Tanungin ang sinuman kung ano ang naiisip nilang hitsura ng pickles. Malamang na sasabihin nilang isa itong mahaba, mataba, at kulay berdeng gulay na makikita bilang sangkap sa mga hamburger at hotdog. Pero madalas, tinatawag na “pickling” ang sinaunang paraan ng pagpepreserba ng pagkain sa brine at/o suka. Ngunit dill pickles talaga ang hitsura ng pickle na naiisip natin. Maaari silang pahaba, hiwa-hiwa, o buong pipino na binabad sa asin, suka, at mga pampalasa. Hindi tulad ng iniisip ng karamihan ang mga benepisyo ng pickles sa tuwing kinakain nila ito. Masustansya ba ang pickles?
Kabilang sa pickling ang pagpepreserba ng mga pagkain sa ilalim ng mataas na acid concentration. Pinapatagal nito ang pagkain nang halos dalawang taon nang hindi nilalagay sa refrigerator. Maliban sa lasa na binibigay nila sa pagkain, masustansya ba ang pickles?
Makikita ang Pickles Kahit Saan
Dahil nakikita ito kahit saan, partikular na sa fast food, halos hindi na tinatanong kung masustansya ba ang pickles. Magandang mapagkukunan ng antioxidant beta-carotene ang cucumber pickles. Nauugnay din ito sa mas mababang posibilidad na magkaroon ng ilang malalang kondisyon, tulad ng age-related macular degeneration at type-2 diabetes.
Nagbibigay ng kakaiba at magandang pagbabago sa lasa, texture, at kulay ang pickling. Nangyayari ito sa fermented pickles sa paglipas ng panahon.
Kahit sa mga rehiyon na kasing liblib ng Himalayas, nilalagyan din ng pickles ang mga pangunahing pagkain nila. Nakadaragdag ito sa lasa at katangian ng pagkain. May likas na benepisyo sa kalusugan ang mga ito. Kasama dito ang mga tradisyonal na pickles, pati na rin iba-ibang isda at karne.
[embed-health-tool-bmi]
Mga Benepisyo ng Pickles?
Mayamang mapagkukunan ng mga vitamin at mineral ang pickles. Tumutulong ang fermented pickle sa ilang mahahalagang function. Kabilang na dito ang pagpapasarap o paggawa ng kakaibang lasa. Pati na rin ang pagbabago ng texture at digestibility ng mga pagkain. Ilang mananaliksik din ang nagsabing naglalaman ang mga fermented pickle (mula mga prutas, gulay, isda, o karne) ng mas kaunting taba at kolesterol. Ito ang nakatutulong sa kalusugan ng tao.
Dagdag pa rito, maraming masustansya at bioactive na component tulad ng protein at amino acid ang nakita sa fermented pickles. Natagpuan din sa pickles ang mga antioxidant sa anyo ng flavonoids, phenols, at sterols.
Katulad ng pickled vegetable na sauerkraut, mababa ang mga sour pickled cucumber sa calories habang naglalaman din sila ng tamang dami ng vitamin K sa anyo ng K1. Gayundin, nakitaan ang halos lahat ng pickles ng mababang kolesterol. Maliban na lang sa pickles na ginawa sa sugar syrup.
Mga Posibleng Downside ng Pickle
Natuklasan sa isang pag-aaral noong 2021 ang koneksyon sa salt substitute tulad ng pickles sa China. Pinakita ng pag-aaral na ang kakulangan sa kaalaman sa sodium reduction at salt substitute ang pinakahadlang sa paggamit ng mga salt substitute.
Kabilang din sa mga dahilan ang nakagawiang pagkain ng mga pagkaing mataas sa sodium (tulad ng pickled foods) kung bakit hindi pa tuluyang nakagawian ang paggamit ng mga salt substitute para mabawasan ang sodium intake.
Isa pang pag-aaral noong 2021 ang nagpresenta ng isang 36 na taong gulang na babae na may history ng lupus at antiphospholipid syndrome na kinokontrol ng warfarin. Dinala ang babae sa ospital na may left periorbital ecchymosis.
Ang paghinto ng babaeng kumain ng dill pickles ang tanging nakikitang dahilan ng pangyayari. Dahil mayaman sa vitamin K ang dill pickles, napakahalaga ng tamang dami ng dill pickles para sa warfarin therapy.
Dahil maaari ding maglaman ng sulfite ang mga pickle, na posibleng mag-trigger ng sintomas ng asthma, kabilang ang mga pagkain na ito sa mga kailangang pag-ingatan. Inaabisuhan ang mga taong may asthma na iwasan ang sulfites na ginagamit bilang preservative sa pickles.
Key Takeaway
Bukod pa sa pagiging sangkap lamang sa iyong hamburger o hotdog order, maaaring ang pagtatanong kung masustansya ba ang pickles ang isang bagay na hindi mo pa naiiisip. Marahil, hindi pa rin ito alam ng karamihan. Mayamang mapagkukunan ng mga vitamin at mineral na benepisyal sa kalusugan ang pickles.
Nagpapakita ang mga bioactive component, antioxidant, at vitamin K na makikita sa pickles ng benepisyo tulad ng pagpapababa ng level ng kolesterol. Ngunit may ilan ding downside ang pagkain ng pickles, kaya pinakamagandang payo ang moderation sa mga taong mahilig kumain nito.
Marami pa tungkol sa diet at pagbabawas ng timbang, i-click ito.