backup og meta

Surgery para sa sobrang taba, ano ang mga dapat mong malaman?

Surgery para sa sobrang taba, ano ang mga dapat mong malaman?

Posible na ang surgery para sa sobrang taba at isa ito sa mga benepisyo ng modernong panahon. Ngunit, ano at paano nga ba ito gawin? Ito ang mga tanong na dapat masagot para na rin sa sariling kaligtasan at kapayapaan ng loob. Dahil kapag naiisip ng tao na gusto nilang maging slim, ang pagbabawas ng timbang ang madalas na solusyong gustong gawin bukod sa mga programa sa pagbabawas ng timbang, taba, pag-eehersisyo, at pagdidiyeta. Habang ang iba naman ay nag-iisip na baka pwedeng gawin sa kanila ang surgery para matanggal ang kanilang sobrang taba.

Sa panahon natin ngayon sobrang karaniwan na ang operasyon sa pagbaba ng timbang dahil ito ang pinagpapalagay ng tao na pinakamahusay na paraan, upang matanggal ang sobrang taba ng madali at mabilis.

Ang weight loss surgery— o bariatric o metabolic surgery — ay karaniwang inirerekomenda sa mga taong napakataba. Gayunpaman, may mga taong sumasailalim sa mga naturang surgery  para sa mas mabilis na pagbaba ng timbang.

Tingnan natin kung bakit kailangan mong sumailalim sa surgery sa pagbaba ng timbang — at alamin ang apat na operasyon sa pagbaba ng timbang na karaniwang inirerekomenda.

Bakit Kailangan Mong Sumailalim sa Mga Surgery Para sa Sobrang Taba?

Sa pangkabuuan, ang bariatric surgery ay pwedeng maging kapaki-pakinabang para sa mga may body mass index (BMI) — na 40 o mas mataas (extreme obesity) — o para sa mga may BMI mula 35-39.9 (obesity). Ang mga doktor ay pwede ring magrekomenda ng operasyon para sa mga may malubhang problema sa kalusugan, partikular sa may type 2 diabetes, mataas na presyon ng dugo — at malubhang sleep apnea.

Iminumungkahi ng mga doktor na sumailalim sa isang weight loss surgery kapag nakita nila na nagiging mahirap ang iyong pagbaba ng timbang sa typical physical workout at healthy diet.

Iba’t Ibang Uri ng Surgery para sa Sobrang Taba

Alamin ang 4 na weight loss surgery na maaari mong isaalang-alang:

Roux-en-Y o Gastric Bypass

Bago ang operasyon, ang surgeon ay gumagamit ng general anesthesia na nagpapatulog sa pasyente.

Mayroong 2 hakbang para sa pagbabawas ng timbang na operasyon na ito:

Sa tulong ng staples, hahatiin ng surgeon ang tiyan sa dalawa: small upper section at large bottom section.

Ang itaas na bahagi ay tinatawag na pouch kung saan dito mapupunta ang lahat ng pagkain na kinakain. Makikita na ang pouch ay kasing laki ng walnut na naglalaman lamang ng 28 grams o 1 ounce ng pagkain. Binabawasan nito ang iyong gana sa pagkain na magreresulta sa pagbaba ng timbang.

Habang ang pangalawang hakbang naman ay tinatawag na “bypass”. I-a-attach ng surgeon ang isang maliit na bahagi ng iyong small intestine sa isang tiny hole sa’yong pouch. Ngayon, pupunta sa pouch ang kinakain na pagkain — sa pamamagitan ng new opening papuntang small intestine kung saan tinutulungan nito ang iyong katawan na mag-absorb ng mas kaunting calories.

Pwedeng magsagawa ang mga doktor ng gastric bypass sa dalawang paraan: open surgery o laparoscopy surgery.

