backup og meta

Alamin: Masustansya ba ang Meal Substitute?

Alamin: Masustansya ba ang Meal Substitute?

Mas mahirap pa sa iniisip mo ang pagbabawas ng timbang. Dulot ng mabilis na takbo ng ating pamumuhay, pinipili ng mga tao ang madaling paraan ng diet o shady weight loss schemes. Ngunit gumagana ba ito? Ang mga meal substitute, kasama ng diet at ehersisyo, ay nakapagbibigay ng epektibong alternatibo para sa pagbabawas at pagkontrol ng timbang. Nakabase ang mga benepisyo sa kalusugan sa mga salik tulad ng convenience ng meal substitute, kakayahan nilang pigilan ang gutom, at makapagbigay ng kinakailangang sustansya para sa araw-araw.

Mababawasan ka ba ng timbang sa mga meal substitute?

Layunin ng meal substitute diet na palitan ang regular mong kinakain ng low-calorie replacements tulad ng inumin, sabaw, at snack bars. Hangad nitong bawasan ang kabuoang energy intake at makatulong na mabawasan ka ng timbang

Ang mga unang ideya para sa meal substitute ay lumitaw noong mga unang bahagi ng space travel. Kung kailan ang mga tao ay nahuhumaling sa pagsisiksik ng kompletong pagkain sa isang inumin o bar. Ang mga ganitong uri ng pagkain ay nanatili sa pamilihan mula 1970s at higit pa. Ngunit unti-unting bumagsak ang demand dito mula nang kuwestyunin ng mga tao kung masustansya ba ang meal substitute at ang mga benepisyo nito sa kalusugan.

Kung kaya mong tagalan ang mga meal substitute shakes at bars para sa iyong almusal, tanghalian, at hapunan, may ebidensya na ang mga meal substitute ay maaaring isang makatotohanang estratehiyang pampapayat sa maikling panahon.

Batay sa magkakaibang medikal na pag-aaral ng mga dietician at doktor, nababawasan ng timbang ang mga tao ng mga 11 pounds o nasa 4-5 kilo sa pamamagitan ng pagpapalit ng 2 meal kada araw. Nagpakita rin sila ng pagbawas ng timbang ng hanggang 25 pounds habang sumasailalim sa calorie-restricted diet na may 2 meal replacement shakes kada araw sa loob ng 16 linggo. 

Ang katotohanan tungkol sa mga meal substitute

Wala namang mahiwaga sa mga meal replacement. Hindi rin sila tulad ng mga food replacement na nasa mga pelikula at siyensya na walang lasa. Sa ngayon, napakaraming paraan upang maghanda ng meal replacements na masarap at kaya kang busugin sa loob ng ilang oras. 

Bukod sa mga nabanggit na mga usapin hinggil sa nutrisyon, pinasisimple ng mga meal substitute ang weight management. Nagagawa ito sa pamamagitan ng pagkontrol sa isa o dalawang pagkain lamang kada araw. Gayunpaman, dahil may calorie restriction ang karamihan sa mga replacement na ito, huwag itong susubukan nang hindi kumokonsulta sa doktor. 

Masustansya ba ang meal substitute? 

Natukoy ng Medicine Department ng University of Ulm sa Germany ang ilang tiyak na mga dahilan kung bakit sobrang epektibo ng mga meal replacement diet para makabawas ng timbang. Una ay convenience. Ang kakulangan sa panahon upang makapaghanda ng masustansyang pagkain ang isa sa pinakamalalaking hadlang sa pagbabawas ng timbang. Kaya’t pinapadali ng mga meal substitute ang pagpaplano ng kakainin.

Ang susunod na dahilan ay ang tumaas na compliance. Binabawasan ng meal substitute ang mga hadlang sa pagsunod sa diet, tulad ng temptasyon ng pagkain ng unhealthy food. Saka mayroon itong wastong calorie estimation. Ang mga meal substitute, kung maihahanda nang tama, ay magandang paraan upang mabantayan kung gaano karaming calories ang talagang nakokonsumo mo.

Mayroon ding kalidad ng pagkaing kinokonsumo. Ang pagpapababa ng pagkonsumo ng calories ang nagpapahirap sa pagkuha ng higit na kinakailangan ng katawan na sustansya. Karamihan sa mga meal substitute ay siksik sa vitamins at minerals, maging ng protina at fiber. 

Panghuli, may mga positibong epekto ng pagmomonitor ng sarili. Ang pagtatala ng iyong kinakain ay makatutulong sa mga taong maging malay sa kanilang mga food behavior. Ang pag-oobserba sa meal substitute ay mas madaling nakapagbibigay ng kamalayan sa target na behavior at inaasam na resulta. 

Gaano ito kaepektibo?

Maaaring maging epektibong option ang mga meal substitute products upang mabawasan ka ng timbang. Lalong nadaragdagan ang mga benepisyo nito kapag ginawa kasabay ng kasalukuyang programa ng pagbabawas ng timbang. Suportado ng pananaliksik ang pananaw na kapag ang meal substitute ay isinabay sa low-energy diet nang may paggabay ng isang lisensyadong health professional, maaari itong maging epektibong paraan upang mabawasan ang timbang. 

Sinasabi ng ilang medikal na pag-aaral na ang pagsa-substitute ng isa o dalawang meal kada araw sa masustansyang meal replacement ay makapagpapabilis ng pagbabawas ng timbang. Mahalagang tandaan na hindi akma ang meal replacement at low energy diet sa ilang grupo ng mga tao. Hindi ito akma sa mga bata, buntis, at mga may eating disorder. Gayundin sa mga taong umiinom ng gamot na naaapektuhan ng mabilis na pagbawas ng timbang tulad ng insulin. Maaari din itong makapagpalala ng ilang mental health condition.

Kung magbabago ng diet upang mabawasan ng timbang, kumonsulta sa iyong doktor.

Matuto pa tungkol sa special diet dito.

[embed-health-tool-bmr]

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Protein shakes: Good for weight loss? https://www.mayoclinic.org/healthy-lifestyle/weight-loss/expert-answers/protein-shakes/faq-20058335, Accessed September 11, 2021

Low calories diets to treat obesity and Type 2 diabetes, https://www.england.nhs.uk/diabetes/treatment-care/low-calorie-diets/, Accessed September 11, 2021

6 ways meal replacements can you reach your weight loss goals, https://www.gvh.org/6-ways-meal-replacements-can-help-you-reach-your-weight-loss-goals/, Accessed September 11, 2021

Do meal replacements work?, https://www.mydr.com.au/news/do-meal-replacements-work-for-weight-loss, Accessed September 11, 2021

Kasalukuyang Version

01/23/2023

Isinulat ni Daniel de Guzman

Narebyung medikal ni Jaiem Maranan, RN MD

In-update ni: Jaiem Maranan


Mga Kaugnay na Post

Mga Senyales Ng Ketosis: Ano Ang Dapat Alalahanin?

"Dapat may cheat day": Ano nga ba ang Benefits ng Pagkakaroon Nito?


Narebyung medikal ni

Jaiem Maranan, RN MD

General Practitioner


Isinulat ni Daniel de Guzman · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement