backup og meta

Ano Ang Diet Buddy? At Paano Siya Makakatulong Sa Iyong Diyeta?

Ano Ang Diet Buddy? At Paano Siya Makakatulong Sa Iyong Diyeta?

Ang pagbabawas ng timbang, tulad ng maraming mga gawain, ay madalas nating naiisip na mas madaling gawin nang mag-isa. Tiyak na lahat tayo ay nakaririnig na ng mga kuwentong nakapagbibigay-inspirasyon tungkol sa magkaibigan o magkarelasyong nagtulungan upang matamo ang kanilang mga layuning pangkalusugan. Basahin sa artikulong ito kung ano ang diet buddy at ang mga mabubuting epekto nito.

Ilan sa mga anekdotal na ebidensya ang nagpapakitang ang pagkakaroon ng diet buddy ay nakatutulong sa matagumpay na pagtamo ng mga layuning pangkalusugan at pagpapanatili ng pagbaba ng timbang. Ito ay dahil kinakailangan mong magkaroon ng makakasama sa mga problemang iyong kahaharapin sa pisikal na gawaing ito.

Ang pagkakaroon ng makakasama na makapagbibigay sa iyo ng motibasyon ay ang tiyak na katangian ng isang relasyon. Ang hindi alam ng mga tao na mayroon talagang mga pag-aaral na nagpapatunay rito, at sinusuportahan ito ng siyensya!

[embed-health-tool-bmi]

Ano Ang Diet Buddy? Pati Ito Nakatutulong?

Isipin lamang na ito ay katulad ng mga pag-aaral na isinasagawa sa mga unibersidad o simpleng pag-aaral sa pangkalahatan. May epekto sa pisikal o panlipunang aspekto ng buhay ng tao ang pagkakaroon ng mga taong may katulad na pag-iisip o layunin.

Dahil sa pagkakatulad sa mga layunin, may isang taong nakararanas din ng parehong mga problema o kasalukuyang sumasailalim sa parehong mga hamon na iyong pinagdaraanan.

Ang simpleng pagkakaroon ng mga tao sa iyong paligid na may parehong pinagdaraanan ay dahilan upang ang kanilang motibasyon ay lubhang makaapekto sa iyo. Ito ay lubhang mahalaga kung nagsisimula nang mabawasan ang iyong timbang at nakatatanggap ka na ng mga papuri. Ito ay lalo pang nakapagbibigay ng motibasyon sa iyo upang mas paghusayan ang diet subalit ang pagkakaiba ng pagkakaroon ng diet buddy ay mas mabuti kahit na hindi mabilis ang pagbaba ng timbang.

Ang ilang mga kaibigan o karelasyon ay maaaring mangamba sa iyong diet at paraan ng pamumuhay. Subalit kung ikaw ay sinusuportahan ng isang taong may kaparehang layunin, hindi sila mag-aalala.

Hangga’t may parehong layunin at suporta, ang mga ito ay nakalilikha ng isang kapaligirang mas nakahihikayat ng tagumpay.

Ano Ang Diet Buddy? Mga Benepisyo Ng Synchronization

Kung ikaw ay may kaibigan o karelasyong may kaparehong layunin, kayo ay may tyansang mas magtagumpay dahil nawala ang banta ng pagiging mag-isa at hindi produktibo. Gayunpaman, mahalagang tandaan na ang mga benepisyong ito ay nagiging totoo lamang kung ang iyong karelasyon ay talagang nakatuon sa pagbabago ng paraan ng pamumuhay.

Kung hindi, ang pagkakaroon ng kaibigan o karelasyong may kaparehong layunin nang dahil lamang gusto mong magkaroon ng diet buddy ay magiging mas mahirap lamang. Ito ay dahil tila mayroon kang karagdagang problema na mabago rin ang paraan ng pamumuhay ng ibang tao.

Ang synchronization, para sa mga taong nakatira sa iisang bahay, ay lalong mas mabuti dahil ang pagtira sa isang bahay kung saan may isang taong kumakain ng maraming sitsirya at may isang taong iniiwasang kumain ng mga ito ay lubhang nagpapahirap kung may palagiang suplay ng sitsirya sa bahay.

Kung ang parehong indibidwal na nakatira sa iisang bahay ay nakatuon sa mas malusog na diet, hindi magkakaroon ng anomang mga sitsirya. Ito ang benepisyo ng pagkakaroon ng target na kontrol sa mga pagkaing nasa kusina at kung gaano ito kadalas mangyari.

Kung ang iyong kasama sa bahay o karelasyon ay hindi talaga desidido, laging may solusyon upang makontrol ang mga benepisyo ng pagkakaroon ng diet buddy kahit wala talaga.

Mas Pagbutihin Pa Ang Diet

Maaaring i-maximize ang mga benepisyo ng pagkakaroon ng nakahihiyat na kapaligiran kung ang diet buddy ay magiging social support. Hindi malinaw ang pagpapaliwanag ng siyensya subalit ang social support ay natuklasang epektibo at maaari ding maging pangangailangan para sa pagbabawas ng timbang.

Kung kinakailangan ng maraming tao upang magpalaki ng bata, kinakailangan din ang isang grupo upang maging matagumpay sa ginagawang diet. Ang suporta ay nangangahulugan ng maraming bagay at maaaring magmula sa ibang tao na hindi sumasailalim sa diet.

Ang “diet buddy” ay maaaring magmula sa taong nagbibigay ng suporta, tulong, o inspirasyon.

Key Takeaways

Sa pamamagitan ng pagkakaroon ng mga tao sa iyong paligid habang nagsasagawa ng diet at ng pagkakaroon ng mga kaibigang may parehong mga layunin, nagiging mas madali para sa iyo ang magtagumpay at maging masaya habang ginagawa ito.

Matuto pa tungkol sa Diet at Pagbabawas ng Timbang dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Weight Loss Buddy, https://www.weightlossresources.co.uk/weight_loss/weight-loss-buddy.htm, Accessed October 25, 2021

Social Support for Weight Loss, https://diet.mayoclinic.org/diet/motivate/social-support-for-weight-loss, Accessed October 25, 2021

Ways to help your spouse lose weight, https://www.aarp.org/health/healthy-living/info-04-2012/ways-to-help-spouse-lose-weight.html, Accessed October 25, 2021

The role of social support in weight loss maintenance: results from the MedWeight study, https://pubmed.ncbi.nlm.nih.gov/26801339/, Accessed October 25, 2021

Twelve-month adherence of adults who joined a fitness program with a spouse vs without a spouse, https://pubmed.ncbi.nlm.nih.gov/8775648/, Accessed October 25, 2021

Involving support partners in obesity treatment, https://pubmed.ncbi.nlm.nih.gov/15796642/, Accessed October 25, 2021

Partner Influence in Diet and Exercise Behaviors: Testing Behavior Modeling, Social Control, and Normative Body Size, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC5199005/, Accessed October 25, 2021

Weight Loss Buddy, https://www.weightlossresources.co.uk/weight_loss/weight-loss-buddy.htm, Accessed October 25, 2021

Kasalukuyang Version

12/06/2022

Isinulat ni Niña Christina Lazaro-Zamora

Narebyu ng Eksperto Chris Icamen

In-update ni: Vincent Sales


Mga Kaugnay na Post

Puwede Bang Pumayat Nang Walang Ehersisyo? Alamin Dito!

Safe Ba Ang Slimming Pills? Heto Ang Mga Dapat Mong Malaman!


Narebyu ng Eksperto

Chris Icamen

Dietetics and Nutrition


Isinulat ni Niña Christina Lazaro-Zamora · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement