala ng pagkain, maaaring magpayo ang doktor ng espesyal na diyeta.

Ibig sabihin, ang espesyal na diyeta ay isang bagay na kumokontrol sa pagkonsumo ng pagkain depende sa iyong pangangailangang medikal. Karaniwan itong isinasama bilang bahagi ng treatment regimen para sa iyong kasalukuyang kondisyong medikal.

Para sa mas maayos na pagtunaw ng pagkain

Maraming mga doktor ang nagrerekomenda ng espesyal na diyeta para sa mga taong nakararanas ng mga kondisyon sa panunaw. At hindi na ito nakagugulat. Ano’t anuman, ang ating digestive system ang nagpoproseso ng pagkaing ating kinokonsumo.

Narito ang mga gabay sa pagsusulong ng digestive health:

Kumain ng pagkaing mayaman sa fiber. Nakatutulong ang sapat na fiber upang malinis ang digestive system sa pamamagitan ng paghihikayat sa pagdaan ng dumi. Dalawang espesyal na diyeta para sa pagtunaw ng kinaing may mataas na fiber content ang hilaw na pagkain at plant-based na diyeta. Mahalaga ring bahagi ng meal plan ng espesyal na diyeta ang fiber para sa constipation.

Kumain ng mga pagkaing hindi nakapipinsala sa digestive tract. Upang matulungan kang gumaling mula sa isang kondisyong pangkalusugan, maaaring ipayo sa iyo ng doktor na sumunod sa isang diet meal plan na mabuti sa iyong digestive tract. Halimbawa, maganda ang BRAT diet para sa mga taong nagtatae dahil pinagiginhawa nito ang tiyan at tumutulong ito upang maging buo ang dumi. Para sa mga sumailalim sa operasyon, maaaring ipayo ng doktor ang soft diet.

Uminom ng maraming tubig. Nakatutulong ito sa pagtunaw ng pagkaing kinokonsumo natin at maging sa pagdaan ng dumi.

Iwasan ang pagkaing nakapagpapalala ng iyong kondisyon. Huli, may ilang mga diyeta na naglalayong umiwas sa mga “triggers” na nakapagpapalala ng mga sintomas. Ilan sa mga halimbawang kondisyong humihikayat sa iyong umiwas sa ilang mga pagkain ang bloating, ulcers, at GERD.

Pagkaing Maganda sa Puso

Ngayong mas maraming tao na ang mas nag-aalala sa kalusugan ng kanilang puso, nagiging sikat na ang mga espesyal na diyeta na nakapagpapabuti ng paggana ng puso. 

Sa pangkalahatan, karaniwan ang mga sumusunod na gabay sa mga espesyal na diyeta para sa kalusugan ng puso:

Magtuon sa mga sariwang pagkain. Upang mapanatiling malusog ang puso, subukang kumain ng mas maraming prutas at gulay. Dagdag pa, piliin ang whole grains sa halip na processed carbs (puting kanin, tinapay, etc). Dapat limitahan o bawasan ang mga pagkaing mataas na preservatives dahil marami itong sodium.

Magdagdag pa ng maraming heart-protecting food. Bukod sa prutas, gulay at whole grains, inirerekomenda rin ang diet meal plan na pumoprotekta sa puso. Kabilang sa mga pagkaing ito ang oily fish (para sa kanilang omega-3 fatty acids), fiber, tsaa, bawang, at plant sterols.

Limitahan ang unhealthy fats. Ang espesyal na diyeta para sa malusog na puso ay kadalasang may kakaunting serving ng karne, poultry, at dairy. Sa halip, magtuon sa fats na mula sa healthy sources gaya ng mga mani na walang asin at mga buto.

Dalawa sa espesyal na diyeta na nangangalaga sa ating puso ang Mediterranean Diet at DASH diet para sa hypertension. May ilang mga baryasyon na pinagsasama ang dalawang ito.

Pag-iwas at Pamamahala ng Diabetes

Ang diabetes ay isang kondisyon na dahilan kung bakit mahirap para sa ating gumamit ng asukal bilang energy – maaaring hindi natin kayang gumawa ng hormone na insulin o hindi natin kayang gamitin ito nang tama. Dahil may kaugnayan sa asukal ang problema, maaari nating gamitin ang diyeta at nutrisyon upang mapamahalaan ang diabetes:

Magdagdag ng Iba’t ibang pagkain. Ang pagiging diabetic ay hindi nangangahulugang kailangan mong tanggalin ang ilang grupo ng pagkain mula sa iyong diet meal plan. Upang mapamahalaan o maiwasan ang diabetes, kailangan mo pa rin ng mga prutas at gulay, whole grains, protina, at dairy sa iyong diet.

Itigil ang mga hindi masusustansyang pagkain. Iwasan ang saturated at trans fat. Dagdag pa, iwasan ang mga pagkaing mataas sa asin at limitahan ang pagkonsumo ng mga pagkaing maraming asukal gaya ng cake, kendi, at sodas. 

Bilangin ang iyong carbs. Nangangahulugang kailangan mong bantayan ang carbohydrates sa iyong mga pagkain at inumin araw-araw. Maaari mo itong gawin sa pamamagitan ng pagsusuri sa label mula sa grams ng carbs ng pagkain o inumin. 

Ilan sa mga pinakakaraniwang espesyal na diyeta upang mapamahalaan ang diabetes ang:

  • Low-carb diet
  • No-rice diet
  • Pre-diabetic diet
  • Diabetic diet

Pagbawas ng timbang na maganda sa MBI

Bagaman may mga espesyal na diyeta upang mabawasan ang timbang, pakatandaang ang pinakalayunin mo ay maging malusog. Anu’t anuman, ang pagpapanatili ng malusog na timbang ay nakababawas ng panganib ng pagkakaroon ng ilang pinakaseryosong sakit tulad ng cardiovascular diseases. Ibig sabihin, isa lamang magandang side effect ng pagiging malusog ang pagbawas ng timbang.

Ketogenic Diet. Ang diet na ito ay nagtutulak sa iyo na kumain ng maraming good fat. Bukod dyan, maaari ka lang kumonsumo ng maliit na dami ng carbs upang maabot ng iyong katawan ang estado ng ketosis. Kapag nasa ketosis ka, epektibong nasusunog ng iyong katawan ang mga taba, na sanhi ng pagbawas ng timbang.

Atkins diet. Isang uri ito ng low-carb diet. Karaniwan, sa diyetang ito, maaari kang kumonsumo ng dami ng fat at protinang gusto mo.

Apple Cider Diet. Kasama sa diet na ito ang pag-inom ng kaunting dami ng apple cider vinegar upang mabawasan ang timbang.

Intermittent Fasting. Isang sikat na diyeta sa ngayon ang intermittent fasting o IF. Ang premise ito ay magkaroon ng cycle sa pagitan ng time windows ng regular na pagkain at fasting. Sa ilang uri ng IF, hindi mahalaga kung ano ang iyong kinakain gaya rin ng kung kailan mo ito kinakain.

OMAD. Ang One Meal A Day ay isang matinding anyo ng diyeta upang magbawas ng timbang. Mula sa pangalan nito, itinutulak ka ng OMAD na kumain ng isang beses lamang sa loob ng buong araw.

Upang matugunan ang iba’t ibang pangangailangan at kagustuhan, pinagsasama ng ilang tao ang isang espesyal na diyeta sa isa pa. Halimbawa, puwede mong piliing gawin ang intermittent fasting habang nasa low-carb diet ka.

Iba Pang Espesyal na Diyeta

Bukod sa kalusugan ng puso at digestion, at ng diabetes at pamamahala ng timbang, mayroon ding espesyal na diyeta para sa iba pang problema sa kalusugan:

  • Allergies
  • Lactose intolerance
  • Pamamaga
  • Alzheimer’s prevention
  • Cancer
  • PCOS o Polycystic Ovary Syndrome

Key Takeaways

Binubuo ang espesyal na diyeta nang may tiyak na layunin: kaya naman hindi ito dapat gawin basta-basta. Priyoridad ang pakikipag-usap sa iyong doktor, lalo na kung mayroon kang kasalukuyang kondisyong pangkalusugan.

Matuto pa tungkol sa Healthy Eating dito.

[embed-health-tool-bmi]

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Diet, nutrition and the prevention of chronic diseases
Report of the joint WHO/FAO expert consultation
https://www.who.int/dietphysicalactivity/publications/trs916/summary/en/
Accessed August 11, 2020

Maintaining a healthy digestive system
https://www.gesa.org.au/resources/patients/maintaining-a-healthy-digestive-system/
Accessed August 11, 2020

The DASH Diet Home, With the Mediterranean Diet
https://dashdiet.org/mediterranean-diet.html#:~:text=Well%2C%20now%20we%20have%20the,lean%20meat%2Ffish%2Fpoultry.
Accessed August 11, 2020

Diabetes Diet, Eating, & Physical Activity
https://www.niddk.nih.gov/health-information/diabetes/overview/diet-eating-physical-activity
Accessed August 11, 2020

Drinking apple cider vinegar for weight loss seems far-fetched. Does it work
https://www.mayoclinic.org/healthy-lifestyle/weight-loss/expert-answers/apple-cider-vinegar-for-weight-loss/faq-20058394
Accessed August 11, 2020

Heart disease and food
https://www.betterhealth.vic.gov.au/health/ConditionsAndTreatments/heart-disease-and-food
Accessed August 11, 2020

How to Lose Weight and Keep It Off
https://www.helpguide.org/articles/diets/how-to-lose-weight-and-keep-it-off.htm
Accessed August 11, 2020

Kasalukuyang Version

01/21/2023

Isinulat ni Daniel de Guzman

Narebyung medikal ni Mae Charisse Antalan, MD

In-update ni: Mae Antalan, MD


Mga Kaugnay na Post

Alamin: Masustansya ba ang Meal Substitute?

"Dapat may cheat day": Ano nga ba ang Benefits ng Pagkakaroon Nito?


Narebyung medikal ni

Mae Charisse Antalan, MD

General Practitioner


Isinulat ni Daniel de Guzman · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement