backup og meta

Benepisyo Ng Bawang Kapag Kinain Ng Hilaw, Ano Nga Ba?

Benepisyo Ng Bawang Kapag Kinain Ng Hilaw, Ano Nga Ba?

Madalas gamitin ng mga tao ang bawang sa pagluluto ng pagkain. Subalit, alam mo rin ba ang mga benepisyo ng bawang kapag kinain ng hilaw?

Basahin ang artikulong ito para sa mahahalagang impormasyon tungkol sa pagkain ng bawang na hilaw.

9 Nakakagulat na Mga Benepisyo ng Pagkain ng Bawang na Hilaw

Isa sa mga pampalasa na dapat makuha sa kusina ng bawat tahanan ng Pilipino ay ang bawang. Marami sa’ting mga ulam, ang hindi kumpleto kung walang bawang, tulad ng adobo. Bukod sa masarap sa nilulutong pagkain ang bawang. Mabisa rin ito sa pagpapanatili ng iyong kalusugan! Lalo na kapag kinakain ng hilaw ang bawang. Curious ka ba tungkol sa mga benepisyo ng pagkain ng hilaw na bawang?

Benepisyo ng bawang: Nutritional Content 

garlic for hypertension

Ang bawang ay isang tuber na may Latin name na “Allium sativum”. Makikita na ang bawang ay kasama pa rin sa pamilya ng halaman ng amaryllis (Amaryllidaceae). Ito rin ay nauugnay sa scallions at shallots. Sinasabi na ito ay native sa Gitnang Asya, ngunit lumalaki din sa Italya at timog France at iba pang mga bansa.

Sa isang bawang, karaniwang nagtataglay ito ng 1-10 cloves. Ang bawat clove mismo ay tumitimbang ng 6-8 grams. Kaya, bawat 100 grams ng bawang ay naglalaman ng humigit-kumulang:

  • 4 calories
  • 1 grams ng carbohydrate
  • 0.2 grams ng protina
  • 0.1 grams ng fiber
  • 0.1 milligrams ng manganese (katumbas ng 3% ng pang-araw-araw na pangangailangan ng katawan)
  • 0.9 milligrams ng vitamin C (katumbas ng 2% ng pang-araw-araw na pangangailangan ng katawan)
  • 5.4 milligrams ng calcium (katumbas ng 1% ng pang-araw-araw na pangangailangan ng katawan)
  • 0.4 micrograms ng selenium (katumbas ng 1 porsiyento ng pang-araw-araw na pangangailangan ng katawan)
  • Linya ng antioxidants tulad ng flavonoids, oligosaccharides, at amino acids

Ang bawang ay naglalaman din ng active sulfur compounds, tulad ng alliin, allyl propyl disulfide, diallyl disulfide, at diallyl trisulfide. Kapag ang hilaw na bawang ay nginunguya sa bibig, ang sulfur substances ay magre-react para bumuo ng allicin.

Mga Benepisyo sa Kalusugan ng Bawang

Pagpapababa ng Kolesterol

Matagal nang itinuturing na isa sa mga pinakamahusay na pagkain ang bawang. Ito ay ginagamit upang maiwasan ang mataas na kolesterol. Ang isang nakaraang pag-aaral na inilathala sa Journal of Postgraduate Medicine — ay nag-ulat na ang pagkain ng humigit-kumulang 10 grams ng hilaw na bawang (1-2 maliliit na clove) bawat araw — ay nakakapagpababa ng kolesterol nang husto sa loob ng dalawang buwan.

Ang resulta na ito ay pinatunayan din ng iba’t ibang recent studies. Isa sa mga ito ay ang pag-aaral na inilathala sa International Journal of Medical Science and Public Health noong 2016. Ayon sa isang research team mula sa India, ang 50 tao na may mataas na kolesterol ay hiniling na regular na kumain ng 3 grams ng hilaw na bawang. Isang beses sa bawat araw. Pagkatapos ng 90 araw ng panahon ng pagsubok. Ang lahat ng mga kalahok ay nakaranas ng makabuluhang pagbaba ng kolesterol, na humigit-kumulang 10-13%.

Natuklasan ng researchers na ang benepisyong ito ay nagmumula sa allicin content ng bawang. Kakaiba ang allicin, sapagkat ito ay prino-produce lamang ng bawang. Kapag ang cloves ay hiniwa, giniling, o dinurog sa pamamagitan ng pagnguya. Pinipigilan ng allicin ang isang enzyme, na gumaganap ng isang papel sa paggawa ng kolesterol.

Pagpapababa ng Presyon ng Dugo

Kung ikaw ay nasa panganib o na-diagnose na may hypertension. Ang pagpapanatili ng isang malusog na diyeta ay isa sa mga susi upang maging malusog. Ngayon, sa maraming masustansyang pagkain na umiiral, ang bawang ay pwedeng maging iyong mainstay.

Oo! Ang mga potensyal na benepisyo ng bawang para sa pagpapababa ng presyon ng dugo ay matagal nang kinikilala. Kung saan, inihahambing ito sa mga generic na gamot sa hypertension. Makikita rin sa isang pag-aaral mula sa Pakistan Journal of Pharmaceutical Sciences ang benepisyo ng bawang kapag kinain ng hilaw. Lumalabas na ang pagbaba ng systolic at diastolic blood pressure ay naganap pagkatapos ng pagkain nito. Kung saan, halos maging tulad ito ng drug atenolol.

Muli, ang benepisyong nabanggit ay mula sa allicin content na pwede lamang makuha. Kapag ang mga hilaw na clove ng bawang ay nginunguya, minasa, o tinadtad. Ang pamamaraang ito ay mas ginagawang madali ang pag-absorb ng allicin sa katawan upang magamit.

Bilang karagdagan, ang bawang ay naglalaman din ng polysulfide na gumagana para palawakin ang mga daluyan ng dugo. Sa ganitong paraan nakakatulong ito na mapababa ang presyon ng dugo.

Benepisyo ng bawang: Kalusugan ng Puso

eating raw garlic

Ang pagkain ng hilaw na bawang ay potensyal ding mabuti para maiwasan ang panganib ng sakit sa puso. Dahil ang bawang ay kilala bilang pandagdag na paggamot sa pagpapababa ng kolesterol at presyon ng dugo. Kung saan, binabawasan nito ang panganib ng atherosclerosis.

Makikita ang pinaka-pare-parehong benepisyo ng extracts mula sa pinatuyong bawang (aged garlic). Sa pagbubuod ng isang bilang ng mga pag-aaral, ang aged garlic extract ay binabawasan ang pagbuo ng soft plaque. Pinipigilan din nito ang formation ng bagong plaque sa mga ugat.

Habang sa pag-aaral naman mula sa Journal of Nutrition, gamit ang aged garlic ay nagpakita rin ng epekto ng pagpapababa sa antas ng calcium at C-reactive protein sa coronary arteries. Ang calcium deposits sa coronary arteries ay isang senyales ng “plaque buildup” na pwedeng magpaliit o makabara sa arteries. Dagdag pa rito, ang C-reactive protein ay isang espesyal na protina na nagtri-trigger ng pamamaga.

Sinasabi na ang dalawang kondisyon sa itaas ay nagtri-trigger ng atherosclerosis. Kapag nangyari ang atherosclerosis, mas madaling magkaroon ng atake sa puso o stroke.

Nabawasan ang Panganib sa Kanser

Ang mga benepisyo ng pagkain ng hilaw na bawang ay kilala na sa loob ng maraming siglo.

Makikita sa paglulunsad mula sa National Center for Biotechnology Information, ang ebidensya ng pananaliksik ngayon. Kung saan, ito ay nagpapakita ng link sa pagitan ng regular na pagkonsumo ng bawang at pinababang panganib ng ilang uri ng kanser. Kabilang dito ang kanser sa tiyan (tiyan, colon, at maliit na bituka), esophageal cancer, pancreatic cancer, breast cancer, at prostate cancer.

Sinasabi na ang hilaw na bawang ay mayaman sa active sulfur content na pumipigil sa pagbuo ng cancer cells, at pinipigilan ang pagkalat nito sa katawan.

Benepisyo ng bawang: Kalusugan ng Utak

Lumalabas na ang pagkain ng bawang ay hindi lamang kapaki-pakinabang para sa kalusugan ng puso, kundi pati na rin sa utak.

Natuklasan ng isang pangkat ng researcher mula sa Unibersidad ng Missouri na ang carbohydrate derivative sa bawang na kilala bilang FruArg — ay nagpoprotekta sa brain cells laban sa mga epekto ng pagtanda at sakit. Iniulat na ang FruArg ay nakakatulong para mabawasan ang antas ng nitric oxide na ginawa ng microglial cells sa utak. Sa panahon ng paglaban sa pamamaga at oxidative stress.

Makikita sa kabilang banda, na ang papel ng microglia cells ay lubhang kapaki-pakinabang para sa pagpapanatili ng isang malusog na nervous system. Gayunpaman, habang mas matagal na nilalabanan ng microglia cell ang pamamaga — ay mas lalo silang gumagawa ng nitric oxide. Ang sobra na antas ng nitric oxide ay matagal nang naiugnay sa pinsala sa cell damage.

Sa kabutihang palad, ang FruArg compound sa bawang ay pwedeng magparami ng microglia cells nang hindi trinitrigger ang pagtaas ng antas ng nitric oxide sa utak. Nangangahulugan ito, na ang bawang ay nag-aalok ng protective benefits para sa brain cells. Ito ay sa pamamagitan na gawin silang mas immune sa risk ng neurological disease. Tulad ng dementia at Alzheimer’s.

Benepisyo ng bawang: Pag-iwas sa Acne

Huwag sumuko kung sinubukan mo ang halos lahat ng paraan upang mawala ang acne. Ngunit walang gumagana para sa’yo. Don’t worry! Baka ang stock na bawang sa kusina ang solusyon.

Ipinakita ng iba’t ibang pag-aaral na ang allicin ay may antibacterial, antifungal, antiviral, at antiseptic properties na tumutulong sa pagpatay ng mikrobyo na sanhi ng acne. Ang iba’t ibang properties na ito ay nakakatulong para mabawasan ang pamamaga at inflammation ng balat. Malaki rin ang naitutulong nito para sa sirkulasyon ng dugo upang mag-lighten ang skin tone.

Ang bawang ay naglalaman din ng iba pang mga bitamina at mineral na pinaniniwalaang makakapuksa sa acne. Simula sa vitamin C, vitamin B-6, selenium, copper, at zinc na kapaki-pakinabang para sa pagkontrol ng labis na produksyon ng langis .

Benepisyo ng bawang: Nagpapalakas ng Buto

Alam mo ba na bukod sa calcium at bitamina D. Pinaniniwalaan na ang flavonoids ay kasama sa mga nutritional component na may pinakamalaking potensyal. Sa  pagpapabuti nng kalusugan ng buto?

Makikita sa pagbubuod ng mga natuklasan ng isang pag-aaral sa Journal of Nutrition in Gerontology and Geriatrics. Ang flavonoids ay may potensyal na pataasin ang bone formation habang pinapabagal ang proseso ng bone mineral loss. Mula sa pamilya ng sibuyas, ang bawang at leeks ay natagpuang pinaka-epektibo sa pagpigil sa proseso ng pagkasira ng buto.

Dagdag pa rito, ang isang pag-aaral sa lab rats ay natuklasan din na ang bawang ay kapaki-pakinabang sa pag-iwas sa bone loss. Pagkatapos ng operasyon sa pagtanggal ng ovaries (oophorectomy).

Benepisyo ng bawang: Paglaban sa Pamamaga, Sipon, at Ubo

Ang bawang ay isa sa mga natural remedy para palakasin ang immune system. Makikita sa active compound allicin ng bawang na mabisa ito, sa pagpatay ng iba’t ibang mikrobyong nagdudulot ng karaniwang sakit. Tulad ng sipon at trangkaso, ubo, at pananakit ng lalamunan.

Kung ikaw ay may sakit, ang pagkain ng bawang ay pwedeng makabawas sa kalubhaan ng iyong mga sintomas. At makatulong para gumaling ka nang mas mabilis. Iniulat din ng iba’t ibang pag-aaral na ang regular na pagkain ng hilaw na bawang ay nakakabawas sa risk na magkasakit. Mula sa pagkakaroon ng mga karaniwang sakit na nabanggit sa artikulong ito.

Benepisyo ng bawang: Pagtatagumpay sa Pagkalagas ng Buhok

Sino ang mag-aakala na ang benepisyo ng pagkain ng hilaw na bawang ay pwedeng pagtagumpayan ang problema ng pagkawala ng buhok?

Sa alopecia o pagkakalbo na sanhi ng isang autoimmune disease. Ang hilaw na bawang ay maaaring palakasin at hikayatin ang pagtubo ng buhok sa anit. May mga taong naglalagay pa ng langis ng bawang sa ulo para maiwasan ang pagkakalbo.

Ang Mga Benepisyo ng Bawang Sa Pagkain ng Hilaw

Maaari mong anihin ang lahat ng mga benepisyo ng bawang sa pagkain at pagnguya ng clove raws. Sapagkat, ito ay nasa pinakasariwang kondisyon. Kung saan, ang mga sustansya ng bawang ay maaaring mas gumana nang mahusay.

Marahil ang ganitong paraan ng pagkain ng bawang ay hindi karaniwan para sa iyo. Ngunit ang processing garlic, o paggamit nito sa pagluluto — ay pwedeng mag-aalis ng iba’t ibang mahahalagang sustansya.

Subalit kung ayaw mong kumain ng hilaw na bawang. Okay lang na magdagdag ng bawang sa iyong pang-araw-araw na diyeta.

Gaano Karaming Hilaw na Bawang ang Maaari Mong Kainin sa Isang Araw?

Kung itinuturing na nasa mabuting kalusugan ka at walang malubhang problema sa kalusugan. Pinapayagan ka ng University of Maryland Medical Center na kumain ng 1-4 cloves ng hilaw na bawang araw-araw.

Ang pagkain ng higit sa isang clove ng bawang bawat araw ay pwedeng magpalala sa kondisyon ng mga taong may severe indigestion. Dagdag pa rito, pinapayuhan din ang mga taong may allergy, low blood pressure, asthma, ulcers, o thyroid problems na kumunsulta muna sa doktor. Bago kumain ng bawang.

Magpakonsulta muna sa doktor kung ikaw ay kasalukuyang umiinom ng mga sumusunod na gamot:

  • Isoniazid (Nydrazid)
  • Family planning pills
  • Cyclosporine
  • Gamot para sa HIV/AIDS
  • NSAID na gamot sa pananakit
  • Blood thinning medication (Warfarin)

Kung umiinom ka ng alinman sa mga gamot na ito, limitahan ang dami ng bawang na iyong kinakain. Para maiwasan ang masamang pakikipag-ugnayan. Dapat mo munang tanungin ang iyong doktor kung ligtas bang kumain ng bawang. Habang gumagamit ng mga medikal na gamot.

Tips Para Maalis ang Bad Breath Pagkatapos Kumain ng Bawang

Bagama’t mabuti para sa kalusugan ang bawang. Lagi pa ring tatandaan na ang pagkain ng sobra na bawang ay hindi rin mabuti. Ang pampalasa sa kusina na ito ay pwedeng maging sanhi ng hot mouth, pagtatae, pagduduwal at pagsusuka, bad breath at body odor. Maaari ka magkaroon nito kung sobra-sobra ang iyong pagkain ng bawang.

Para maiwasan ang bad breath sa pagkain ng hilaw na bawang. Subukan muna ang mga tip na ito.

  • Hugasan ang raw garlic cloves na may malamig na tubig
  • Pagkain ng hilaw na bawang na may kasamang celery o basil leaves. Para hindi masyadong tumalas ang aroma ng bawang
  • Uminom ng isang baso ng low-fat milk o kumain ng plain yogurt. Pagkatapos kumain ng hilaw na bawang
  • Magsipilyo ng iyong ngipin at magmumog ng mouthwash hanggang sa malinis ang ngipin, pagkatapos kumain ng hilaw na bawang

Paano Mag-iimbak ng Bawang

Itago sa Refrigerator

Ang pag-iimbak ng bawang sa open area ay maaaring magpanatili ng moist. Pwede rin ito maging sanhi ng paglitaw ng bagong shoots. Pinakamainam na itabi ang binalatan at hinugasang bawang sa isang airtight container. Ilagay ito sa refrigerator o freezer.

Kung ang bawang ay sumibol, magandang ideya na itanim ang bawang sa isang maliit na palayok na puno ng lupa, at hayaan itong tumubo.

Paggiling bago iimbak

Maaari kang gumiling ng ilang clove ng bawang sa isang blender o food processor, at iimbak ito sa isang airtight container. Pagkatapos, itabi ito sa refrigerator. Ang tinadtad na bawang ay makakatipid sa’yong oras para sa pagluluto.

Bukod sa pagiging mas praktikal, ang minasa na bawang ay mas matibay din. Kumpara sa buong bawang na nakaimbak sa room temperature.

Ibabad sa Olive Oil

Ang susunod na paraan ay ibabad ang bawang sa olive oil. Una, balatan ang bawang at hugasan. Pagkatapos ay itabi ito sa isang lalagyan. Ibuhos ang olive oil at isawsaw ang bawang dito. Isara nang mahigpit at ilagay ang lalagyan sa refrigerator.

Dahil ang bawang ay sumisipsip ng olive oil. Pwede nitong pagyamanin ang lasa ng iyong luto. Bilang karagdagan, ang soaking oil ay nag-iiwan ng lasa ng bawang. Ito ay maaaring gamitin bilang isang dressing o salad dressing.

Tandaan, mag-imbak ng bawang at olive oil sa refrigerator, hindi sa room temperature. Ang bawang na nakaimbak sa ganitong paraan ay karaniwang tumatagal ng 3 linggo. Kapag ito ay higit sa 3 linggo, itapon na ito at palitan ng mas sariwang bawang at bagong olive oil

Matuto pa tungkol sa Masustansyang Pagkain dito.

[embed-health-tool-bmi]

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

1 Health benefits of garlic, https://www.consumerreports.org/diet-nutrition/the-health-benefits-of-garlic/, Accessed November 2016.

2 Prevention of bone loss by oil extract of garlic (Allium sativum Linn.) in an ovariectomized rat model of osteoporosis, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pubmed/15173999, Accessed November 2016.

3 Garlic Found to Protect Brain Against Disease, Aging, https://medicine.missouri.edu/news/garlic-found-protect-brain-against-disease-aging, Accessed November 2016

4 Flavonoid Intake and Bone Health, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC3898177/, Accessed November 2016

5 Immunomodulation and Anti-Inflammatory Effects of Garlic Compounds, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC4417560/, Accessed November 2016

6 Garlic and Heart Disease, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pubmed/26764327, Accessed March 2019

7 Role of Garlic Usage in Cardiovascular Disease Prevention: An Evidence-Based Approach, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC3652202/, Accessed November 2016

8 Cholesterol lowering property of garlic (Allium sativum) on patients with hypercholesterolemia, https://www.ejmanager.com/mnstemps/67/67-1459944769.pdf, Accessed November 2016

Kasalukuyang Version

06/02/2022

Isinulat ni Lornalyn Austria

Narebyu ng Eksperto Chris Icamen

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Paano Makontrol Ang Cravings Kapag Umatake Ito

7 Pagkain Na May Vitamins Na Pampalakas Ng Baga


Narebyu ng Eksperto

Chris Icamen

Dietetics and Nutrition


Isinulat ni Lornalyn Austria · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement