Sa lahat ng mga fad diets, ang blood type diet meal plan ang pinaka-kontrobersyal. Maraming mga tao ang nandidiri kapag narinig pa lang ang salitang “dugo,” ngunit mahalaga na malaman ang iyong blood type. Maraming mga haka-haka tungkol sa blood type kasama na ang impluwensya nito sa personalidad at banta ng mga sakit. Ngunit, may kinalaman ba ang iyong blood type sa pwede at hindi mo pwedeng kainin?
Ang Iba’t Ibang Blood Type
Sa madaling salita, may apat na iba’t ibang blood type na pwedeng magkaroon ang mga tao: type A, B, AB at O. Ang bawat isang blood type na ito ay maaaring Rh-positive o negative. Kinokontrol ng allele ang blood types kung ito ba ay A o B na antigen. Ang mga antigens na ito ay sugar at protina na nasa ibabaw ng mga cells na ginagamit ng katawan upang malaman ang mga foreign materials. Kung kaya’t hindi maaaring mabigyan ang mga taong may blood type A ng type B na dugo, at vice versa.
May mga ebidensya na ang mga tiyak na type ng dugo ay nakaiiwas o madaling kapitan ng iba’t ibang sakit tulad ng sakit sa puso at impeksyon. Halimbawa, ang mga taong may type A, B at AB na dugo ay mas madaling mag develop ng coronary artery disease kumpara sa mga taong may type O na dugo. Gayunpaman, may ibang mga salik na mas nakaaapekto tulad ng family history at diet.
Blood Type Diet Meal Plan: Mabilis Na Pagsiyasat
Type A Diet
Ang type A blood diet ay mas madaling ilarawan bilang vegetarian diet. Kung type A ang dugo mo, dapat iwasan ang mga produktong pagkaing hayop at processed food. Ang diet na ito ay nakasentro sa mga pagkain na prutas, gulay, non-animal protein, at whole grains.
Type B Diet
Para sa mga taong may type B na dugo, ang kanilang diet ay dapat mayroong mga luntiang dahon na gulay, itlog, at low-fat na gatas. Dapat nilang iwasan ang mga pagkaing mayroong manok, mais, soy, at lentil beans dahil ito ay may mga lectin na maaaring magbigkis sa antigen ng B na dugo.
Type AB Diet
Dahil ang blood type na ito ay may parehong A at B na antigens, ang diet ay pinaghalong type A at B. Ang mga taong may ganitong type ng dugo ay dapat iwasan ang mga pagkaing manok, mais, saging, fava beans, smoked meat, caffeine, at alcohol. Hinihikayat silang kumain ng seafood, luntiang mga dahon na gulay, tokwa, at dairy.
Type O Diet
Ang type O na dugo ang pinaka karaniwang dugo sa buong mundo. Ito ay walang A o B na antigens. Sinasabing ang type O na dugo ay sensitibo sa lectin na makikita sa grains. At dahil dito, sila’y mas nahihirapang tumunaw ng sugar kaysa protina at fat. Para sa blood type na ito, ang mataas na protina na diet mula sa karne at isda ay ideyal. Hinihikayat din ang gulay ngunit ang beans, mga mani, at grain-based na produkto tulad ng kanin at tinapay ay kailangang iwasan.
Kailangan Ba Akong Sumunod Sa Blood Type Diet?
Ang blood type na diet ay orihinal na nailimbag sa isang libro, Eat Right 4 Your Type, noong 1990s. Ang diet ay nagpasimula ng trend na pagiging mulat sa mga blood type. Ngunit nakalipas ang mga dekada, walang syentipikong pag-aaral ang sumuporta sa ideya ng direktang ugnayan ng blood type sa diet.
Lahat ng mga tao ay kinakailangan ang mga nutrisyon tulad ng macronutrients, protina, at fat. Ganun din ang micronutrients, gaya ng mga bitamina, at mineral. Ang blood type diet ay iniiwasan ang pinagmumulan ng lectin hangga’t maaari dahil nagiging sanhi ito ng blood cells na magkukumpol at mag-uudyok sa immune response. Gayunpaman, ang mga lectin ay nakikita sa maraming pagkain at mahirap na iwasang ganap. Dahil ang diet na ito ay hindi pinahihintulutan o nag tatanggal ng isang buong food group, hindi ito makokonsidera na balanseng diet o masustansya.
[embed-health-tool-bmi]
Mahalagang Tandaan
Ang pag-alam ng iyong blood type ay mahalaga at maaaring pasimulan ng usapan. Totoo na ang bawat katawan ng tao ay iba-iba. Pero ang blood type ay hindi malaking factor kung ang usapan ay diet. Ang blood type diet meal plan ay hindi inirerekomenda ng mga propesyunal sa kalusugan. Kung ikaw ay naghahanap para i-manage ang timbang at mas maging malusog, pinakamainam na kumonsulta sa doktor bago magsimula ng anumang diet.
Matuto pa tungkol sa Masustansiyang Pagkain dito.
[embed-health-tool-bmr]