Marami ang natutuwa sa kagandahan ng benepisyo ng kidney cleanse sa kalusugan ng isang tao. Hindi rin makakaila na mas lalo itong naging popular, dahil sa health conscious people.
Kine-claim ng maraming tao na ang kidney cleanse ay kapaki-pakinabang para sa kalusugan, kaya’t nagbibigay sila ng rekomendasyon na gawin ito nang regular. Ngunit ano nga ba ang benepisyo ng kidney cleanse? Ligtas nga ba itong gawin? At ano ang masasabi ng mga doktor tungkol dito?
Ano ang Kidney Cleanse?
Sa kasalukuyan, sikat ang iba’t ibang uri ng “detox diets” at “cleanses”. Ang mga ito ay naiulat na nakakatulong sa pagke-cleanse ng toxins.
Nakukuha ang toxins mula sa pagkain at kapaligiran. Masasabi rin na ang isa sa mga sikat na uri ng paglilinis ngayon— ay ang kidney cleanse.
Ang kidney cleanse ay kilala rin bilang “kidney detox”. Iniulat ito na isa sa mga epektibong paraan ng pagpapanatiling malinis ang iyong bato sa pamamagitan ng paglilimita sa’yong diet sa ilang uri ng mga pagkain, at pag-inom ng special juices. Sinasabi na ang kidney cleanse ay nag-aalis ng unwanted toxins mula sa’yong bato.
Ayon sa mga tagapagtaguyod o proponents, ang kidney cleanse ay hindi lamang nakakatulong sa’ting mga bato, kundi pati na rin sa pangkalahatang kalusugan ng isang tao. Ngunit anong mga benepisyo ng kidney cleanse?
Ano ang Iba’t Ibang Benepisyo ng Kidney Cleanse?
Ang mga taong sumasailalim sa kidney cleanse ay nagpahayag na mas napapabuti nito ang kanilang kalusugan at pakiramdam. Dagdag pa nila, nakakatulong din ito para mas gawin silang mas malusog.
Isa sa mga benepisyo ng kidney cleanse ay ang pag-neutralize ng toxins na naipon sa mga bato. Sa pamamagitan ng pag-inom ng iba’t ibang uri ng juice, pagkain, prutas at gulay, maaari mong linisin ang iyong kidneys.
Sinasabi ng mga tagapagtaguyod na ang pagsasagawa ng kidney cleanse ay nakakatulong sa’yong kalusugan, dahil binabawasan nito ang risk na magkaroon ng sakit sa bato.
Ang isang dahilan kung bakit tayo nagkakasakit— ay dahil sa toxins. Kaya raw ang kidney cleanse ay makakatulong para maalis ang toxins na taglay ng katawan.
May nagsasabi pa nga, na ang indibidwal na may sakit sa bato ay kayang gamutin ang kanilang karamdaman— sa pamamagitan ng cleansing.
Ngunit mayroon bang katotohanan ang mga pahayag na ito?
Benepisyo ng Kidney Cleanse: Ano ang Sasabihin ng mga Doktor?
Ang totoo, hindi naman talaga lubos na kailangan ang sariling pagde-detox o paglilinis. Dapat tandaan ng bawat indibidwal na maaaring alisin ng katawan ng kusa ang toxins dahil may natural na kakayahan ang katawan na linisin ang sarili.
Halimbawa, nagagawa ng atay na i-filter ang harmful metals, tulad ng lead o mercury— at alisin ito sa katawan. Tumutulong din ito sa pag-neutralize ng toxins na ating nakain o nainom, at pagharap sa mga nakakapinsalang kemikal na pumasok sa ating katawan.
Habang ang kidneys naman ay gumagawa din ng mahusay na trabaho sa pamamagitan ng pagsala ng waste substances mula sa katawan— sa anyo ng ihi. Ang ating bituka at immune system naman ay may kanya-kanyang paraan sa pagharap ng toxins at iba pang harmful substances, upang hindi magkasakit ang isang tao.
Masasabi na talagang kamangha-mangha, kung gaano kahusay nafi-filter ng katawan ang mga nakakapinsalang sangkap. Magugulat ka kung gaano kabisa ang ating organs— kahit na ang mga ito ay walang tulong ng anumang hiwalay na cleansing o detox methods. Gayunpaman, ang ating organs ay may limitasyon kung ano ang maaari nilang salain. Nangangahulugan ito na kung patuloy kang maglalagay ng toxins sa’yong katawan, mahihirapan din itong harapin ang harmful substances na iyon.
Kaya naman mahalagang malaman kung ano ang pwede mong gawin para suportahan ang likas na kakayahan ng iyong katawan sa paglilinis.
Narito ang mga Dapat Gawin
Sa halip na mag-cleanse o mag-detox, narito ang ilang bagay na maaari mong gawin:
- Kumain ng masustansyang pagkain tulad ng prutas at gulay. Makakatulong ang mga ito na mapanatiling malusog ang iyong bato at mapanatili ang kakayahang mag-filter ng toxins mula sa katawan.
- Iwasang kumain ng junk foods, matamis na pagkain, mataba na pagkain, at processed foods.
- Laging panatilihing hydrated ang iyong sarili.
- Mag-ehersisyo nang regular. Nakakatulong ito na mapanatiling malakas ang iyong katawan, at nire-regulate nito ang body functions
- Iwasan ang masasamang gawi tulad ng pag-inom ng alak at paninigarilyo.
Sa pamamagitan ng pagsunod sa mga tip na ito. Masisiguro mong mananatiling malakas at malusog ang iyong katawan, at walang toxins.
Matuto pa tungkol sa Mga Espesyal na Diyeta dito.
[embed-health-tool-bmr]