Vertical Sleeve Gastrectomy (VSG)

Ang VSG operation ay ginagawa gamit ang general anesthesia. Para dito, ang surgeon ay gumagamit ng isang maliit na camera na ilalagay sa’yong tiyan — tulad ng sa laparoscopy. Sinasabi na ang laparoscopic surgery ay tumutulong sa surgeon na isagawa ang operasyon sa pagtingin sa isang screen.

Gumagawa ang surgeon ng 2-5 incisions sa’yong tiyan at ipinapasok ang scope — at instruments sa pamamagitan ng mga incision. Ang procedure na ito ay nag-aalis sa major part ng iyong tiyan. Habang ang remaining section ng iyong tiyan ay bumubuo ng tube-shaped stomach kung saan halos kasing laki at hugis ito ng saging.

Ang surgery na ito ay nire-resize ang iyong tiyan at nililimitahan ang dami ng food consumption. Dahil ang maliit na tiyan ay hindi kayang panghawakan ang masyadong madaming pagkain. Bukod pa rito, ang vertical sleeve gastrectomy ay nag-uudyok ng hormonal changes na nagpapasigla sa pagbaba ng timbang. Gayundin, nakakatulong itong mapawi ang mga kondisyong pangkalusugan nauugnay sa sobrang katabaan gaya ng sakit sa puso at hypertension.

Gastric Band

Ang gastric banding ay isa sa mga weight loss surgery na kinasasangkutan ng paglalagay ng silicone band na umiikot sa itaas na bahagi ng tiyan para bawasan ang laki ng tiyan at ang pagkonsumo ng pagkain. Makikita na ang operasyong ito ay inaprubahan ng Food and Drug Administration (FDA) bilang isang epektibong surgery para sa sobrang taba.

Itinatali ng surgeon ang band sa paligid ng upper portion ng tiyan at ikinakabit ang isang tubo sa band. Maaari nilang ma-access ang tubo sa pamamagitan ng port sa ilalim ng balat ng tiyan.

Iniinject ng surgeon ang saline solution sa band para mag-inflate gamit ang port at ang adjustment ng band ay pwedeng mag-alter ng degree of constriction sa paligid ng tiyan. Makikita rin na ang band ay mahahati ang tiyan sa 2 bahagi — isang small pouch sa itaas kasama ang natitirang bahagi ng tiyan sa ibaba.

Ang pagkakaroon ng mas maliit na tiyan ay nakakabawas ng food consumption. Gayundin, pinapanatili nitong busog ang tiyan sa pamamagitan ng pagkain lamang ng mas kaunti, at binabawasan nito ang gutom at food intake.

Bilang plus point, ang weight loss surgery ay nagbibigay-daan din sa normal digestion nang walang malabsorption.

Duodenal Switch

Tinatawag din itong biliopancreatic diversion na may duodenal switch — at mas kumplikado ito kumpara sa iba pang weight loss surgeries. Ang duodenal switch ay nangangailangan ng dalawang magkahiwalay na operasyon.

Sinasabi na ang una ay katulad ng gastric sleeve surgery, habang ang pangalawa ay nagre-redirect ng pagkain para i-bypass sa’yong small intestine. Gayundin, muling ina-attach ng surgeon ang bypassed section sa huling bahagi ng small intestine kung saan nagpapahintulot ito sa digestive juices na humalo sa pagkain.

Kumpara sa iba pang mga surgery para sa taba mas nakakatulong kaysa sa 3 ang duodenal switch sa weight loss. Gayunpaman, ang operasyong ito ay malamang na magdulot din ng side effects o surgery-related problems.

Nagdudulot din ito ng kakulangan sa protina, mineral at bitamina sa katawan at ito ang dahilan kung bakit hindi karaniwang iminumungkahi ng surgeons ang operasyong ito.

Buhay Pagkatapos ng Surgery Para sa Sobrang Taba

Ang weight loss surgeries na ito ay pwedeng makatulong sa mga hirap na hirap na magbawas ng timbang. Ngunit, hindi ito ganap na makakatulong sa iyo na labanan ang labis na katabaan.

Pagkatapos sumailalim sa alinman sa mga operasyong ito sa pagbaba ng timbang, kakailanganin mong baguhin ang iyong lifestyle at eating habits para maiwasan ang labis na katabaan. Gayundin, kailangan mong sundin ang mga sumusunod:

  • Isama ang malusog na pagkain sa’yong diyeta: Tulad ng mga madadahong gulay, munggo para makakatulong sa’yong overall body.
  • Pag-eehersisyo: Ang regular physical activities, gaya ng pag-eehersisyo sa gym, yoga — o anumang aktibidad sa cardiovascular ay pwedeng makatulong na mapanatili ang iyong timbang at masunog ang labis na taba.
  • Mas kaunting junk food: Bagama’t magiging mahirap para sa’yo na ganap na maiwasan ang junk food. Maaari mong limitahan ang pagkonsumo nito. Ang mga limitasyon sa soft drinks at naprosesong pagkain ay nakakatulong sa pagpapababa ng produksyon ng taba sa katawan.

Mga paalala

Siguraduhing mahigpit mong sundin ang mga puntong nabanggit sa itaas para maiwasan ang labis na produksyon ng taba sa katawan. Kumonsulta sa’yong doktor para sa anumang partikular na instruction, at isaalang-alang ang iyong general health bago magplano ng gawain sa pag-eehersisyo.

Pagkatapos sumailalim sa weight loss surgery dapat kang magpahinga upang makatulong sa iyong pag-recover. Uminom ng mga gamot na inireseta ng doktor at sundin ang diet guidelines.

Tiyaking hindi ka agad magpapakasawa sa anumang uri ng matinding pisikal na aktibidad partikular pagkatapos ng operasyon. Magsimula nang mabagal at dagdagan ang antas ng kahirapan sa pagtagal.

Ito ang 4 na operasyon sa pagbaba ng timbang na dapat mong malaman bago sumailalim sa isa sa mga surgery na ito. Hilingin sa iyong surgeon na ipaliwanag nang maayos ang bawat operasyon para maunawaan  ang mga benepisyo at posibleng mga panganib at komplikasyon.

Matuto nang higit pa tungkol sa Diet at Pagbaba ng Timbang dito.

[embed-health-tool-bmr]

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Guide to types of weight-loss surgery, https://www.mayoclinic.org/tests-procedures/gastric-bypass-surgery/in-depth/weight-loss-surgery/art-20045334, Accessed on April 20, 2020

Weight loss surgery, https://www.nhs.uk/conditions/weight-loss-surgery/types/, Accessed on April 20, 2020

How Do You Know What Type of Bariatric Surgery Is Right for You? https://health.clevelandclinic.org/how-to-choose-the-best-bariatric-surgery-solution/, Accessed on April 20, 2020

Weight loss surgery: do the benefits really outweigh the risks? https://www.medicalnewstoday.com/articles/269487, Accessed on April 20, 2020

Types of Weight Loss Surgeries, https://www.cooperhealth.org/services/bariatric-and-metabolic-surgery-center/why-choose-surgery/types-weight-loss-surgeries, Accessed on April 20, 2020

Bariatric surgery, https://www.mayoclinic.org/tests-procedures/bariatric-surgery/about/pac-20394258, Accessed on April 20, 2022

Kasalukuyang Version

08/31/2022

Isinulat ni Lornalyn Austria

Narebyung medikal ni Janie-Vi Villamor Ismael-Gorospe, MD

In-update ni: Dexter Macalintal, MD


Mga Kaugnay na Post

Puwede Bang Pumayat Nang Walang Ehersisyo? Alamin Dito!

Safe Ba Ang Slimming Pills? Heto Ang Mga Dapat Mong Malaman!


Narebyung medikal ni

Janie-Vi Villamor Ismael-Gorospe, MD

General Practitioner


Isinulat ni Lornalyn Austria · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement