backup og meta

Ano Ang Pescetarian Diet, At Mainam Ba Ito Sa Kalusugan?

Ano Ang Pescetarian Diet, At Mainam Ba Ito Sa Kalusugan?

Maraming netizen ang nagtatanong kung ano ang pescetarian diet— dahil sa paggamit ni Nadine Lustre ng diyetang ito.

Matagal na rin mula noong maibahagi ni Nadine Lustre na nakahanap siya ng new home sa magandang isla ng Siargao. At habang patuloy niyang tinutulungan ang isla at ang mga tao nito na makabangon mula sa Bagyong Odette. Ang paninirahan doon ay naging dahilan niya para i-reconsider ang kanyang lifestyle choices. Ibinahagi ng singer-actress na may bagong journey rin siya ngayon upang maging isang pescetarian.

Nadine Lustre: Mas Nakapokus Siya Sa Kalusugan At Fitness

Sa isang recent Youtube vlog mula sa celebrity dermatologist na si Doctor Aivee Teo, ibinunyag ni Nadine Lustre ang pagsisimula ng diet niya noong isang linggo.

“Now I’m focusing on health and fitness. I’m eating more healthy food. Hopefully, I’m successful with becoming full-on pescetarian and vegetarian,” pahayag ng aktres.

Inamin din niya na mahirap para sa kanya na simulan ang diyeta. Dahil isa siyang “foodie” nag-e-enjoy sa steak. Ngunit, sa ngayon, wala siyang strong desire para sa karne. Bukod pa rito, idinagdag niya na hindi isang struggle ang maging isang pescetarian o vegan sa Siargao. Ito ay dahil mayroong “napakaraming magagandang pagpipilian” para sa pagkain sa isla.

“There’s just a lot of options like [vegetables], lutong bahay (home-cooked meals) and a friend who would always cook and she likes to make kangkong, itlog na pula with kamatis (salted egg with tomato) [and] sinigang na bangus,” sabi ng aktres.

Higit pa rito, ibinahagi rin ni Nadine Lustre ang malawak na seleksyon ng sariwang seafood at iba pang ani ng Siargao. Samantala, sumang-ayon siya kay Doctor Aivee na medyo mahirap mapanatili ang diyeta. Dahil sa iba’t ibang unhealthy “temptation” at iba pang pagpipilian ng karne na makukuha sa Maynila.

“It’s also really what you would want to eat. Like [compared to when] ‘you’re on an island. Of course you want fish and fruits.” pagbabahagi ni Nadine kay Teo.

Bukod sa kanyang diyeta, lumilitaw na nagbago ang habit ni Nadine Lustre sa social media dahil sa kanyang oras sa Siargao. “I’m just enjoying the present. I’m not always on my phone checking and watching everyone’s [Instagram] stories. Sometimes I do [but] it’s really the place,” pahayag ng dalaga.

Ano ang Pescetarian Diet?

Ang pescetarian diet ay binubuo ng pagkain ng isda at pagkaing-dagat. Bilang karagdagan sa mga gulay at iba pang produktong pagkain na nakabatay sa halaman.

Ang salita ito ay nagmula sa kombinasyon ng salitang Italyano na “pesce”, na nangangahulugang isda, at “vegetarian.” Sa mga siyentipikong journal, madalas na tinutukoy ng mga mananaliksik ang diyeta na ito bilang “pesco-vegetarian.” Ito rin ay inuri bilang bahagi ng vegetarian diet spectrum.

Ang mga taong sumusunod sa ganitong uri ng diyeta ay gumagamit ng isda at iba pang pagkaing-dagat bilang kanilang protein source.

Ano ang Pescetarian Diet: Mga Benepisyo sa Kalusugan 

Ang mga plant-based na diyeta ay may maraming napatunayang benepisyo. Kabilang ang pinababang risk ng labis na katabaan at chronic disease. Tulad ng sakit sa puso at diabetes, bukod sa marami pang iba.

Ang Pagkain ng Isda ay Nakakatulong sa Pagpapabuti ng Kalusugan ng Puso

Ang pagkain ng isda, partikular na ang matatabang isda, ay nagpapataas ng long-chain omega-3 fatty acid intake. Ito ay tumutukoy sa isang unsaturated fat na maaaring maging mahalaga sa mga tao. Dahil ang ilang mga omega-3 ay mahalaga para sa healthy lifestyle.

Ang mga taong kumakain ng isda ay may mas mababang presyon ng dugo. Mas malamang na hindi magkaroon ng abnormal heart rhythm at lesser fatal heart attacks.

Bukod sa isda, ang pagkain ng pescetarian ay pangunahing binubuo ng mga pagkaing halaman. Ayon sa isang pag-aaral, ang taong kumakain ng maraming gulay at iba pang produkto ng halaman ay may mas mababang risk na magkaroon ng coronary heart disease.

Bukod dito, ayon sa mga author, ang isang plant-based na diyeta ay nangangailangan ng pagpapababa ng presyon ng dugo at pagpapabuti ng blood lipids.

Ang Pagkain ng Gulay ay Nakakatulong sa Pagbabawas ng Panganib ng Diabetes

Ang isang plant-based na diyeta ay maaaring magpababa ng panganib ng type 2 diabetes at metabolic syndrome.

Tandaan: ang insulin resistance, mataas na presyon ng dugo, at labis na katabaan ay sintomas ng metabolic syndrome.

Ang flavonoids, na may anti-inflammatory, antioxidant, anti-diabetic properties, ay sagana sa mga plant-based diet. Ito ay naturally occurring compounds na nasa mga halaman.

Bukod dito, natuklasan din ng mga mananaliksik na ang mga taong sumunod sa isang pescetarian diet ay may highest flavonoid intake. Sa lahat ng mga nakibahagi sa pag-aaral na 77,000 katao sa U.S. na may iba’t ibang dietary patterns.

Pagkaing Maari Mong Kainin

Ang ideya ng diyetang ito ay alisin ang karne mula sa equation. Anumang mga gulay at iba pang pagkaing-dagat ay maaaring maging iyong go-to kapag nagsimula ka sa diyeta na ito. Ano ang pescetarian diet na mga pagkain ang maaaring kainin?

  • Isda at iba pang shellfish
  • Legumes
  • Mga mani at buto
  • Dairy (itlog, yogurt, gatas, keso)
  • Tofu
  • Whole grains at grain products
  • Mga prutas
  • Mga gulay

Larawan nakuha mula sa Instagram

[embed-health-tool-bmr]

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Nadine Lustre takes on pescatarian diet influenced by life in Siargao, https://entertainment.inquirer.net/440695/nadine-lustre-takes-on-pescatarian-diet-influenced-by-life-in-siargao Accessed March 12, 2022

Influenced by life in Siargao, Nadine Lustre shifts to pescatarian diet, https://news.abs-cbn.com/life/03/09/22/influenced-by-siargao-nadine-lustre-goes-pescatarian Accessed March 12, 2022

Vegetarian dietary patterns and mortality in Adventist Health Study 2 – Michael J Orlich, Pramil N Singh, Joan Sabaté, Karen Jaceldo-Siegl, Jing Fan, Synnove Knutsen, W Lawrence Beeson, Gary E Fraser, https://pubmed.ncbi.nlm.nih.gov/23836264/ Accessed March 12, 2022

Seafood Long-Chain n-3 Polyunsaturated Fatty Acids and Cardiovascular Disease: A Science Advisory From the American Heart Association, https://www.ahajournals.org/doi/pdf/10.1161/CIR.0000000000000574 Accessed March 14, 2022

Cardio-Metabolic Benefits of Plant-Based Diets – Hana Kahleova, Susan Levin, and Neal Barnard, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC5579641/ Accessed March 14, 2022

Comparison of polyphenol intakes according to distinct dietary patterns and food sources in the Adventist Health Study-2 cohort – Nasira Burkholder-Cooley, Sujatha Rajaram, Ella Haddad, Gary E. Fraser, and Karen Jaceldo-Siegl, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC6061923/ Accessed March 14, 2022

 

Kasalukuyang Version

01/10/2023

Isinulat ni Lornalyn Austria

Sinuri ang mga impormasyon ni Jan Alwyn Batara

In-update ni: Lorraine Bunag, R.N.


Mga Kaugnay na Post

Alamin: Masustansya ba ang Meal Substitute?

"Dapat may cheat day": Ano nga ba ang Benefits ng Pagkakaroon Nito?


Sinuri ang mga impormasyon ni

Jan Alwyn Batara


Isinulat ni Lornalyn Austria · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement