backup og meta

Paano Mo Malalaman Kung Overweight Ka? Ito Ang mga Senyales

Paano Mo Malalaman Kung Overweight Ka? Ito Ang mga Senyales

Paano mo malalaman kung overweight ka? Isa ang overweight sa karaniwang problema sa mundo. Nilalagay ng kondisyon na ito ang mga tao sa mas mataas na posibilidad na maging obese. At magkaroon ng mga seryosong sakit tulad ng:

  • Altapresyon
  • Type 2 diabetes
  • Sakit sa puso
  • Stroke
  • Kanser

Gayunpaman, maaaring makita ang ilang senyales ng pagiging overweight bago ito ganap na makaapekto sa katawan at mauwi sa obesity.

Mga Implikasyon ng pagiging overweight

Maaaring indikasyon ng iba pang panganib sa kalusugan ang mga senyales na ito. Lubhang seryoso at delikado sa buhay ang panganib ng pagiging overweight sa ating kalusugan.  Kaya mahalagang malaman ang mga senyales ng pagiging overweight at gawin ang mga tamang hakbang. Ipinapayong panatilihin ang tamang timbang ng katawan at siguraduhing iwasan ang labis na pagkakaroon ng taba sa katawan.

Paano mo malalaman kung overweight ka? Maaaring gamitin palagi ang body mass index (BMI) calculator na makikita sa online para malaman ang iyong BMI. Sa karaniwan, sinasabing overweight ang BMI na 25 o mas mataas pa, habang itinuturing namang obese ang 30 o mas mataas pa.

Bago natin tingnan ang mga senyales ng pagiging overweight, tingnan muna natin ang mga sanhi ng pagiging overweight o pagiging obese sa katagalan.

Mga dahilan ng pagiging obese

Kapag kumain ka ng mas maraming calories kaysa sa tinutunaw mo sa loob ng mahabang panahon, naiipon ang mga calorie. Maaari itong maging sanhi ng labis na pagbigat ng timbang at kalaunan maging obesity.

Narito ang ilang madalas na dahilan ng pagiging overweight o obese:

  • Post-pregnancy (maaaring mahirap tanggalin ang post-pregnancy weight, at sa kalaunan mauwi ito sa obesity)
  • Maaaring humantong sa hormonal changes ang kakulangan ng tulog o insomnia na nagiging dahilan din para mas makaramdam ng gutom ang isang tao o matakam na kumain ng mga pagkaing mataas ang calorie.
  • Nagreresulta din ang pagtanda ng mas mababang muscle mass at mas mabagal na metabolic rate. Kaya mas madali rin itong nakakataba
  • Genetics, na maaaring makaapekto sa kung paano pinoproseso ng iyong katawan ang pagkain upang gawing enerhiya at kung paano nito tinatabi ang mga taba sa katawan
  • Mga maling paraan ng pagkain
  • Hindi aktibong lifestyle

Bukod sa mga ito, may ilan ding kondisyon sa kalusugan na maaaring humantong sa pagbigat ng timbang tulad ng:

Mga senyales ng pagiging overweight

Paano mo malalaman kung overweight ka? Posibleng lumabas ang mga senyales ng pagiging overweight kapag tumaas din ang iyong BMI kaysa sa normal o kung magsimula ka ring tumaba.

Sakit sa tuhod

Paano mo malalaman kung overweight ka? Ang masakit na tuhod o pananakit ng tuhod ang isa sa mga karaniwang senyales ng pagiging overweight. Nagkakaroon ng dagdag na pressure sa mga joints tulad ng tuhod at ankle dahil sa nadagdag na bigat, na nagiging dahilan ng paninigas at pananakit nito. Hindi lamang tubod at ankle, posible ring magkaroon ng pressure sa mga balakang, na nagpapahirap sa iyo na maglakad at gawin pa ang ibang gawain.

Habang posible ring dahilan ng iba pang sakit ang pananakit ng tuhod, maaari ding makadagdag ang overweight sa mga kasalukuyang problema. Kaya itinuturing ito bilang isa sa mga palatandaan ng pagiging overweight. Mahalagang magpatingin sa iyong doktor para sa mga pananakit sa tuhod at panatilihin ding normal ang iyong timbang.

Sakit sa likod

Maaari din magbigay ng pressure sa spine ang pagiging overweight, na nagiging sanhi ng pananakit ng likod. Mas mataas ang posibilidad ng mga taong overweight o obese na magkaroon ng cervical at lumbar spondylosis, vertebrae fracture, at spinal stenosis. Madalas na nagpapakita ng pananakit ng leeg, pananakit ng likod, pananakit sa likuran ng mga binti, at kung minsan pati pamamanhid ng mga kamay at paa ang mga nabanggit na kondisyon.

Kung masakit ang iyong likod, dapat na humingi ng tulong sa orthopaedic para sa tamang pagsusuri at treatment sa pananakit ng likod.

Paghihilik

Paano mo malalaman kung overweight ka? Kung humihilik, alamin na maaaring isa ito sa mga senyales ng pagiging overweight. Nakakadagdag ang pagtaas ng timbang sa posibilidad na magkaroon ng obstructive sleep apnea dahil sa sobrang taba sa paligid ng leeg. Tinatawag na sleep apnea ang isang sleeping disorder na nangyayari kapag nagsisimula at humihinto ang paghinga habang natutulog. Nakadaragdag din ang mahinang muscle tone at fatty tissues sa paghihilik. Siguraduhin na may malusog na diet at mag-ehersisyo araw-araw.

Humingi ng payo sa iyong doktor para sa mga alalahanin tungkol sa paghilik at gumawa ng plano upang mabawasan ang sariling timbang.

Irregular menstrual cycle

Isa ang irregular period sa mga karaniwang senyales ng overweight sa mga babae. Nakapagpapalakas ng pagdurugo o nagiging dahilan din ng pagkawala ng menstrual cycle o pagtagal ng period cycle ang pagiging overweight. Nagugulo ng sobrang taba sa katawan ang balanse ng hormones sa katawan, na nagiging sanhi ng maraming kondisyon sa kalusugan na may kinalaman sa period at female hormones.

Mga Problema sa paghinga o dyspnea

Isa rin sa mga karaniwang senyales ng pagiging overweight ang problema sa paghinga. Kung isang overweight o obese, maaaring hindi komportable ang iyong pakiramdam matapos ang isang gawain. Dahil sa mga sobrang taba sa palibot ng iyong leeg, dibdib, at tiyan, nagiging mahirap para sa iyo na gawin ang mga pisikal na gawain at maaaring magresulta sa pagkapos ng hininga o dyspnea. Maaaring maging mahirap para sa iyo na huminga.

Kung nakararanas ng pagkapos ng paghinga, alamin na isa ito sa mga senyales ng pagiging overweight. Kumuha kaagad ng medikal na tulong.

High blood pressure o hypertension

Maaaring isa ang high blood pressure sa mga pangunahing senyales ng pagiging overweight. Kung isang overweight, mas mataas ang iyong posibilidad na magkaroon ng chronic kidney disease, diabetes, at iba pang mga sakit sa puso dahil sa mataas na blood pressure.

Kung mayroong mataas na blood pressure, siguraduhing bantayan ang iyong timbang at humingi ng payong medikal para sa pagpapapayat at pagbabantay ng blood pressure.

Mga problema sa balat

Mga problema sa balat, matagal na paggaling, o paulit-ulit na mga impeksyon sa balat, maaaring senyales ang mga ito ng pagiging overweight. Nagiging dahilan ang mga sobrang taba sa loob at paligid ng ilang bahagi ng katawan para maiwan ang moisture sa mga skin fold at singit. Nagiging dahilan ito ng madaling pagkakaroon ng mga problema sa balat at impeksyon. Posible ring magsanhi ang hormonal changes ng pagiging velvet at maitim ng mga bahagi sa palibot ng leeg at joints ng katawan, na tinatawag na acanthosis nigricans.

Kung mapansin na may mga stretch mark sa iyong balat, kalyo, at corns sa paa o nakararanas ng paulit-ulit na impeksyon sa balat, maaaring kailangan mong tingnan at kontrolin ang iyong timbang.

Heartburn

Kasama rin ang acid reflux at heartburn sa mga karaniwang senyales ng pagiging overweight. Maaari ding makaramdam ng pressure sa bahagi ng dibdib, burning sensation, at sakit sa paligid ng lalamunan. Kadalasang dahil ito sa labis na taba sa katawan na nagbibigay ng dagdag na pressure sa iyong digestive system, na nagtutulak sa iyong pagkain patungo sa esophagus. Nagsasanhi ito ng hindi magandang pakiramdam at acid reflux sa iyong digestive system.

Kung nakararanas ng ganitong mga bagay, alamin na maaaring sintomas ang mga ito ng pagiging overweight.

Varicose Veins

Ito ang mga dilated na blood vessel na sanhi ng paghina ng vessel wall. Karaniwan ang varicose veins sa mga babae, lalo na sa kababaihan na overweight. Madalas din silang makikita sa mga binti. Kung makakita ka ng blue-ish o purple-ish na veins sa paligid ng iyong katawan, lalo na sa mga binti, iyon ang tinatawag na varicose veins. Isa sa mga senyales ng pagiging overweight ang varicose veins. Kaya pinakamahusay na kumuha ng medical evaluation at bantayan ang sariling timbang.

Depresyon

Ang depresyon o low self-esteem ang isa sa pinakamahalagang senyales ng pagiging overweight. Mas madaling magkaroon ng anxiety at stress ang mga taong may obesity. Ito ay dahil sa iba’t ibang rason mula sa pagkahiya hanggang sa body-shaming. Minsan iniiwasan ng mga taong may obesity ang mga pagtitipon at mga event. Ang mga bagay na ito ang nagpaparamdam sa kanila ng higit na depresyon.  Kung nararanasan ang mga sintomas na ito, maaaring dahil ito sa overweight; kaya mabuting humingi ng medikal na tulong.

Samakatuwid, siguraduhin ang pagpapanatili ng iyong kalusugan at regular na mag-ehersisyo upang mabantayan ang timbang. Gayundin, tiyaking nakikipag-ugnayan sa mga tao at subukang maging aktibo sa lipunan.

Kailan dapat pumunta sa doktor?

Kung sa tingin mo ay tumaba ka nang sobra, minsan nang walang anumang dahilan, dapat kang kumuha ng medikal na tulong. Ang biglaang pagkakaroon ng labis na timbang ay maaaring dahil sa isang nakapailalim na kondisyon sa kalusugan.

Kung sa iyong paningin, labis na bumibigat ang iyong timbang at kung minsan wala itong anumang dahilan, marapat na humingi ng medikal na tulong. Maaaring isang natatagong kondisyon sa kalusugan ang dahilan ng biglaang labis na pagtaba.

Gayunpaman, kung lampas sa normal na BMI ang timbang ng iyong katawan, maaaring humingi ng tulong mula sa iyong doktor. Pag-usapan kasama ng iyong doktor ang mga weight loss techniques pati na rin ang tamang diet at mga pagkain na dapat iwasan. Tiyakin ang regular ehersisyo upang matunaw ang mga hindi kailangan na taba at mabantayan ang iyong timbang.

Kung isang overweight at nakararanas ng anumang mga senyales nito, ipagbigay-alam kaagad sa iyong doktor. Humingi ng medikal na tulong. Maaaring malubha ang ibang mga senyales at maaari ding dahilan ito ng iba pang mga problema sa kalusugan. Kaya kinakailangang magpagamot sa lalong madaling panahon.

Makipag-usap sa iyong doktor upang makakuha ng ekspertong payo tungkol sa sustainable diet, workout regime at pangkalahatang proseso para malabanan ang obesity.

Matuto pa tungkol sa Diet at Weight Loss dito.

[embed-health-tool-bmi]

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Obesity symptoms, https://www.healthdirect.gov.au/obesity-symptoms, Accessed on April 23, 2020

Obesity, https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/obesity/symptoms-causes/syc-20375742, Accessed on April 23, 2020

Weight Control and Obesity, https://my.clevelandclinic.org/health/diseases/11209-weight-control-and-obesity, Accessed on April 23, 2020

Obesity and Overweight, https://stanfordhealthcare.org/medical-conditions/healthy-living/obesity.html, Accessed on April 23, 2020

Obesity, https://www.nhs.uk/conditions/obesity/, Accessed on April 23, 2020

Health risks of obesity, https://medlineplus.gov/ency/patientinstructions/000348.htm, Accessed on April 23, 2020

What you need to know about sleep apnea, https://www.medicalnewstoday.com/articles/178633, Accessed on April 20, 2022

Skin problems related to obesity, https://www.skinsight.com/disease-groups/skin-problems-related-to-obesity, Accessed on April 20, 2022

Kasalukuyang Version

07/26/2024

Isinulat ni Daniel de Guzman

Narebyung medikal ni Janie-Vi Villamor Ismael-Gorospe, MD

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Puwede Bang Pumayat Nang Walang Ehersisyo? Alamin Dito!

Safe Ba Ang Slimming Pills? Heto Ang Mga Dapat Mong Malaman!


Narebyung medikal ni

Janie-Vi Villamor Ismael-Gorospe, MD

General Practitioner


Isinulat ni Daniel de Guzman · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement